Nagbuga ako ng hangin pagkabukas ng pintuan sa opisina ni Nevado.
Napatakip ako sa aking ilong dahil nangangamoy ang usok ng sigarilyo niya. Nakaupo siya sa swivel chair habang pinaglalaruan sa kanyang daliri ang dagger.
'Bakit?' seryoso niyang tanong. Hindi na ako nag-atubili pang umupo at umayos na lang ako ng pagkakatayo.
'Sorry.' Yumuko ako at kinagat ang ibabang labi ko.
Labag man sa kalooban ko ang humingi ng tawad sa hayop na ito ay kailangan kong gawin.
'Sorry saan?' Tinignan ko si Nevado na nakakunot ang noo.
'Sa inuutos mong patayin si Andrei Herras, Sorry kasi hindi ko yun kayang gawin.' Ngumisi siya sabay hagis ng dagger ngunit hindi ako tinamaan.
'Anong hindi mo kaya huh?' Gigil niyang tanong.
'Hindi ko kaya, kahit anong parusa na gagawin mo sa akin ay tatanggapin ko. Pasensya ka na,.' Yumuko ako muli sa kanya. Naipalo niya ng malakas ang mesa at pinagbabato niya ang mga nasa ibabaw nun.
Lumayo ako ng kaunti at tinignan si Nevado na pilit pinapakalma ang sarili niya.
'Sige, umalis ka na. Gusto ko na hindi ka papalpak maging Rank 1 sa Underground.' Tumango na lang ako at lumabas na ng opisina niya.
Napahawak ako sa dibdib ko at hinawakan ang kwintas ni Mama na binigay ni Tito Jaesan sa akin.
'Okay ka lang ba?' Napatingin ako kay Steph na hinawakan ang magkabilang balikat ko.
'Oo naman. Sige ha.' Naglakad na ako palabas ng mansyon nila at sumakay sa kotse ko.
Nanginginig pa rin ang kamay ko kaya minabuti kong huminga muna sandali.
Natatakot ako......Nakakatakot ang mukha ni Nevado na parang kahit segundo ay pwede niyang mapatay ang pamilya ko.
-KNOCK KNOCK-
Napakunot ang noo ko ng aking makita si Steph na kinakatok ang bintana kaya binuksan ko ang pintuan ng sasakyan at lumabas.
'Bakit?' taka kong tanong.
Nanlaki na lang ang mata ko ng bigla niya ako yakapin.
Ramdam ko ang malakas ng tibok ng puso niya.
'Alam ko na hindi madali sabihin kay Dad na hindi mo magagawa ang inuutos niya.' Hinagod niya ang likod ko at hinaplos ang buhok ko.
'Lakasan mo lang ang loob mo Kassandra, pangako andito lang ako palagi sa tabi mo.' Kumalas siya sa pagkakayakap sa akin sabay ngiti niya.
Napalunok ako dahil ibang-iba ang ngiti niya ngayon na pinapakita sa akin. Hindi itong Steph na nasa harapan ko ang nakilala ko.
'Okay?' Kinurot niya ang pisngi ko ng hindi nawawala ang ngiti sa kanyang mukha.
****
Dumiretso ako sa opisina ni Tito Jaesan dahil tinext niya ako na nakauwi na daw si Tito Rey kasama si Tito Ram at Tito Ryan.
'Siya na ba ang anak ni Sandy?' nakangiting sabi ng dalawang kambal pero mukhang hindi sila tumatanda dahil ang gwapo pa rin nila.
'Oo siya si Kassandra.' sagot ni Tito Jaesan na nakapangalumbaba habang nakatitig sa akin ng masama, problema na naman niya?
'Kamukha mo si Klyde!' sabi ni Tito Rey.
'Tanga! Si Sandy ang kamukha niya!' Si Tito Ram.
Kaya ko nalaman kung sino sa kanila si Tito Rey ay dahil mas matangkad at may katawan si Tito Ram sa kanya.
'Pwede ba? Huwag na kayo magtalo at may kailangan tayong gawin!' Si Tito Ryan na nakadekwatro ng upo.
'Maupo ka Kassandra.' utos ni Tito Jaesan kaya naupo ako sa tapat ni Tito Ryan.
'Napag-usapan namin kanina na hindi maaaring makapunta sa ibang bansa si Kiro.' Nagulat ako sa sinabi ni Tito.
'Bakit? Hindi ba at inayos na ni Kiyana ang mga papeles nila?' Tumango si Tito at hinimas ang baba niya.
'Oo nga, kaya nga nalaman niya na hindi maaaring makasama si Kiro dahil iba ang nasa NSO niya at Birth Certificate dahil sa i-spelling ng pangalan.' Napangisi ako sa sinabi niya.
'Kaya mas maglalagay pa ako ng mga tauhan dito para mabantayan sila. Yun na lang ang paraan.' Tinignan ko si Tito Ryan na ngumiti sa akin.
'Alam na ni Caleb ang rason kung bakit ka lumayo sa kanila.' Napanganga ako sa gulat.
'Wha--What? Paano nila nalaman?' taka kong tanong sa kanya.
'Sinabi ko, Kassandra may mga taong sumusunod din sa kanila kaya mas mabuting maging aware na rin sila.' Napatampal ako sa noo ko.
'Isa pa!' Inis kong tinignan si Tito Rey na biglang sumigaw.
'Nahanap na namin si Klyde pero bigla na lang siya nawala ulit.' Nanlaki ang mata ko.
'Ano? Anong nahanap niyo na tapos nawala pa? Ano? Bakit ba ang gulo-gulo lalo?!' Tumayo ako at huminga ng malalim.
Whoooo! Punyeta! Putek!
'Magpahinga ka na muna, mamaya na lang ulit paggising mo natin itutuloy ang pag-uusap.' Tinanguan ko si Tito Ram at naglakad palabas ng opisina ni Tito Jaesan.
Nagulat ako ng aking makita si Caleb na ngumiti sabay yakap sa akin ng mahigpit.
'Bakit ba kinakailangan mo kupkupin lahat ng problema mo ha?' Hinaplos niya ang buhok ko kaya napapikit ako.
Ginantihan ko siya ng yakap at nakaramdam ako ng kaginhawaan.
Tinapik ko ang likuran niya kaya bumitaw siya sa pagkakayakap sa akin.
'Pangako, mananatili kaming didistansya sayo. Inirerespeto namin ang desisyon mo kaya sana ay hayaan mo kaming tulungan ka paminsan-minsan.' Hinaplos niya ang pisngi ko kaya napangiti ako.
'Kaya pala mukha ka palaging may malalim na iniisip dahil mabigat na ang dala-dala mo. Medyo nakakatampo ka.' Ngumiti na lang ako at tinalikuran na siya. Umakyat ako sa hagdanan at pumasok na sa kwarto ko.
Inilock ko yun saka humiga sa kama. Naramdaman ko na tumulo ang luha sa pisngi ko.
Hinawakan ko ang kwintas ni Mama at pumikit.
Mama, sana po ay gabayan mo ako sa mga pagsubok na dadating pa sa buhay ko.
BINABASA MO ANG
TGIN 3 : Her Daughter
De Todo(Kassandra Kylie Smith) Almost perfect family na kami noong bata pa lang ako. Pero dahil sa nangyaring trahedya na dumating sa aming buhay ay nawala ang Perfect Family na inaasam-asam ng bawat anak na katulad ko. Hinding-hindi ko mapapatawad ang sum...
