Na-update namin ang aming Mga Alituntunin sa Nilalaman.
Suriin ang pinakabagong mga alituntunin para patuloy na makapagbahagi ng mga kuwento nang ligtas.

Bullet Twenty-Seven

1.6K 64 17
                                        

Pinindot ko yung doorbell ng gate sa labas at nagbabakasakaling gising pa siya.

Napabuntong-hininga na lang ako dahil baka makaka-istorbo lang ako dito. Tumalikod na ako at sasakay na sana sa kotse ko ng bumukas ang gate.

'Kassandra?' Napalingon ako kay Caleb na agad yumakap sa akin.

Pinapasok niya ako sa loob ng mansyon nila at pinaupo ako sa sofa.

'Anong nangyari? Nag-away ba kayo ni Tito Jaesan?' tanong niya sa akin. Sumandal ako sa sofa at pinikit ang mata ko.

'Hindi, gusto ko lang naman huwag muna umuwi doon.' sagot ko.

'Babeeeee!' napadilat ako ng mata at tumingin sa babaeng kabababa lang ng hagdanan.

Agad naman napatayo si Caleb at nilapitan yung babaeng pamilyar ang mukha sa akin.

'Don't tell me siya ang istorbo sa ginagawa natin kanina?!' taas kilay niyang sabi kay Caleb na hindi makatingin sa akin.

'Ikaw ba yung kapatid ni Steph?' taka kong tanong.

Agad naman siyang ngumisi sa akin sabay irap niya.

'Paalisin mo na yang babae at ayoko ng nabibitin ako!' umakyat siya sa hagdanan at nilingon ako ni Caleb.

Tumayo na ako at naglakad na palabas ng mansyon nila. Hindi naman niya ako hinabol pa. Para saan pa diba?


Hindi naman kami......


Pagkasakay ko sa kotse ay minaneho ko na yun. Wala ng luha lumalabas sa mata ko, mukhang nasanay na talaga akong iwanan.

Tsk, kasalanan ko naman kung bakit bumalik sa pagiging babaero si Caleb, Tinulak ko kasi siya palayo sa akin.


Inihinto ko ang sasakyan sa tabi at pinikit ang mata ko.

****

Nagising ako sa alarm ng cellphone ko kaya kinuha ko yun na nakalapag sa shotgun seat.

Tinignan ko ang screen ang daming text at call ni Tito Jaesan.

Binulsa ko ang cellphone at nagmaneho na lang ulit. May pasok pa naman ako ngayon, uuwi na lang muna ako sa bahay at kukunin lahat ng gamit ko.

Panay ang hikab ko at ramdam ko ang pagkirot ng katawan ko, halos hindi naman kasi ako nakatulog ng maayos kagabi.

Pinarada ko ang sasakyan at lumabas. Pagkapasok ko sa bahay ay nandoon sa sala si Tito Jaesan kasama si Kiyana na sabay pang napatingin sa akin.

Inirapan ko silang dalawa at umakyat na sa hagdanan. Pagkapasok ko sa kwarto ay nilock ko yun agad at dumiretso sa banyo para maligo.

Habang tumutulo ang shower sa katawan ko ay nakatitig lang ako sa salamin. Kitang-kita ko ang kabuuan ng katawan ko.

Ang katawan ko na marami ng nagagawa at magagawa pa.

Pagkatapos kong maligo ay nagbihis na ako agad. Kinuha ko ang maleta at naglagay ng damit doon.

Nang maayos ko na lahat ay lumabas na ako ng kwarto at bumaba ng hagdanan.

'Saan ka pupunta?' tanong ni Tito Jaesan.

'Ayoko na dito. Nakakasuka na.' Inis kong sabi. Nagulat ako ng hatakin niya sa kamay ko yung maleta kaya namulsa na lang ako.

'Hindi ka aalis dito Kassandra!' sigaw niya. Tinignan ko si Kiyana na nakayuko habang nakaupo sa sofa.

TGIN 3 : Her DaughterMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon