Hindi na ako nagulat ng makita kong ang daming tao sa loob ng campus. Foundation Day kasi ng University ngayon.
Habang naglalakad ako ay nararamdaman kong may nakasunod sa akin. Lumingon ako sa likuran ko at may nakita akong grupo ng mga kalalakihan na nakasuot ng ibang uniform.
Napailing-iling na lang ako dahil alam ko na may balak sa akin ang mga iyon.
Nakita ko kaagad si Steph na naglalaro ng soccer kasama sila Cloud, Arthur, Ash at Leo.
'Kass!' napalingon ako kay Caleb na tumatakbo palapit sa akin. Hinawakan niya ang kamay ko at kinaladkad ako papasok sa building.
'Ano ba?!' sigaw ko sa kanya ng makapasok kami sa loob ng room.
'Bakit? Bakit ayaw mong ikasal sa akin ha? Mahal kita Kass at mahal mo rin ako!' sabi ni Caleb.
'Oo minahal kita pero noon yun. Hindi na kita mahal Caleb.' seryoso kong sagot.
'Dahil ba kay Carlene? Kayang-kaya ko siya hiwalayan kung yun ang problema!' sigaw niya.
'Hindi yun ang problema Caleb, ang problema ay hindi na ikaw amg mahal ko. Mahal ko si Steph, mahal na mahal ko siya.' pagkasabi ko nun ay naglakad na ako palabas ng room.
Pero nagulat ako ng may sumapak sa mukha ko. May nagtakip sa bibig ko at kinaladkad ako papuntang fire exit. Pinindot ko ang singsing kong bungo at sinapak sa tyan ang taong nagtakip sa bibig ko.
Nang makaayos ako ng tayo ay tinadyakan ko siya palayo sa akin, may sumugod naman na isa pang lalaki kaya sinapak ko siya sa leeg niya.
'Hayop ka!' paglingon ko ay may hawak na baril ang lalaking nanginginig pa ang kamay. Naglakad ako palapit sa kanya at ginalaw niya ang gantsilyo pero hindi yun pumutok kaya tinadyakan ko ang kamay niya kaya tumalsik ang baril.
Nilapitan ko siya at sinapak sa mukha sabay bali sa leeg niya. Tinignan ko ang tatlong lalaki na nakasuot ng ibang uniform.
Mukhang sila ang sinasabi ni Amdrei na papatay sa akin, alam kong marami pa sila kaya dapat ay ihanda ko ng maigi ang sarili ko. Pagkalabas ko sa fire exit ay nakita kong naghahalikan si Carlene at Caleb sa labas ng room kaya pumasok na ako ulit sa fire exit at bumaba.
Paglabas ko ng fire exit ay may nakita akong grupo ng mga lalaki na nag-uusap sa may garden. Umakyat ako sa puno at maingat na naupo para marinig ang pinag-uusapan nila.
'Nakita niyo na si Kassandra diba? Siya ang papatayin natin.'
'Pero mukhang magaling siya lumaban, bakit hindi pa rin dumarating sila Paul?'
'Kaya nga eh, usapan ay dadalhin nila dito ang babaeng yun.'
'Sige tignan niyo kung ano na ang nangyari.' Napangisi ako ng dumaan yung dalawa sa fire exit. Sigurado akong makikita nila agad ang patay na nilang kasama.
Hindi na ako nagulat ng makita kong hinihingal ang dalawa na bumalik sa pwesto ng kasamahan nila.
'Anong nangyari?'
'P-patay na sila.' nakita ko ang gulat sa mukha nilang lahat.
'Paano nangyari yun? Tatlo sila!'
Agad naman ako tumalon pababa ng puno at napaatras naman sila agad ng makita ako.
'Look hindi ko naman kayo sasaktan kung wala kayong gagawing masama eh.' pero napanganga ako ng matakbuhan sila palayo.
What the hell?
