Andrei POV
Unang kita ko pa lang kay Kassandra ay nahulog na ang loob ko sa kanya. Nalaman yun ni Nevado kaya itinakwil niya ako sa organisasyon.
'Hoy! Diba sinabi ko sayo na ayokong makita ka?!' taas kilay na sabi ni Kassandra habang nilalagyan ng bala yung baril niya.
Andito kami ngayon sa may gubat at may susugurin na naman ang gang niya kaya sinundan ko siya dahil ayokong may mangyari sa kanya.
'Kass...Nagkausap na kami ni Tito Jaesan mo. Ang sabi niya ay lagi kita sasamahan kahit saan ka magpunta.' nilingon niya ako kaya kinindatan ko siya.
Umirap lang siya bago mabilis naglakad pasugod. Napailing-iling na lang ako. Grabe halos limang taon na ang nakalipas simula ng bangungot na nangyari sa buhay ni Kass pero hindi niya pa rin binitawan ang bat gang.
Naging mahalaga na rin sa kanya ang barkada ni Steph na walang kaalam-alam sa totoong nangyari. Tinitigan ko yung bodega umaapoy na.
'Dito ka lang?' mataray na tanong ni Kass bago siya sumakay sa loob ng van kaya sumakay na rin ako at tumabi sa kanya.
'Wooooh! Ang dami na natin pagmamay-ari.' natatawang sabi ni Leo.
'Pagmamay-ari o napatay?' sarkastik na tanong ni Arthur. Tumatawa naman sa likod si Ash at Cloud.
'Kamusta na si Sean?' tanong sa akin ni Kassandra.
Umakbay naman ako sa kanya sabay kiss sa pisngi niya.
'Pauwi na daw siya dito sa pinas. Namiss mo ba ang stepbrother mo?' kinurot niya ang hita ko kaya pinalo ko ang kamay niya.
'Panay ang halik mo sa akin ha! Tayo ba ha?!' sigaw niya sabay suntok sa balikat ko kaya natawa ako.
'Bakit? Kanino ka pa ba babagsak kundi sa akin lang naman din?' nakangisi kong sabi. Nakita ko na namula ang magkabilang pisngi niya kaya tinampal niya ang mukha ko.
Ang sadista talaga ng babaeng to.
'Bwisit ka? Wag ka na magsasalita! Mapapatay talaga kita.' bulyaw niya sa akin kaya nagkibit-balikat na lang ako.
Hinatid muna yung mga barkada ni Steph bago kami ihatid sa mismong bahay nila Kass.
Pinapasok niya ako sa loob at sumalubong naman ang dalawang bata sa akin.
'Tito Andrei!' sabay na sigaw ni Kiro at Yuki.
Lumuhod ako at sinalubong sila ng yakap.
Kiniss ko ang pareho nilang noo at pinat ang ulo nila bago ako tumayo.
'Bakit gising pa kayo?' kunot noong tanong ni Kass.
'Di po kami makatulog eh.' nakangusong sabi ni Yuki.
'Tito Andrei....Pwede po ba na tabihan niyo po ako matulog?' tanong ni Kiro.
Nagkatinginan kami ni Kass na umirap bigla sa akin.
'Sure. Tatabihan kita.' pumalakpak siya at yumakap sa hita ko. Kaya naman binuhat ko na lang siya.
'Oh? Bakit gising pa ang mga bata?' napalingon ako kay Tito Jaesan na kakauwi lang at halatang galing trabaho.
'Tito....Kamusta ang meeting?' tanong ni Kass. Agad naman siya kinutongan ni Tito Jaesan kaya natawa ako ng mahina.

BINABASA MO ANG
TGIN 3 : Her Daughter
Altele(Kassandra Kylie Smith) Almost perfect family na kami noong bata pa lang ako. Pero dahil sa nangyaring trahedya na dumating sa aming buhay ay nawala ang Perfect Family na inaasam-asam ng bawat anak na katulad ko. Hinding-hindi ko mapapatawad ang sum...