Na-update namin ang aming Mga Alituntunin sa Nilalaman.
Suriin ang pinakabagong mga alituntunin para patuloy na makapagbahagi ng mga kuwento nang ligtas.

Bullet Twenty-Eight

1.2K 57 13
                                        

Pagkapasok ko sa bahay ay agad akong sinalubong ng yakap ni Kiro at Yuki kaya napangiti ako.

'Ate, pwede po ba tayo mamasyal bukas?' nakangiting tanong ni Kiro. Pinat ko ang ulo niya saka kinurot ang namumula niyang pisngi.

'Hindi ako pwede bukas eh. Pero promise babawi ako ha?!' tumango-tango si Kiro bilang sagot.

'Mga anak, kumain na kayo at nakahanda na yung pagkain.' Napatingin ako kay Kiyana na agad nag-iwas ng tingin sa akin.

Inirapan ko na lang siya saka pumanhik sa itaas. Ayoko siya kasabay kumain at baka sikmuraan lang ako.

Pagkapasok ko sa kwarto ay agad akong nagpalit ng damit. Napatingin ako sa wall clock 9:45PM na at mukhang nag-enjoy ako kanina kasama si Topher.

Napatingin ako sa cellphone ko na biglang nag-ring kaya sinagot ko yun agad.

(Hello Kass!!!) biglang sigaw ni Cloud kaya kumunot ang noo ko.

'Naririnig kita kaya pwede ba? Huwag kang sumigaw.'

(Kass! Kailangan mo pumunta dito ngayon sa hideout! May bumugbog kay Ash at Arthur!) Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.

'Sinong may gawa?!' pasigaw kong tanong saka sinuot ang black leather jacket ko.

Nagmadali akong lumabas ng kwarto at bumaba ng hagdanan.

(Hindi namin matukoy sino eh! Please pumunta ka na dito ngayon na!) Pinatay ko yung tawag ng makasalubong ko si Tito Jaesan sa labas ng bahay at halatang kakagaling niya lang sa kompanya.

'May lakad ka?' kunot noo niyang tanong.

'May papatayin lang ako.' sabay sakay ko sa kotse at pinaharurot yun ng takbo.

Mabilis kong narating ang hideout kaya pagkalabas ko ng kotse ay sinalubong ako ng iilan kung tauhan na na-assigned magbantay sa labas ng hideout.

'Magandang gabi po Boss.' bati nila sa akin.

'Bantayan niyo maigi tong hideout kung hindi ay mamatay kayo.' seryoso kong sabi saka pumasok sa loob ng building.

Narinig ko agad ang ungol ni Ash at Arthur na halatang nahihirapan. At ng makalapit ako sa kanila ay ganun na lang ang panlalaki ng mata ko.

'Anong nangyari sa inyo?!' sigaw ko.

Bigla naman umiyak si Arthur na nakahiga sa sofa at si Leo naman ay busy sa paggagamot sa sugat niya. Napalingon ako kay Ash na namimilipit sa sakit habang ginagamot siya ni Steph.

'Hindi namin sila kilala Kass. Nagulat na lang kami ni Ash ng biglang may nagtakip sa aming ilong at nawalan kami ng ulirat.' Sumighot muna si Arthur saka pinunasan ang luha sa kanyang pisngi bago muling magsalita.

'Paggising ko ay puro mga lalaking nakamaskara na bungo ang nakita ko. Walang humpay nila kaming pinagsasapak at pinagpapalo ng kahoy sa katawan.'

Hinawakan ko ang aking noo at ramdam ko ang panginginig ng aking kamao. Kahit wala akong pakialam sa kanila ay nag-aalala pa rin ako dahil ako ang leader nila.

Lumapit ako kay Arthur saka pinagmasdan ang kanyang nakakaawang mukha. Pumikit na lang siya saka umiyak ng umiyak. Kalalaking tao ay umiiyak.

'Yan ang mapapala niyo kapag hindi kayo marunong lumaban. Nagiging kaawa-awa ang magiging itsura niyo at possibleng yan ang maging sanhi ng kamatayan niyo.' Napatigil siya sa pag-iyak saka tinignan ako ng diretso sa mata. Hinawakan ko ang pisngi ni Arthur saka pinunasan ang luha niya.