Namulsa na lang ako at naglakad papunta sa campus. Habang naglalakad ako ay di mawala-wala sa isip ko si Caleb, matagal kami naging magkaibigan at di ko aakalain na magiging ganun siya. Unti-unti nagbabago ulit ang ugali niya.
Sana ay di niya saktan si Carlene.
'Kass!' napangiti ako ng makita si Steph na tumatakbo palapit sa akin.
'May laban ba kayo ngayon?' tanong ko sa kanya.
'Wala naman....Wala kasing gusto na lumaban eh.' hinawakan niya ang kamay ko at naglakad kami.
'Ahh, edi okay atleast di ka magiging busy.' sabi ko.
'Yeah, balita ko fiance mo daw si Caleb?' napakunot ang noo ko at tumingin kay Steph na huminto sa paglalakad.
'Hindi ko siya pakakasalan.' seryoso kong sabi habang nakatitig sa mata niya.
'Pero minahal mo naman siya diba?' bakas sa mata niya ang lungkot.
'Noon yun, pero hindi na ngayon. Ikaw ang mahal ko.' hinawakan ni Steph ang pisngi ko sabay halik sa noo ko.
'Mas mahal kita Kass. Lahat gagawin ko para sayo.' Niyakap ko naman siya ng mahigpit.
Habang nagmamaneho si Steph papunta sa bahay ay pinagpapawisan siya kahit may aircon naman.
'Okay ka lang ba?' natatawa kong tanong. Nang maipasok niya ang kotse sa bahay ay pinarada niya agad yun.
'Grabe ka! Nagagawa mong tawanan ako? Kinakabahan na nga ako eh!' kinurot ko ang pisngi niya at pinunasan ang pawis niya.
'Ipaglalaban kita okay? Kaya dapat ipaglaban mo din ako.' ngumiti ako sa kanya sabay halik sa labi niya.
Agad naman siya ngumiti at hinalikan ang kamay ko.
'Ready na ako.' sagot niya.
Pagkapasok namin sa loob ng bahay ay nasa sala sila Tito Jaesan, Lolo at Lola.
Agad naman ako nagmano kay Lolo at Lola bago kami maupo ni Steph sa sofa.
'Lola siya po si Steph ang boyfriend ko.' pagpapakilala ko. Kumunot naman ang noo ni Lola.
'Hindi ba't siya ang anak ni Nevado? Ang pumatay sa anak ko ang Mama mo.' naramdaman ko na nagulat si Steph kaya hinawakan ko ang kamay niya.
'Lola....Siya mismo ang pumatay sa Tatay niya at niligtas niya kami.' seryoso kong sabi.
'Kahit na! Ayoko sa kanya at di ko siya matatanggap kahit kailan.' galit na sabi ni Lola.
'Patawad po sa ginawa ni Dad pero---'
'Tumahimik ka! Wala kang karapatan na kausapin ako!' sigaw ni Lola kaya napatahimik si Steph.
'Lola! Hindi ko hahayaan na ganyanin niyo ang lalaking mahal ko!' sigaw ko.
Nakita ko ang gulat sa mata niya kaya tumayo na ako at tumayo din si Steph.
'Kung hindi niyo siya matatanggap okay lang ang mahalaga ay naipakilala ko siya sa inyo.' mahinahon kong sabi at kinaladkad si Steph palabas ng bahay.
Pagkasakay namin sa kotse ni Steph ay nagmaneho na siya.
'Thank you.' bulong niya. Hindi na ako umimik pa dahil siguradong pagkauwi ko mamaya ay sesermunan ako ni Lola at di lang siya kundi si Tito Jaesan na kanina pa ay halatang gusto akong sampalin.
BINABASA MO ANG
TGIN 3 : Her Daughter
De Todo(Kassandra Kylie Smith) Almost perfect family na kami noong bata pa lang ako. Pero dahil sa nangyaring trahedya na dumating sa aming buhay ay nawala ang Perfect Family na inaasam-asam ng bawat anak na katulad ko. Hinding-hindi ko mapapatawad ang sum...