Na-update namin ang aming Mga Alituntunin sa Nilalaman.
Suriin ang pinakabagong mga alituntunin para patuloy na makapagbahagi ng mga kuwento nang ligtas.

Bullet Twenty Four

1.2K 53 0
                                        

Pagkababa ko ng hagdanan ay sakto naman na nag-uusap pa rin sila Tito Jaesan, Tito Ryan, Tito Ram at Tito Rey.

'Oh? Gabi na ha, aalis ka pa?' puna sa akin ni Tito Ram.

'May pupuntahan lang po ako.' Tinignan ko si Tito Jaesan na tumango sa akin bilang sagot kaya lumabas na ako ng bahay.

Pasakay na sana ako sa sasakyan ng mag-vibrate ang cellphone na binigay ni Nevado kaya sinagot ko yun kaagad.

(Asaan ka?) halata sa boses niya ang galit.

'Andito sa amin, bakit?' Sumakay na ako sa kotse at nagmaneho.

(Dumiretso ka dito sa opisina ko at may ipapapatay ako sayo!) sigaw niya sabay baba ng tawag. Peste!

Ibinulsa ko ang cellphone na binigay ni Nevado at kinuha naman sa kabilang bulsa ang cellphone ko mismo.

'Hello..' sagot ko.

(Kass, si Rosa ito.) Tinignan ko ang screen ng phone ko, iba ang number na gamit niya.

'May problema ka ba?'

(Kass, may nalaman ako tungkol kay Kiyana, papunta na ako sainyo at since andun na rin naman si Papa kaya doon na lang tayo magkita kung pwede?)

'Sige sige. May pupuntahan lang ako.' Pinatay ko na ang tawag at ipinarada ang sasakyan sa tabi.

Lumabas ako sa kotse at inalalayan ako ng isang tauhan ni Nevado papasok sa loob ng mansyon.

Naabutan ko si Steph na nakikipag-suntukan sa mga tauhan nila kaya napatigil ako sa paglalakad.

Hindi ko inaasahan na mabilis siyang matututo kung paano ilagan ang suntok ng kalaban.

Napatigil siya sa pakikipaglaban at tumingin sa akin. Umiwas ako ng tingin saka nagpatuloy sa paglalakad.

Pinagbuksan ako ng pintuan ng isa sa mga tauhan ni Nevado kaya pumasok na ako.

Nakatalikod si Nevado habang nakasilip sa bintana atsaka siya humarap sa akin pagkasarado ng pinto.

'Gusto kong patayin mo na yan ngayong gabi! Ayokong pumalpak ka ulit dahil kapag naulit iyon ay papatayin ko ang isa sa mga mahal mo sa buhay!' Binato niya sa ibabaw ng mesa ang isang folder kaya kinuha ko yun at binuklat.

'T-teka.....Hindi ba't isa to sa mga miyembro ng Bat Gang?' kunot noo kong sabi habang tinititigan ang mukha ni Augustos.

'Huwag ka ng magtanong pwede? Umalis ka na at patayin mo ang taong yan ngayon mismo!' Sigaw niya kaya napairap ako. Napapansin ko na panay ang sigaw ni Nevado nitong nagdaang araw kaya nakakabwisit na.

Tumalikod na ako dala-dala ang folder at lumabas na ng opisina niya, ayoko ng makipagtalo sa kanya dahil alam ko naman na ako din ang matatalo eh.

Pagkalabas ko ng mansyon ay sumakay na ako sa kotse at nagmaneho papunta sa lugar ng taong papatayin ko ngayon.

Inihinto ko ang sasakyan para mapag-aralan ang pasikot-sikot sa bahay ni Augustos, medyo nakakalito ang pagkakagawa ng bahay niya dahil kahit hindi iyon kalakihan ay maraming kwarto at daan na halatang maliligaw ka.

Nakalagay sa impormasyon ay madalas tumambay si Augustos sa may garden, tinignan ko ang daan papuntang garden at possibleng daan palabas sa garden.

Hindi ko pa tuluyang napapasok ang bahay ay nahihilo na ako sa pag-aaral ng daan. Ipinagpatuloy ko ang pagmamaneho at di ako nahirapan mapasok ang subdivision dahil mukhang nakatulog ang security guard na nagbabantay.

TGIN 3 : Her DaughterMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon