Pumunta ako sa library saka pumewesto sa parte na wala masyadong estudayante. Naupo ako sa sahig saka binuksan ang laptop ko.
Information Technology ang kinuha kong kurso dahil maalam ako pagdating sa mga computer. Napangiti ako ng mabuksan ko ang isang secret files ng pribadong kompanya.
Alvaro Company
CEO: Mr. Nevado Alvaro
Board Members:
Isaac Joe
Anthon Celestial
Abrahim Sy
Carlito Joven
Tinignan ko ang mga litrato nilang lahat. Pare-parehas silang may mga batman na tattoo. Napangiti ako saka pinatay ang laptop ko.
Habang naglalakad ako papunta sa Fiction Books ay nakarinig ako ng mahinang ungol, Tinanggal ko ang isang libro kaya malaya kong nakikitang nakikipaghalikan si Steph Alvaro sa isang cheerleader.
'It's payback time.' nakangiti kong bulong bago ibalik ang libro saka naglakad palabas ng library.
'Huy Kass!!' Napalingon ako sa aking likuran. Si Caleb na naman.
'Ano na naman?' taas kilay kong tanong.
'Sama ka sa akin mamaya!' sabay akbay niya habang naglalakad kami.
'Anong party na naman ang pupuntahan mo?' bagot kong tanong saka namulsa.
'May party kasi sila Steph eh inaya ako ng mga kaibigan ko doon mamayang gabi. Kaya sama ka na.' Napatigil ako sa paglalakad saka nilingon si Caleb na ngumisi.
'Basta si Steph ang topic natutuwa ka eh no?' sarkastik niyang sabi.
'Asa mukha ko ba ang natutuwa?' seryoso kong tanong saka muling naglakad.
'Edi hindi kung hindi.' Ibig sabihin ay magkakaroon ng party sa mansion ng mga Alvaro? Hindi pwede akong pumunta. Kailangan kong maihack ang ang CCTV camera sa buong mansion at makabisado ang pasikot-sikot doon.
Kailangan kong makakuha ng mga files kung bakit pinatay ni Nevado Alvaro ang mga magulang ko.
'Ano sasama ka ba?' Tinignan ko ng masama si Caleb saka inalis ang pagkakaakbay niya sa akin.
'Ayoko.' saka siya tinalikuran.
'Okay! Mambababae muna ako mamaya ha!' sigaw niya pero di na ako nag-atubiling lingunin siya. Habang naglalakad ako pabalik sa room ay nakita ko si Rosa na pinagtitripan nila Ash Joe, Arthur Sy, Cloud Celestial at Leo Joven.
Tinulak nila si Rosa na nakayuko lang. Naglakad ako palapit sa kanila.
'Oh pre sayo na siya.' sabay tulak ni Arthur kay Rosa.
'Ewwww ang baho niya!' tinulak naman ni Cloud si Rosa.
Bago maitulak ni Ash si Rosa ay hinatak ko ito agad palapit sa akin.
'Ayos ka lang ba Rosa?' Tinignan niya lang ako saka tumingin kay Leo na hawak-hawak ang libro niya.
'Ibalik mo yan.' Inilahad ko ang aking kamay pero ngumisi lang siya.
'At bakit ko naman to ibabalik ha?!' Tinulak niya ako pero hindi ako natumba.
'Huwag mong antaying saktan pa kita.' nakangisi kong sabi.
'Hahahaha, pota ka ang yabang mo naman! Bakit sino ka ba huh?!' akma niya akong itutulak ng mahawakan ko agad ang kamay niya sabay paikot doon at tinadyakan ang kanyang tyan.
'Argghhh! Peste kang babae ka!' Akma siyang tatayo ng sipain ko pahiga ang dibdib niya saka ako pumaibabaw.
Hinawakan ko ang magkabila niyang kamay saka ko inilapit ang aking mukha sa mukha niya.
'Sinabihan na kita, pero hindi ka nakinig.' Kinuha ko ang libro sa gilid ng kanyang ulo saka ako tumayo at inabot yun kay Rosa na naglakad agad palayo.
'Hindi mo ba kami kilala ah?!' Inis na tanong sa akin ni Cloud. Nakita ko na inaalalayan makatayo nila Ash at Arthur si Leo na ang sama-sama ng tingin sa akin.
