Tinapon ko yung blueprint na pinagsulatan ni Andrei.
'Bat mo tinapon?' irita niyang tanong sa akin.
Nameywang ako at kumunot ang noo ko ng makakita ako ng whiteboard. Kinuha ko yung marker saka iginuhit ang blue print na mansion ni Nevado.
'Kabisado ko na kasi ang pasikot-sikot sa bahay ng demonyong yun.' sabi ko habang tinatapos ang pagguguhit.
'Ano ba talaga kasing balak mo? Care to share?' sarkastik na sabi ni Andrei. Naupo ako sa upuan saka dumekwatro.
'Hindi pa alam ni Steph na may alam na ako sa totoong nangyari.' umupo sa tapat ko si Andrei.
'At?'
'Gagamitin ko si Steph, kikidnapin ko siya para may alas tayo.'
'I think hindi yan mag-wowork.'
'Sa oras na to ngayon Andrei lahat ng nasa isip ko ay sisiguraduhin kong mangyayari.'
Tumawa si Andrei kaya nginitian ko na lang, baka masabihan pa akong Killjoy eh.
'Kassandra. Sigurado akong alam na ni Steph na maghihiganti ka.' sabi niya.
'Mahal ako ni Steph.' taas kilay kong sabi.
'At mahal mo din siya.' nakangiti niyang sabi.
'Tingin mo ba pagmamahal pa din ang nararamdaman ko ngayon ah?' tumayo ako at tinitigan ang mukha ng mag-ama na masayang nag-uusap.
'Sympre galit ang nararamdaman mo at ramdam ko yun. Pero isipin mo kung nagawa nilang patayin ang Papa mo paano pa kaya ang pinsan mong si Sydd?' napabuntong-hininga ako at tumingin kay Andrei na nakatitig sa akin.
'Bahala na, basta kikidnapin ko si Steph.' naglakad na ako palabas ng bahay niya pero humarang siya bigla sa dinaraanan ko.
'Tutulungan kita.' sabi niya.
'Wait, change tayo ng plano.' nakangiti kong sabi.
Inabangan namin si Carlene sa labas ng hospital, napangiti ako ng makitang siya lang mag-isa ang nagtungo. Tinawagan ko kasi siya at sinabing naaksidente si Caleb.
Sinenyasan agad ni Andrei na kidnapin na si Carlene, hindi naman kami nabigo sa unang plano. Dinala namin si Carlene sa hideout ni Andrei.
Itinali ko ang magkabilang kamay at paa ni Carlene saka ito kinuhanan ng litrato. Pinadala ko ang picture sa mismong number ni Nevado.
Ilang sandali lang ay may tumawag na Unknown Number.
(Ibigay mo sa akin si Carlene kung ayaw mong patayin ko si Sydd!) sigaw ni Nevado.
'Nag-uumpisa pa lang ako Nevado, bakit masyado ka naman ata natataranta agad?' nakangisi kong sabi.
Lumabas ako ng hideout at sumakay sa kotse na pinahiram sa akin ni Andrei. Tinahak ko na ang daan papuntang impyerno sa lugar ni Nevado.
(Tandaan mo Kassandra Kylie Smith! Sa oras na saktan mo ang anak ko ay di ako mag-dadalawang isip na patayin ang pinsan mo!) gigil na sabi ni Nevado.
'Akalain mo yun? Marunong ka pa lang matakot.' inihinto ko ang sasakyan at pinatay na ang makina ng kotse. Pinatay ko na rin ang tawag at lumabas sa kotse.
Mabilis kong napasok ang bahay ni Nevado ng walang kahirap-hirap. Napansin ko agad si Steph sa may sala na halatang may tinatawagan. Dahan-dahan akong lumapit sa kanya hanggang sa paluin ko ang ulo niya ng kahoy kaya natumba siya sa sahig.
Hinawakan ko ang mukha ni Steph na walang malay.
