Palabas na sana ako ng bahay ngunit sumigaw si Yuki at Kiro.
'ATE KASS!' sabay na sigaw nila kaya napalingon ako. Kapwa sila nakangiti sa akin ng maganda kaya napakunot ang noo ko.
'Bakit?' tanong ko sa kanila ng hindi yumuyuko para yakapin sila.
'Si Papa po kasi bigla siyang umalis kagabi kasama sila Tito, tapos hanggang ngayon hindi pa siya umuuwi.' si Yuki na nakanguso habang nagsasalita. Bigla naman hinawakan ni Kiro ang kamay ko.
'Ate Kass, pwede po ba tayo pumunta sa park?' Pasimple kong inalis ang pagkakahawak niya sa kamay ko saka namulsa.
'May gagawin ako, dito lang kayo.' tinalikuran ko na sila ng hindi nagpapaalam saka lumabas ng bahay.
Sumakay agad ako sa kotse at pinaharurot yun ng maneho. Kailangan ko makahinga.
Pinarada ko ang kotse at lumabas ng sasakyan.
'Andito na ang malandi!' Tinignan ko si Hazel na inirapan ako at naunang naglakad sa akin papasok sa Campus.
Malandi pala ah, Makikita natin kung sino ang malandi sa ating dalawa.
Namulsa ako ng naglalakad papunta sa gymnasium dahil magkakaroon ng pre-pageant ngayon. Well hindi na ako magtataka dahil malapit na rin ang Foundation Day.
Naupo ako sa pinakadulo saka dumekwatro habang pinagmamasdan si Hazel na taas na taas ang noo habang nakikipag-usap sa ibang estudyante, Halatang nakikipag-plastikan siya para manalo bilang Ms. Campus. Goodluck sa kanya.
Isa-isa silang minention ng emcee na pumunta sa bakstage dahil mag-uumpisa na ang pre-pageant.
Tatawagin ng emcee ang pangalan ng mga candidate saka sila lalabas sa backstage para rumampa sa stage, lalapit sila sa stand mic para magpakilala habang may nagpaplay na video na finilm nila kung ano sila sa loob ng Campus.
Natawa na agad ako ng tawagin ang pangalan ni Hazel, maraming nagpalakpakan saka naghiyawan kaya ang malandi ay todo ngiti at kaway.
Nang lumapit siya sa stand mic ay biglang nag-play ang video na inutos ko kay Sydd.
'OHH AHHH FVK BABY!!!! FVK ME HARDER!'
'OH YEAH! YOU LOVE MY C**CK HA? YEAH AHHHH!'
'YEAAHHHH AHHHHH!!!!' Nanlaki ang mata ni Hazel habang pinapanood ang kaniyang sarili na nangangabayo sa kama.
Nagbulungan ang mga estudyante at nataranta ang emcee na patayin ang video ngayon. Nakita ko ang pamumutla ng mukha ni Hazel habang nanginginig ang kanyang buong katawan.
'YOU SUCH A SLUT!'
'YOU'RE A FVKNG WHORE!'
sigaw ng mga tao sa kanya, ngayon Hazel? Sino sa atin ang malandi ngayon? Tinignan ko ang itsura niya na parang bata na umiiyak habang tumatakbo paalis sa gymnasium.
'Mukhang nag-enjoy ka?' tinignan ko si Sydd na naupo sa tabi ko.
'Ayaw niya kasi ako tantanan, tama lang sa kanya yun.' sagot ko at pinagpatuloy ang panonood ng pre-pageant na itinuloy kahit nag-walk out si Hazel.
'Well, malandi naman talaga si Hazel, maiba ako Kass.' Tinignan ko lang saglit si Sydd.
'May nangyari ba sa bahay niyo? Natulog kasi sa bahay namin si Papa at ayaw niya muna umuwi sa inyo.' Napatingin ako ulit kay Sydd.

BINABASA MO ANG
TGIN 3 : Her Daughter
Altele(Kassandra Kylie Smith) Almost perfect family na kami noong bata pa lang ako. Pero dahil sa nangyaring trahedya na dumating sa aming buhay ay nawala ang Perfect Family na inaasam-asam ng bawat anak na katulad ko. Hinding-hindi ko mapapatawad ang sum...