Pagkababa ko ng hagdana ay siya namang palabas ni Kiyana ng bahay.
'Goodafternoon Kass, nakapagluto na ako ng tanghalian kaya kumain ka muna bago pumasok.' nakangiti niyang sabi.
'Sila Kiro at Yuki?' tanong ko sa kanya.
'Pinapaliguan sila ni Manang, sige ah pupunta pa ako ngayon sa grocery.' pinagmasdan ko lang siya hanggang sa mawala siya sa paningin ko.
Nagtungo ako sa dining area saka kumain ng pagkain. Kamusta kaya yung pinaggawa ko kay Rosa?
'Kass.' napatingin ako kay Tito Jaesan.
'Wala kang pasok?' tanong niya habang inaalis ang kanyang necktie.
'May pasok ako. Ikaw? Tapos na mga meetings mo?' tumango lang siya bilang sagot at sinabayan ako sa pagkain.
'Tito, Si Sydd tanggap ba siya ni Kiyana?' uminom ako ng tubig sa baso sabay sandal sa upuan.
'Oo naman, tanggap siya ng Tita mo maski nga sila Kiro at Yuki ay tuwang-tuwa ng malaman na kapatid nila si Sydd.' tumango na lang ako at tumayo na para naman bumaba yung kinain ko.
'Gusto ko nga pala isama mo si Sydd mamayang gabi dito sa bahay ah.' tumaas ang kilay ko sa sinabi niya.
'Bakit?' taka kong tanong.
'Gusto ko kasi na makabonding siya.' napangisi na lang ako at naglakad palabas ng bahay.
Bonding? Not bad.
Sumakay na ako sa kotse ko at minaneho yun papuntang University.
Napansin kong tumutunog yung cellphone na binigay ni Nevado.
Kinuha ko yun sa ibabaw ng manibela saka sinagot.
(Mabuti naman at sinagot mo din. Muntik ko na sana ipapatay ang isa sa mga mahal mo sa buhay eh.)
Natawa ako ng mahina sa sinabi ni Nevado.
'Pasensya ka na kung hindi ko nasagot ang marami mong tawag dahil naiwan ko ang cellphone sa loob ng sasakyan.'
Nakarinig ako ng mga iyak ng babae sa kabilang linya.
(Sa susunod na maiwanan mo ang cellphone na binigay ko sayo ay siguradong maiiwan ka na lang na mag-isa.)
Kinabahan ako sa sinabi niya. Dahil alam kong kaya niyang totohanin ang mga banta niya sa akin.
'May ipapaggawa ka ba?' napakunot ang noo ko ng makarinig ako ng tunog ng baril sa kabilang linya.
(May isesend ako sayong inpormasyon at gusto kong patayin mo ang taong yun.)
Magtatanong pa sana ako pero pinatay na niya yung tawag. Kabastusan.
Ipinarada ko ang sasakyan saka lumabas ng nagmamadali ngunit may biglang humatak sa buhok ko.
'HAYOP KANG BABAE KA!' nanlaki ang mata ko ng biglang sampalin ni Hazel ang pisngi ko.
'INAGAW MO SA AKIN SI STEPH! MALANDI KA!' akma niya ako sasampalin ulit ng sapakin ko agad ang mukha niya.
Napahiga siya sa lupa at halatang nahilo siya sa ginawa ko.
'Ang kapal ng mukha mong sabihan akong malandi..' nilapitan ko siya at hinatak ang kanyang buhok para makatayo siya.
Halos bumagsak siya ulit kaya tinadyakan ko ang tyan niya.
BINABASA MO ANG
TGIN 3 : Her Daughter
Casuale(Kassandra Kylie Smith) Almost perfect family na kami noong bata pa lang ako. Pero dahil sa nangyaring trahedya na dumating sa aming buhay ay nawala ang Perfect Family na inaasam-asam ng bawat anak na katulad ko. Hinding-hindi ko mapapatawad ang sum...
