Pagkababa ko ng hagdanan ay nakita kong nakaupo sa sofa si Tito Jaesan, hindi niya ako napansin kaya naupo ako sa tapat niya.
'Ano iniisip mo?' taka kong tanong sa kanya.
'Mga bata. Yung mga anak ko ang iniisip ko.' sabi niya at ngumiti sa akin.
'Aalagaan ko naman sila Yuki at Kiro.' sabi ko.
'Alam ko naman iyon, pero sympre hahanapin pa rin nila ang mama nila.' sumandal siya sa sofa at inihilig ang batok niya.
'Nagsisisi ka ba sa ginawa mo?' tanong ko at tumawa naman siya ng mahina.
'Hindi ako nagsisisi sa ginawa ko, ang pinagsisihan ko ay yung naging asawa ko siya. Pero hindi ko pinagsisihan na nagkaroon ako ng anak sa kanya.' Tumayo ako at tinadyakan ang paa ni Tito Jaesan na kunot noong tumingin sa akin.
'Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin matanggap na kasama siya sa pagplanong pagpatay kay Mama, dahil kahit patay na siya ay hindi pa rin humihilom ang sugat, masakit pa rin. Masakit na masakit.' seryoso kong sabi.
Habang naglalakad ako palabas ng bahay ay napatigil din ako ng makita kong pumasok ang mga men in black.
'Mukhang nakauwi na sila Mama.' napatingin ako kay Tito Jaesan na lumabas ng bahay. Gusto kong umakyat muli sa hagdanan pero huli na dahil nakapasok na si Lola Sandra at Lolo Jaesan.
Naestatwa ako sa kinatatayuan ng alisin ni Lola ang suot niyang salamin at kunot noong tumingin sa akin. Umiwas ako ng tingin at naglakad papunta sa hagdanan.
'Kassandra Kylie?' napahinto ako sa paglalakad at nilingon si Lola na naglakad palapit sa akin, nakita ko na naluluha ang kanyang mata.
'Apo ko.....' nagulat ako ng bigla niya ako niyakap.
'Apo ko......Patawad.....Patawad kung hindi kita naalagaan. Patawad.' kumalas siya sa pagkakayakap sa akin at hinawakan ang pisngi ko.
'Kamukhang-kamukha mo si Sandy.' ngumiti siya at pinunasan ang kanyang luha sa pisngi.
Wala akong masabi, hindi ako makapagsalita dahil ngayon ko lang siya ulit nakita. Hinawakan niya ang kamay ko at naupo kami sa sofa.
'Kamusta ka na? Nabalitaan ko ang nangyari dito, bakit apo? bakit kinakailangan mong mag-higanti? bakit kinakailangan na sumunod ka sa yapak namin ng mama mo?' napangiti ako ng mapait at yumuko.
'Hindi ko kagustuhan na maging gangter din, pero mukhang nakatadhana na talaga sa akin yun. Ang gusto ko lang naman ay hustisya eh.' hinaplos niya ang buhok ko at inihiga niya ako sa balikat niya.
'Tandaan mo, gusto ni Sandy na magkaroon ka ng magandang buhay. At dahil sa naging gangster ka na rin ay hindi na matatahimik ang buhay mo.' napapikit ako sa sinabi niya.
Alam ko naman iyon dahil palaging sinasabi sa akin ni Tito Jaesan ang bagay na yun simula ng ipasok ako ni Nevado sa Underground.
Matapos ng madamdamin naming pag-uusap ni Lola ay kinamusta rin ako ni Lolo, nagtungo sila sa opisina ni Tito Jaesan kaya lumabas na lang ako ng bahay.
'Oh Kassandra.' bati sa akin ni Tito Ryan pagkalabas niya ng sasakyan, napatingin ako kay Caleb na ngumiti sa akin ng magtama ang paningin namin.
'Hello po Tito.' ngumiti ako ng tipid at naglakad patungo sa sasakyan ko pero may humawak agad sa braso ko.
'Andito na pala si Lola Sandra.' sabi niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/58478598-288-k435805.jpg)
BINABASA MO ANG
TGIN 3 : Her Daughter
Random(Kassandra Kylie Smith) Almost perfect family na kami noong bata pa lang ako. Pero dahil sa nangyaring trahedya na dumating sa aming buhay ay nawala ang Perfect Family na inaasam-asam ng bawat anak na katulad ko. Hinding-hindi ko mapapatawad ang sum...