'Kung kelan mahal na kita ay kailangan kitang patayin. Kung nagawang patayin ni Tito Jaesan si Kiyana ay magagawa ko din yun sayo.' naiiyak kong sabi bago kinaladkad ang katawan ni Steph.
Pinagtabi ko ang magkapatid na upuan at kapwa sila walang malay.
Nakangiti ko naman tinawagan si Nevado.
'Paano ba yan Nevado? Dalawa na ang hawak ko.' nakangiti kong sabi.
(HAYOP KA! HUWAG MO SILANG SASAKTAN!) sigaw niya.
'Sure, pero gusto kong magkita tayong dalawa....Tayong dalawa lang.' sabay baba ko ng tawag at sinend sa kanya ang address ng hideout ng bat gang.
Napag-usapan na namin ni Andrei ang plano.
Pagkarating ko sa hideout ay nakita ko si Nevado na may kasamang lima na lalaki.
'Asaan ang mga anak ko?!' sigaw niya.
'Shhhh wag ka masyadong sumigaw. Baka may makarinig sayo.' nakangiti kong sabi at nilapitan siya.
'Bastarda ka! Sana noon pa lang ay pinatay na kita.' sigaw na naman niya. Sinenyasan ko ang mga tauhan ni Andrei na sumugod kaya naman tinutukan ko agad ng matalas na kutsilyo si Nevado sa kanyang leeg.
'Sabi ko naman sayo diba? Mas demonyo ako sa demonyo.' nakangisi kong sabi.
Napangiti ako ng pukpukin ni Andrei ng baril sa ulo si Nevado.
Nang madala namin si Nevado sa hideout ay sinigurado ni Andrei na wala silang kawala.
Pinabuhusan ko ng malamig na tubig sa mukha ang tatlo.
'Wow, happy family.' sarkastik kong sabi.
'Anong ibig sabihin nito?!' sigaw ni Carlene.
'Ayaw mo bang malaman kung bakit naaksidente si Caleb?' seryoso kong tanong kay Carlene na tumaas lang ang kilay.
'What do you mean?' tanong niya.
'Gustong patayin ng Daddy mo ang lalaking mahal mo.' sagot ko.
Nanlalaki ang mata ni Carlene na nilingon si Nevado na nanlilisik ang mata habang nakatingin sa akin.
'At ikaw Steph.' seryoso kong sabi kay Steph na yumuko lang.
'Niloko mo ko.' diretso kong sagot pero nakayuko lang siya.
'Anyway, Si Kiyana ba gusto mo makita?' nakangiti kong tanong kay Nevado.
'Anong ginawa mo sa kapatid ko?' gigil niyang tanong.
Sinenyasan ko yung mga tauhan na dalhin sa gitna ang sako. Binuksan nila yun at umalingasaw ang mabahong bangkay ni Kiyana.
'H-hindi.....HINDI!!!!!!' sigaw ni Nevado.
'Masakit ba? Sobrang sakit diba?' sabi ko kay Nevado.
'Hayop ka! PAPATAYIN KITA!' sigaw niya.
'Ganyan din ang nasa isip ko noong bata pa lang ako....Nung pinatay mo ang Mama ko, Yan ang nasa isip ko ang patayin ka.' kinuha ko ang dagger atsaka nilapitan si Carlene sabay sabunot sa ulo nito.
'At alam mo kung ano ang masakit? Yung pati ang Papa ko ay pinatay mo.' walang emosyon kong sabi at dahan-dahan nilaslas ang leeg ni Carlene na nagpupumiglas.
Nakita ko ang panlalaki ng mata ni Steph at si Nevado na hindi malaman kung ano ang isisigaw.
BINABASA MO ANG
TGIN 3 : Her Daughter
Acak(Kassandra Kylie Smith) Almost perfect family na kami noong bata pa lang ako. Pero dahil sa nangyaring trahedya na dumating sa aming buhay ay nawala ang Perfect Family na inaasam-asam ng bawat anak na katulad ko. Hinding-hindi ko mapapatawad ang sum...