Umupo ako sa sofa saka dumekwatro. Napakunot ang noo ko dahil ang daming tao dito sa mansyon nila Steph.
Ibang klase ka matuwa Nevado.
Napangisi ako ng bumaba si Nevado mula sa mahabang hagdanan, inabutan siya ng baso na may wine ng waiter saka natahimik ang paligid.
'Napakasaya ko kasi marami kayong dumalo sa handaan na ginawa ko.' Napatingin siya sa akin kaya naman karamihan sa mga taong nandito ay napatingin din sa akin.
'Gusto kong ipakilala sa inyo ang Leader ng Bat Gang sa ngayong henerasyon.' Inilahad niya ang kanyang kamay kaya naman tumayo ako pero hindi para lumapit sa kanya.
Para naman hindi ako mag-mukhang bastos at walang pinag-aralan. Lalo na at karamihan dito ay dating mga miyembro ng Bat Gang.
'Ikinagagalak ko ng dahil sa galing niya sa pakikipaglaban ay nakapasok ang Bat Gang sa Underground!' Nagpalakpakan ang mga tao kaya napakamot ako sa ulo ko.
Seriously? Tinignan ko sila Steph na mga kapwa nakangiti habang pinapalakpakan ako.
'Kassandra Cruz ang Leader ng Bat Gang na magpapatuloy sa ating nasimulan!!!' Naghiyawan sila saka lumapit sa akin para kamayan at pasalamatan.
Sa totoo lang hindi ko kinakatuwa ang nangyayari ngayon. Mas lalo lang ako nanggigil kay Nevado sa ginagawa niya. Hinayupak siya!
Nang matapos silang kamayan ako ay nag kanya-kanya na silang kasiyahan at ingayan. Napairap na lang ako saka naglakad palabas ng may biglang dalawang lalaking armado ang humarang sa pintuan.
'Hindi ka maaaring lumabas ng walang pahintulot ng Chairman.' Napangiti ako sa sinabi niya.
'Talaga?' sarkastik kong sabi.
'Kassandra.' Napalingon ako sa aking likuran at namulsa.
'Ano?' walang gana kong tanong kay Nevado na natawa ng mahina.
'Masaya ako sa ginawa mo na makapasok sa Underground. Hindi ako nagkamali sa desisyon kong gawin kang Leader.' Inayos ko lang ang bangs ko saka pinakita sa kanya na bagot na bagot akong kaharap siya.
'Nakuha mo kay Sandy ang galing sa pakikipaglaban.' Napakunot ang noo ko sa sinabi niya.
'Wag mong babanggitin ang pangalan ng Mama ko.' Banta ko sa kanya.
Tinapik niya ang balikat ko saka siya ngumiti ng nakakaloko.
'Sasabihin ko kung anong gusto ko, At ipapagawa ko kung anong gusto ko.........Dahil yun ang susundin mo.' Sabay talikod niya saka siya sumenyas sa mga tauhan niya.
Napasinghap ako ng hangin at kinuyom ang kamao ko. Badtrip ang demonyong yun! Ang kapal ng mukha niyang sabihin yun sa akin!
Padabog akong lumabas ng pintuan at sumakay sa kotse ko.
Mabilis ko yun pinaandar ng nakakunot ang noo ko.
Bat Gang.......
Wala sa isip ko ang maging Leader ng Gang na dating pumatay sa Mama ko.
Napatigil ako sa pagmamaneho ng mag red yung stoplight. May mga tumawid na tao.
Buti pa sila mga normal ang takbo ng buhay, samantalang ako hindi normal.
Napatingin ako sa lalaking nakasuot ng jacket at sumbrero. Pinasingkit ko maigi ang mata ko.
'Papa....' bulong ko ng mapalingon siya sa gawi ko kaya naman malaya kong nakita ang mukha niya.
BINABASA MO ANG
TGIN 3 : Her Daughter
Random(Kassandra Kylie Smith) Almost perfect family na kami noong bata pa lang ako. Pero dahil sa nangyaring trahedya na dumating sa aming buhay ay nawala ang Perfect Family na inaasam-asam ng bawat anak na katulad ko. Hinding-hindi ko mapapatawad ang sum...
