Sumandal ako sa poste at tinignan isa-isa ang mga tauhan ko.
'Siguro naman alam niyo na maaaring mamatay kayo dahil sa pagiging miyembro ng gang na ito hindi ba?' Pagsisimula ko.
Lahat sila ay nag-tanguan bilang sagot kaya napangisi ako.
'Kass, mag-uumpisa na yung Rank Battle.' bulong sa akin ni Leo kaya tinignan ko yung mga tauhan ko na mga may hawak na armas kung saka-sakaling magkagulo.
Napatingin ako sa mga ibang gangster na puro may hawak ding armas. Pumasok na ako sa loob ng Underground kasama si Leo.
Nauna na kasi sa loob sila Steph, Ash, Arthur at Cloud. Nang makalapit kami sa pwesto nila ay agad kami naupo ni Leo.
'HANDA NA BA KAYO?!!!!' sigaw ng emcee kaya naghiyawan yung mga gangster na nasa labas at loob ng Underground.
'NGAYON, ANG MEKANIKS NG RANK BATTLE AY MAGLALABAN ANG MGA NAPILING MAGTUTUNGGALI SA LOOB NG ARENA. BAWAT ISA AY MAY KARAPATANG MAMILI NG ARMAS O SANDATA PARA SA PAKIKIPAGLABAN PWERA LANG ANG BARIL.
SA LABAN NA ITO ANG UNANG MANANALO AY MAKAKASAMA NA AGAD SA TOP 10 NG PINAKAMALAKAS NA LEADER SA UNDERGROUND, KAPAG NAKUMPLETO NA ANG TOP 10 ANG SAMPUNG LEADER AY MAGLALABAN PARA SA TITULONG RANK 1.'
Nagsigawan na naman sila kaya napangiwi ako, ibang klase ganyan ba sila matuwa? Dinadaan sa sobrang sigaw at palakpakan. Mga bwiset.
Napatingin ako kay Steph na humawak sa kamay ko.
'Galingan mo ha? Kapag hindi mo na kaya sabihin mo lang.' Iniwas ko ang aking tingin at hinayaan si Steph na hawakan ang kamay ko.
Sa totoo lang kasi kinakabahan ako dahil Rank Battle na ito. Kailangan ko manalo laban kay Psyche para makasama sa Top 10.
May mga naunang naglaban bago kami ni Psyche kaya nanonood ako mabuti para malaman ko kung gaano kalalakas ang possible kong makalaban.
Namangha ako sa dalawang unang naglaban kapwa sila hindi nagpapatalo kaya napangiti ako ng tipid. Sigurado akong si Long Hair guy ang mananalo kesa kay Palong hair guy.
Natawa ang karamihan ng mag-flying kiss si Long Hair guy at ng mainis si Palong Hair guy ay bigla siya sumugod na maling ginawa niya. Napalo siya ng kadena sa mukha ni Long Hair Guy at pinagsusuntok ng walang katapusan.
Nang umakyat ang emcee ay saka lang natigil si Long Hair Guy. Inanunsyo ng emcee na si Long Hair guy ang nanalo.
Napatingin siya sa akin sabay kindat niya kaya napakunot ang noo ko. Abnormal.
'Tsk.' Nilingon ko si Steph na bakas sa mukha ang inis.
'Bitawan mo na yung kamay ko at ako na ang susunod.' Tinignan ako sa mata ni Steph sabay ngiti niya.
'Fighting.' inirapan ko na lang siya at tumayo na para maglakad papunta sa Arena.
Pagkaakyat ko ay nakaakyat na din si Psyche.
'Hi.' nakangiting bati niya sa akin. Inirapan ko na lang siya.
'MAAARI NA KAYO KUMUHA NG SANDATA AT MAGSISIMULA ANG INYONG LABAN.' sabay kami naglakad ni Psyche sa mahabang mesa, kinuha ko ang lubid at pinulupot yun sa kamao ko para umikli siya kaunti.
Tinignan ko si Psyche na kinuha ang katana at ngumisi sa akin ng nakakaloko. Naglakad kami sa may gitna at sumenyas ang emcee na magsisimula na ang laban.
BINABASA MO ANG
TGIN 3 : Her Daughter
Casuale(Kassandra Kylie Smith) Almost perfect family na kami noong bata pa lang ako. Pero dahil sa nangyaring trahedya na dumating sa aming buhay ay nawala ang Perfect Family na inaasam-asam ng bawat anak na katulad ko. Hinding-hindi ko mapapatawad ang sum...
