Naupo kami sa sofa, katabi ko si Sydd habang nasa tapat ko sila Caleb.
'Hindi ko na ioopen pa yung sa ating dalawa. Pero gusto kong malaman mula sayo kung bakit kinakailangan pati ang pag-kakaibigan natin ay dapat masira ng ganun lang kadali?' Tinignan ako ng seryoso sa mata ni Caleb.
'Hindi pa ba sapat yung sinabi ko na lubayan niyo na lang ako? Bakit ba kinakailangan ko magbigay ng rason ha?' Irita kong sabi habang tinitignan sila isa-isa.
'Tsss. Kassandra kilala ka namin at alam namin na may malalim kang dahilan! Pero sana naman ay magsabi ka dahil kaibigan mo kami!' Sigaw ni Topher. Tumayo siya at lumapit sa akin sabay hatak niya sa kwelyo ng jacket ko kaya napatayo ako bigla.
'Karapatan namin malaman yun Kassandra Kylie!' muling sigaw niya kaya napangiti ako.
Peste! Talagang kilala na namin ang isa't-isa.
'Aalis na kami ni Sydd kaya bitawan mo na ako.' Seryoso kong sabi sabay hawak sa kamay ni Topher at inalis yun ng buong pwersa sa pagkakahawak niya sa jacket ko.
'Tara na Sydd.' Tinignan ko sila lahat ng masama saka mabilis na naglakad palabas ng bahay ni Topher.
Agad akong sumakay sa sasakyan at minaneho yun ng mabilis pauwi sa bahay. Tinignan ko sa side mirror ang sasakyan ni Sydd na mabilis nakahabol sa akin.
Pinarada ko ang sasakyan sa tapat ng bahay at lumabas. Ganun din si Sydd na tahimik akong sinusundan papasok sa bahay.
'Hi Ate Kass! Hi Kuya Sydd!' sabay na bati ni Kiro at Yuki. Sinalubong ko naman sila ng yakap at hinayaan si Sydd na yakapin din sila.
'Oh! Andyan na pala kayo. Tara na sa dining area at kanina pa naghihintay sa inyo si Jaesan.' Nakangiting sabi ni Kiyana.
'Sige na Sydd at sumabay ka na sa kanila. May pupuntahan lang ako.' Tinaasan naman ako ng kilay ni Sydd.
'Saan ka naman pupunta?' taka niyang tanong.
Hinawakan ko ang braso niya saka siya tinulak palakad sa dining area.
'Sumabay ka na sa kanila kumain. Babalik din ako agad.' Kininditan ko si Kiyana na tumango at inakay si Sydd papasok sa dining area kasama sila Kiro at Yuki.
Naglakad agad ako palabas ng bahay at sumakay sa sasakyan ko. Habang nagmamaneho ako ay dinial ko ang numero ni Nevado.
(Nagawa mo na ba?) Napangisi ako ng makarinig ako ng ungol sa kabilang linya.
'Gusto ko lang malaman kung saan madalas tumambay si Andrei Herras.' Wala naman kasi sa inpormasyon na pinadala niya kung saan madalas tumambay ang hinayupak na iyon.
(Hayss! Dapat ikaw na mismo umaalam ng bagay na yan! Ikaw ang papatay diba?!) Natawa ako ng sarkastik.
'Paano ko malalaman ni hindi ko nga kilala ang taong iyon. Isa pa ha. Kulang ang inpormasyon na pinadala mo.' Irita kong sabi.
(Tsss. Sige na! Ipapadala ko na sayo peste!) sabay patay niya ng tawag kaya inis kong binato yung cellphone sa passenger seat.
Inihinto ko saglit ang sasakyan sa tabi at kinagat ang hintuturo ko.
Kunot noo kong tinignan yung cellphone na tumunog at tinignan ko yung text ni Nevado.
Sa club ko siya pupuntahan kaya naman nagmaneho na ako ulit. Ang sosyal ng hayop na to ah. Puro mayayaman lang ang pwedeng pumasok sa loob ng club na iyon.
BINABASA MO ANG
TGIN 3 : Her Daughter
Random(Kassandra Kylie Smith) Almost perfect family na kami noong bata pa lang ako. Pero dahil sa nangyaring trahedya na dumating sa aming buhay ay nawala ang Perfect Family na inaasam-asam ng bawat anak na katulad ko. Hinding-hindi ko mapapatawad ang sum...