'Pursigihin mong matuto lumaban ng maparanas mo ang hirap at sakit na naranasan mo sa mga taong gumawa niyan sayo.' Tinignan ko si Leo na ngumiti sa akin bago umalis sa tabi ni Arthur.

'Paano? Paano ako makakaganti sa gumawa nito sa akin?' tanong ni Arthur. Naupo ako sa sofa saka pinagpatuloy ang paglalagay ng gasa sa sugat niya.

'Tuturuan kita. At tutulungan kita hanapin ang mga taong gumawa nito sa inyo ni Ash.' sagot ko.

********

Nagtungo ako sa mansyon ni Nevado dahil pinapatawag daw niya ako. Matapos kong gamutin ang sugat ni Arthur ay minabuti ko na doon na muna sila ni Ash habang hindi pa gumagaling ang sugat nila.

'Sa office.' sabi sa akin ng lalaking matangkad at ang laki ng katawan niya. Bigla tuloy ako nanliit sa aking sarili.

Pumasok ako sa office ni Nevado at nakita ko siyang nakaupo sa swivel chair habang naghihithit ng tabako.

'Anong nangyari sa dalawang kaibigan ni Steph?' seryoso niyang tanong.

Namulsa ako sabay ngisi.

'Baka pwedeng alukin mo ko na maupo muna?' sarkastik kong sabi.

'Maupo ka little one.' Nainis ako sa tinawag niya sa akin kaya namulsa na lang ako at umayos ng tayo.

'No thanks.' Nakita ko sa kanyang mukha na naasar siya sa inasal ko.

'Anong nangyari?' Halata sa boses niya ang inis kaya natawa ako sa loob-loob ko.

'May dumukot sa kanila at saka binugbog. Hindi ako titigil hanggat hindi ko nahahanap ang gumawa nun sa kanila.' Nakita ko ang pag ngiti niya sabay buga ng usok kaya napatakip ako sa aking ilong.

'Mabuti naman at may gagawin kang aksyon.' Inayos ko lang ang aking bangs saka bagot na tinignan siya.

'May kailangan ka pa ba?' tanong ko.

'Wala na. Goodluck sa laban mo para sa Ranking Battle.' nakangisi niyang sabi kaya inirapan ko na lang siya bago lumabas ng opisina niya.

Sumakay ako sa kotse at minaneho yun pauwi sa bahay. Napakagat pa ako sa aking hintuturo.

Sino kaya ang gumawa nun kay Arthur at Ash?

Kailangan malaman ko kung sino ang mga iyon. Hindi ako papayag na hindi nakakapaghiganti sila Ash at Arthur sa mga taong yun.

Bigla na lang nanlaki ang mata ko ng may dalawang van ang humarang sa kalsada kaya naipreno ko ang sasakyan para umabante paatras ngunit may isang van din na itim ang humarang.

Peste!

Kinuha ko ang cellphone at agad pinindot ang emergency call. Inispeaker ko rin to agad.

Kinuha ko din ang aking baril saka tinitigan ang dalawang van na nasa harap ko at sa isang nasa likod, kung sakaling may lalabas ay papatayin ko agad.

Rinig na rinig ko ang pag-ring ng tawag at pati na rin ang kabog ng dibdib ko.

(Kassandra? Asaan ka na?) Nakahinga ako ng kaunti ng sagutin ni Tito Jaesan ang tawag.

'Tito, natrap ako ng tatlong itim na van. Hindi ako makaalis dito sa kalsada.' Pinilit kong wag mataranta sa pag-sagot kahit sa totoo lang ay gusto ko ng sumigaw.

(Ano? Anong street ka? Pupuntahan kita agad.) Nanlaki ang mata ko ng maglabasan na ang mga lalaking nakasuot ng maskarang bungo.

'Shit!' sigaw ko saka pinatay yung tawag. Ibinulsa ko agad ang cellphone ko saka inihanda ang aking baril. May mga hawak silang mga baril, kahoy, bat at bakal.

Nalintekan na ako!

Akma kong bubuksan ang pintuan ng kotse ko ng biglang may sumalpok sa isang van na nasa likuran ng kotse ko.

Napakunot ang aking noo.


Pulang kotse siya na pang-sports. Sino ang may-ari nun?


Nagulat na lang ako ng biglang may bumukas sa pintuan ng sasakyan ko at huli na dahil napalo na ako ng baril sa aking ulo.

TGIN 3 : Her DaughterMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon