Tinignan ko ang aking itsura sa harap ng salamin bago lumabas ng kwarto ko.
Pagkababa ko sa hagdanan ay nakita ko si Kiyana na nagbabasa ng dyaryo.
'Goodmorning Kass, naghanda ako ng almusal para sayo.' nakangiti niyang sabi.
Pinasadahan ko ng tingin ang buong bahay.
'Pumasok na ba sila Kiro at Yuki?' tanong ko sa kanya.
'Oo, kanina pa. Halika at kumain ka muna bago pumasok.' Sumenyas ako na 'No thanks'
'Mauuna na ako.' Naglakad na ako palabas ng bahay at sumakay sa sasakyan ko.
Prelim na namin ngayon at sigurado akong petiks lang yun sa akin.
Habang nagmamaneho ako palabas ng subdivision ay may nakita akong itim na van na nakaparada sa gilid. Kumunot ang noo ko dahil bawal mag-park sa gilid ng kalsada.
Napailing-iling na lang ako at pinagpatuloy ang pagmamaneho ko papasok sa University.
Hindi naman ako natrapik sa kalsada kaya mabilis akong nakarating dito sa University, pagka-park ko ng sasakyan ay agad akong lumabas sa kotse.
Namulsa ako habang naglalakad papasok sa loob ng Campus. Whoo! Sana ay maipasa ko ang lahat ng subjects ko.
Hindi ako pwede bumagsak, dahil siguradong magagalit si Tito Jaesan kapag nangyari iyon.
Pagkapasok ko sa room ay nandun na si Rosa sa pinakadulo kaya naglakad na ako paupo doon.
Sympre dating gawi ay hindi kami nag-uusap. Nangalumbaba lang ako sa bintana habang sinasariwa ang mga binasa kong notes kagabi.
'Goodmorning Class.' Napatingin ako sa professor na kakapasok pa lang.
'Answer your paper in 1hr only. No cheating okay?' Pinasa niya ang papel na pinagpasa-pasahan ng mga estudyante hanggang sa makarating dito sa dulo.
Nang makita ko ang papel na sasagutan ko ay agad akong napangiti. Petiks nga lang talaga lalo na kung nakapag-review ka ng maayos.
****
Masaya ako na natapos lahat ng exams kaya malaya ko ng magagawa ang gusto ko.
'Hoy Kass!' Napalingon ako sa aking likuran.
'Sydd?' Gulat kong tawag kay Sydd na hinawakan ang kamay ko at kinaladkad patungong library.
Nagtungo kami sa pinakadulo ng library saka kami naupo sa upuan.
'Bakit?' kunot noo kong tanong.
'Alam ba ni Tito Jaesan mo na anak niya ako kay Mama?' Seryoso niyang tanong.
'Hindi, wala naman ako sinasabi kay Tito Jaesan tungkol sayo at kay Tita ah.' Hinawakan ni Sydd ang kamay ko ng mahigpit.
'Kass, may nagbabanta sa buhay namin ni Mama, kagabi may mga lalaking pumasok sa bahay namin at mabuti na lang ay doon natulog sila Caleb.' Nagulat ako sa sinabi niya.
'Anong ibig mong sabihin? May gustong pumatay sa inyo?' Taka kong tanong.
'Oo, pero hindi ko alam kung sino. Wala naman akong kaaway maski si Mama.' Napasabunot siya sa kanyang buhok.
'Eh bakit tinatanong mo sa akin kung alam na ni Tito na anak ka niya? Pinagbibintangan mo ba ang Tito ko na nag-utos para patayin kayo?' Inis kong sabi kay Sydd na napatakip sa bibig niya.

BINABASA MO ANG
TGIN 3 : Her Daughter
Разное(Kassandra Kylie Smith) Almost perfect family na kami noong bata pa lang ako. Pero dahil sa nangyaring trahedya na dumating sa aming buhay ay nawala ang Perfect Family na inaasam-asam ng bawat anak na katulad ko. Hinding-hindi ko mapapatawad ang sum...