Tinignan ko ang
orasan sa itaas ng dingding.....Ang tagal naman dumating ng limang iyon!
'Goodmorning Kass!' Napalingon ako sa kakapasok pa lang na si Cloud.
Kasunod niya sila Leo, Ash Arthur at Steph na halata sa mukha ang kaba.
Namulsa akong humarap sa kanila.
'Pwede ba? Huwag kayong isip-bata! Alam ko na kinakabahan kayo sa possibleng mangyari pero kinakailangan niyong subukan pa rin'!'
Nginisian ako ng nakakaloko ni Steph sabay tawa niya ng mahina.
'Nasasabi mo yan kasi hindi ka takot lumaban. Palibahasa kasi dalibhasa ka na sa mga ganyan!' Napakunot ang noo ko sa sinabi niya.
'Sige, sabihin na nating sanay na ako lumaban. Hindi ba't sanay kayo mang-bully at manapak ng estudyante?' sarkastik kong sabi.
Wala ni isa sa kanila ang sumagot.
Inabot ko yung baril sa ibabaw ng mesa saka tinutukan si Steph na nanlaki ang mata.
'Kapag hindi ka umilag ay matatamaan ka ng baril.' nakangisi kong sabi.
'BALIW KA NA BA HA?!' sigaw niya.
'Ilagan mo ha?' mahinahon kong sabi sabay kalabit ko ng gantsilyo.
-BANG-
'ARGGGHHHHH!!!' sigaw ni Steph ng madaplisan siya sa balikat.
Nilapitan ko siya saka hinawakan ang mukha niya.
'Ikakamatay mo ang takot Steph, kapag hindi ka natutong lumaban para sa sarili mong buhay ay mamamatay ka ng walang laban.' kinuha ko ang panyo sa bulsa ng pantalon ko saka itinali yun sa balikat niya.
'Kayong apat!' Agad naman sila napaatras ng hakbang.
'Nakikita niyo yung punching bag na iyon ha? Gusto kong mabutas niyo iyon sa pamamagitan ng suntok!' Tinuro ko yung limang punching bag na nakasabit saka sila naglapitan para sundin ang inutos ko.
Since hindi makakasuntok si Steph ay tuturuan ko na lang siya sa susunod.
Naupo ako sa ibabaw ng mesa habang pinapanood ang pag-suntok ng apat sa mga punching bag.
'Kassandra.' Nilingon ko si Steph na nakangiwing naupo sa tabi ko.
'Sabihin mo nga sa akin, paano nangyaring ikaw ang naging Leader ng Bat Gang?' kunot noo niyang tanong.
'Hindi ko alam eh. Nagulat na lang ako ng sabihin ng ama mo na ako ang leader ng Gang niya.' Iniwas ko ang tingin kay Steph saka pinagmasdan si Arthur na masyadong malakas ang pagkakasuntok sa punching bag.
May potential ang isang to sa sapakan. Naalala ko ng sapakin niya si Caleb noon.
'Psh, wala naman sa pamilya mo ang naging miyembro ng Bat Gang noon. Nakakapagtaka lang talaga.' Hindi na ako umimik pa.
Kung alam mo lang Steph na ang walanghiya mong ama ang siyang pumatay sa Mama ko siguro ay magagalit ka.
'Kapag gumaling yang balikat mo ay tuturuan kita bumaril.' sabi ko saka namulsang lumabas ng hideout.
Sumakay na ako sa kotse saka minaneho yun pauwi sa bahay. Gusto ko muna ipahinga ang katawan ko.
Napatingin ako sa stoplight na naging Red kaya napahikab ako. Maaga pa naman kaya siguradong makakapasok ako mamaya sa last subject ko.
BINABASA MO ANG
TGIN 3 : Her Daughter
Random(Kassandra Kylie Smith) Almost perfect family na kami noong bata pa lang ako. Pero dahil sa nangyaring trahedya na dumating sa aming buhay ay nawala ang Perfect Family na inaasam-asam ng bawat anak na katulad ko. Hinding-hindi ko mapapatawad ang sum...