'Hindi eh, isa pa hindi naman ako interesado.' sabay ngisi ko ng nakakaloko at naglakad na ulit papunta sa room ko.
Umpisa pa lang yan mga ugok. Dahil hindi ko hahayaang mamamatay kayo na hindi naghihirap.
Pagkapasok ko sa room ay naupo ako sa pinaka-sulok kung saan ay katabi ko si Rosa. Nagsimulang naghiyawan ang mga ilang babae ng mag-pasukan ang grupo ni Steph.
Nakita ko na itinuro ako ni Leo kay Steph na ngumiti sa akin ng nakakaloko kaya inirapan ko siya saka dumungaw sa bintana.
Napatingin ako sa dalawang ibon na nagtutukaan. Naalala ko si Steph na may katukaan din kanina. Napangiti ako sa aking iniisip.
Kung ipaibigin ko kaya sa akin si Steph? Napakunot ang aking noo dahil baka mainlove din ako sa kanya. Wag na lang. Ibang plano.
Sumandal ako saka lumingon sa gilid kung saan nakaupo ang mga grupo ni Steph at lahat sila ay nakatingin sa akin.
Magandang simula sa plano ko. Ang makuha ang atensyon nila. Napansin ko na gigil na gigil si Leo habang nakatingin sa akin kaya umiling-iling ako.
'Tsk tsk tsk.' sinadya kong marinig nila yun sabay irap ko saka tumingin sa professor na kakapasok pa lang ng room.
Nag-discuss siya at nagbigay ng maikling quiz saka nag-dismiss. Inayos ko ang aking gamit saka sinukbit ang bag ko sa aking likuran.
Napansin ko na wala ng estudyante sa loob ng room maliban sa akin at sa grupo ni Steph.
'Balita ko, sinaktan mo si Leo?' Nilingon ko si Steph na nakaupo sa mesa ng professor habang si Leo ay nasa nakasaradong pintuan nagbabantay.
'Pinagtitripan kasi nila si Rosa.' sagot ko.
'Matagal na naming pinagtitripan iyon kaya bakit ngayon ka pa nangialam?' Hinawakan niya ang kanyang ibabang labi saka ngumiti sa akin.
'Sobra na kasi kayo.' Namulsa ako saka nag-hikab.
'Pakialamera ka yan ang sabihin mo.' Sabat ni Leo kaya napangiti ako.
'Mahina ka lang ang sabihin mo.' agad siyang tumakbo pasugod sa akin ng awatin siya ni Cloud at Ash.
'Gusto mo pa ata makatikim eh?' tinanguhan ko siya saka ako ngumiti.
'Hayop kang babae ka! Papatulan kita gago!' Gigil niyang sabi. Umiling-iling ako saka hinarap si Steph na nasa harapan ko na.
'Matapang ka pala at ngayon ko lang napansin.' hinimas niya ang kanyang baba saka ako pinagmasdan mula ulo hanggang paa.
'Maganda ka at sexy pero wala kang dating.' Pang-iinsulto niya as if I care.
'The feeling is mutual pre.' nakangisi kong sagot. Nakita ko ang nakakalokong ngiti sa kanyang mukha sabay hawak niya sa magkabilang pisngi ko at akmang hahalikan ako ng tuhodin ko ang junjun niya.
'DAMN!!!' sigaw niya habang nakahawak sa kanyang junjun. Napakamot ako sa aking ulo saka siya tinadyakan sa tyan.
'Hindi ako katulad ng mga babae mo na basta-basta bibigay sayo!' Nilingon ko sila Leo, Ash, Arthur at Cloud na nakangangang nakatingin sa akin.
Napangisi na lang ako saka naglakad palabas ng room.
'ARGGHHH!!!! I WILL MAKE YOU PAY BITCH! Fvk!' natawa ako saka namulsa habang naglalakad sa hallway.
![](https://img.wattpad.com/cover/58478598-288-k435805.jpg)
BINABASA MO ANG
TGIN 3 : Her Daughter
De Todo(Kassandra Kylie Smith) Almost perfect family na kami noong bata pa lang ako. Pero dahil sa nangyaring trahedya na dumating sa aming buhay ay nawala ang Perfect Family na inaasam-asam ng bawat anak na katulad ko. Hinding-hindi ko mapapatawad ang sum...