Na-update namin ang aming Mga Alituntunin sa Nilalaman.
Suriin ang pinakabagong mga alituntunin para patuloy na makapagbahagi ng mga kuwento nang ligtas.

Bullet Thirty-Seven

1.1K 54 3
                                        

Pagkapasok ko sa bahay ay nilapitan ako ni Lola at sinampal sa mukha.

'BAKIT? BAKIT YUN PA ANG NAGUSTUHAN MO HA?!' sigaw niya.


'Mahal ko siya Lola.' seryoso kong sabi.

'Nakakalimutan mo ba kung bakit namatay ang Mama mo ha?! Dahil sa ama ng lalaking iyon!' sigaw ni Lola.

'Siya rin ang dahilan kung bakit buhay pa ako. Kung bakit buhay kami nila Tito Jaesan. Niligtas niya kami Lola.' umiling-iling siya at kinuha ang envelope sabay abot sa akin kaya naman kinuha ko yun.

'Akala mo ba ay talagang patay si Nevado ha?' napatitig ako kay Lola. Nilingon ko naman si Tito Jaesan na nakatitig lang sa akin.

Binuksan ko ang envelope at nanlaki ang mata ko dahil sa aking nakita.

'Impossible....' di makapaniwala kong sabi habang tinitignan ang mga litrato ni Nevado na buhay na buhay kasama si Steph.

'Akala ko ay totoong nagawa patayin ni Steph ang ama niya pero akala ko lang.' sabi ni Tito Jaesan. Nabitiwan ko ang mga litrato at naupo sa sofa.

'Sino? Sino nagbigay nito?' tanong ko kay Lola.

'Si Andrei. Tinutulungan niya tayo dahil gusto niya rin mapabagsak si Nevado. Pero kita mo naman diba? Buhay na buhay.' naupo si Lola sa tabi ko at niyakap siya.

'Bakit ganun? Pinaniwala niya ako.' walang emosyon kong tanong.

Buong gabi ay halos hindi ako makatulog. Lumabas ako ng bahay at nagpahangin. Pero hindi pa rin ako mapakali lalo na at alam kong buhay pa rin pala ang demonyo. Pero sino ang pinatay ni Steph?

Napakunot ang noo ko ng may tumatawag sa akin. Unknown Number.

(Kassandra.....Kassandra....) napatingin ako sa paligid ng bahay, may mga tauhan kami na nagbabantay palibot.

'S-sean?' kinakabahan kong sagot.

(Ako yung tumawag nung nakaraan. Akala ko kailangan ko pang magpakilala sayo.)

'Paano mo nalaman number ko?'

(Magaling ako eh.)

'Tsk, bakit? Bakit ka tumawag?'

(Ang Papa ko....Pinatay nila ang Papa ko.)

Naramdaman ko na lumakas ang kabog ng dibdib ko.

'A-ano?'


(Si Nevado at Steph, mga hayop sila! Pinatay nila ang Papa ko!) umiiyak niyang sabi.

'Asaan ka?' kinakabahan kong tanong.

Ibinigay niya sa akin ang address kaya naman agad akong nagtungo doon.

Mali......Mali sana ang nasa isip ko. Pagkababa ko sa sasakyan ay inakbayan ako ni Sean at inakay papasok sa mansyon niya.

May isang kabaong na nakalagay sa sala at napapalibutan yun ng mga kandila at bulaklak.

Naramdaman kong nanlambot ang tuhod ko ng mapatingin ako sa picture frame.

'Ginamit nila ang Papa ko, pinaplastic surgery ni Nevado ang mukha ni Papa para maging magkamukha sila at inutusan na kidnapin ka pati ang pamilya mo. Wala kaming magawa ni Papa kundi ang sumunod lalo na at bumalik na ang alaala niya ng araw na yun.'

TGIN 3 : Her DaughterMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon