Na-update namin ang aming Mga Alituntunin sa Nilalaman.
Suriin ang pinakabagong mga alituntunin para patuloy na makapagbahagi ng mga kuwento nang ligtas.

Bullet Fifteen

1.4K 58 2
                                        

Sa totoo lang kinakabahan ako sa mangyayaring laban. Siguradong may mandaraya na magaganap.

'Kailangan mong manalo.' bulong sa akin ni Steph. Sumandal lang ako sa kinauupuan ko at pasimpleng tinignan yung makakalaban ko.

Asa kabilang gilid siya at masayang nakikipagkwentuhan sa mga gangmates niya halata sa kanya na sanay siyang makipaglaban. Iniwas ko ang aking tingin saka tumingin sa arena.

'Huwag kang kabahan dahil baka matalo ka.' Tinignan ko ng masama si Steph na ngumiti lang.

Pinagmasdan ko ang dalawang naglalaban sa loob ng arena. Halos walang gustong mag-patalo sa kanila. Napatingin ako sa orasan 2:24AM na.

'WHOOOOOOOOO!!!!' Napatingin ako ulit sa harapan. Nakahandusay sa sahig ang babae at wala siyang malay. May mga malalaking katawan na lalaki ang nagbuhat sa kanya paalis sa Arena.

Napalunok ako sa lalaking nanalo sa unang laban. Ang laki ng katawan niya. Makakayanan ko bang labanan sila ngayong gabi? Mukhang aabutin kami ng umaga nito eh.

'Basta maging focus ka lang sa kalaban mo at huwag mong hahayaang mapikon ka nila dahil mawawala ang konsentrasyon mo sa laban.' Tinignan ko si Steph ng bagot.

'Pwede bang manahimik ka? Ikaw ba ang lalaban ha? Kanina ka pa salita ng salita dyan eh!' Sabay irap ko sa kanya.

'Pinapaalalahanan lang kita babae, dahil ayokong matalo ka dito! Ni hindi ko nga alam kung bakit ikaw ang naging Leader ng Bat Gang!' Halata sa boses niya ang pagkadismaya at inis.

As if naman ginusto ko ang mga nangyayari ngayon? Tingin ba niya gusto ko maging Leader ng pesteng Bat Gang na to? Mukha niya parehas sila ng tatay niya ay makapal!

'Huwag kang mag-alala dahil hindi ko naman ginusto maging Leader ng Gang na to eh.' Narinig kong tinawag ng emcee ang Bat Gang at Maste Gang

Kami na ang maglalaban. Kaya tumayo na ako at naglakad papunta sa Arena.

'LET THE BATTLE BEGINS!' Namulsa lang ako saka pinagmasdan ang mukhang tangang lalaki na nasa harap ko na umaaktong aamba tapos aatras.

Tahimik lang ang mga taong nanonood sa amin. Tanging pagtibok ng puso ko lang ang naririnig ko.

Nagulat ako ng biglang sumugod siya sa akin at nasapak niya ako sa mukha. Napaatras ako ng ilang hakbang at hinawakan ang labi ko.

'Ayoko ng mabagal honey.' Tinignan ko siya ng masama. Lumapit siya sa akin at sasakalin ako ng lumuhod ako bigla saka tinadyakan ang tuhod niya.

Napasigaw siya saka humiga sa sahig. Lumapit ako sa kanya saka siya inalalayan makatayo sabay sapak sa mukha niya. Napadura siya ng dugo sabay tadyak ko sa likuran niya.

Nanlilisik na ang mata ko sa galit. Nakita ko na nadura na naman siya ng dugo. Nilapitan ko siya sabay siko sa batok niya.

-TING TING TING-

Tumayo ako at namulsang lumabas ng Arena. Naupo ako sa upuan at yumuko. Naghahabol ako ng hininga ko dahil sa galit na nararamdaman ko ngayon.

Nanggigil ako at parang gusto kong pumatay ng tao.

'Paano mo nagawa yun?' takang tanong ni Steph. Hindi ko na lang siya pinansin at inayos ang paghinga ko.

Umayos ako ng upo saka nanonood ng laban. Masyado silang mabagal at naghahanap ng diskarte para makasugod.

'Kaya mo yan! Basta andito lang kami susuportahan ka.' Pinikit ko na lang mata ko.

Hindi ako makapaniwala na lumalaban ako ngayon kung saan madalas makipaglaban si Mama para sa Ranking.

TGIN 3 : Her DaughterMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon