Huminga muna ako ng malalim bago maglakad papasok sa campus.
'Narinig niyo ba na naging si Kassandra daw at Caleb?'
'What? Pinatulan ni Caleb yang babae na yan?'
'Oo, nakakainis siya dahil ang landi-landi niya!'
'Psh, baka naman kasi naging babae lang din siya ni Caleb.'
'Hahaha! Tama ka dyan girl.'
Ngumiti ako ng tipid at sinuot ang earphone sa tenga ko.
Napatingin ako sa nilalakaran ko at kung mamalasin nga naman ay makakasalubong ko sila Caleb.
Nakita ko sa mata ni Caleb ang lungkot at galit kaya naman tumaliwas ako ng daan patungong garden. Ayoko silang makasalubong dahil nahihiya ako sa kanila.
'Kass!' Umupo ako sa upuan saka humiga sa mesa ng patagilid.
'Hoy babae!' Kumunot ang noo ko ng aking makita ang mukha ni Steph na naupo sa tabi ko.
Inalis ko ang earphone sa tenga ko saka siya tinignan ng bagot.
'Masaya si Dad dahil nagawa natin makapasok sa Underground. Inaasahan niya na tataas ang ranking natin.' Tinapik niya ang balikat ko kaya napairap ako sa kanya.
'Hi!' nakangiting bati ni Leo, Ash, at Arthur. Tinanguan ko na lang silang tatlo.
'Kamusta pakiramdam mo? Wala na bang masakit sayo?' tanong ni Cloud na nakaupo din sa tabi ko.
'Hmmm, maayos naman na ako.' Tumayo na ako saka sinukbit ang aking bag sa likuran.
'Bye!' sabay-sabay nilang sabi.
Nagbuga ako ng hangin at agad ako napatigil sa paglalakad ng aking makita si Caleb na masamang-masama ang mukha.
'Huh! Kaya pala ayaw mo na? Dahil nakikipaglandian ka na sa kanila!' Napakunot ang noo ko sa sinabi niya.
'Ano ba yang sinasabi mo ha?!' Irita kong tanong.
Lumapit pa siya sa akin saka ako hinawakan sa aking braso.
'Bitawan mo nga ako!' sigaw ko sa kanya ng kaladkarin niya ako papunta sa may gym.
Pagkabitaw niya sa braso ko ay agad ko siyang sinapak sa mukha.
'Wala kang karapatan para kaladkarin ako dahil gusto mo!' Inis kong sabi saka siya tinalikuran ngunit hindi pa ako nakakalabas ng gym ng may humatak sa akin.
Nanlaki ang mata ko ng maglapat ang labi namin ni Caleb. Naramdaman ko ang paggalaw ng labi niya at hinawakan niya ang aking batok para di ako makawala.
Pilit ko siyang tinutulak palayo sa akin pero masyado siyang malakas. Tinulak niya ako sa pader at kinagat ang ibabang labi ko kaya napabukas ang bibig ko.
At dahil doon ay malaya niyang naipasok ang kanyang dila sa bibig ko. Napakapit ako sa balikat niya dahil naramdaman ko ang panghihina ng tuhod ko.
Napasunod ako sa ritmo ng halik ni Caleb at naramdaman ko na tumulo ang aking luha sa gilid ng mata ko.
Huminto si Caleb kaya kapwa kami hinihingal. Hinawakan niya ang pisngi ko at hinalikan ang luha sa gilid ng mata ko.
'Mahal na mahal kita Kass...' Hinalikan niya ang noo ko kaya niyakap ko siya ng mahigpit.
'Mahal din kita Caleb.....Pero hindi tayo pwede.' Kumalas ako sa pagkakayakap niya at naupo ako sa sahig.
BINABASA MO ANG
TGIN 3 : Her Daughter
Acak(Kassandra Kylie Smith) Almost perfect family na kami noong bata pa lang ako. Pero dahil sa nangyaring trahedya na dumating sa aming buhay ay nawala ang Perfect Family na inaasam-asam ng bawat anak na katulad ko. Hinding-hindi ko mapapatawad ang sum...
