Pagkapasok ko sa restroom ng girls ay binato ko sa ere yung coke in can saka sinalo yun ng babagsak na.
Tumingin lang ako sa salamin saka lumabas ng restroom. Nagtungo ako sa madilim na parte saka kunwari aayusin ang sintas ng aking rubber shoes.
Napatingin ako sa aking gilid at napangisi ako ng lumapit na silang tatlo sa akin. Agad akong tumayo saka humarap sa likuran.
'Sumama ka na lang sa amin ng maayos.' Sabi ng lalaking asa gitna agad kong binato ng malakas yung coke in can saka sinugod sila.
Sinapak ko sa leeg yung isa saka inumpog ang kanyang ulo sa upuan na semento. Tinadyakan ko naman sa junjun yung isa saka sinakal yung lalaking binato ko ng coke in can.
'Papatayin ko kayo.' Gigil kong sabi saka pinindot ang bungo kong singsig. Agad lumabas ang mala-karayom sa bibig nito saka ko sinuntok ang leeg niya.
Yung isang nakahiga sa sahig ay sinuntok ko sa batok, akmang tatakas yung isa ng mahabol ko siya sabay bali sa leeg niya.
Pinindot ko muli ang singsing ko kaya nagtago ang matalas na bagay doon, pinasadya ko din ito ipaggawa. Inayos ko ang aking sarili saka umalis sa lugar nun ng nakapamulsa.
Nagtungo ako sa pilahan ng ferruis wheel saka hinanap sila Tito Jaesan.
'Papa, ayun na si Ate!' sigaw ni Kiro ng makita niya ako agad. Buti na lang ay nakahabol ako sa kanila kaya umakyat na kami sa ferris wheel.
Nakakandong si Yuri kay Tito Jaesan at si Kiro naman ay Kiyana. Bakas sa mukha ng dalawang mag-asawa ang kasiyahan.
Bigla ko tuloy naalala sila Mama at Papa. Tumingala ako sa langit ng biglang may pumutok. Ang gaganda ng fireworks.
'I love you.'
'I love you more' Napalingon ako kay Tito Jaesan na hinalikan sa labi si Kiyana. Napangisi ako saka pinagmasdan na lang ang ganda ng langit.
****
'Sige na umakyat na kayo.' Pinaakyat na ni Tito Jaesan si Kiyana kasama ang dalawang bata.'Anong nangyari?' tanong sa akin ni Tito Jaesan. Naghikab ako saka nag-stretch ng katawan.
'Kakauwi lang natin galing pasyalan hindi ba pwedeng ipagpa-bukas mo na lang yan?' Kunot noo kong tanong.
'Hindi pwede, kaya ngayon ka magsabi. Anong nangyari?' Naupo siya sa sofa kaya napairap ako.
'Binigyan ko ng sampol yung tatlo.' bagot kong tanong.
'Marunong kang lumaban?' nanlalaking mata niyang tanong.
'Tinuruan ako ni Mama noon, pwede ba Tito? Gusto ko ng magpahinga.' Inis kong sabi saka umakyat sa hagdanan.
Pagkapasok ko sa kwarto ay pabagsak akong nahiga sa kama. Awwww. Ang sakit ng bakikat ko.
Hinubad ko ang suot kong jacket saka umayos ng higa, Pero napabalikwas ako ng tayo ng makita ko si Caleb na naka-topless galing banyo.
'Hoy! Bakit ka andito?' Tinuro ko siya sabay upo niya sa kama habang pinupunasan ang buhok niya.
'Hoy!' Kinalabit ko siya sa balikat at doon lang niya ako nilingon.
'Dito ako matutulog hindi ba obvious?' sarkastik niyang sabi sabay higa niya sa kama at binato sa sahig yung towel.
![](https://img.wattpad.com/cover/58478598-288-k435805.jpg)
BINABASA MO ANG
TGIN 3 : Her Daughter
De Todo(Kassandra Kylie Smith) Almost perfect family na kami noong bata pa lang ako. Pero dahil sa nangyaring trahedya na dumating sa aming buhay ay nawala ang Perfect Family na inaasam-asam ng bawat anak na katulad ko. Hinding-hindi ko mapapatawad ang sum...