Naupo ako sa sofa saka dumekwatro. Ngumiti sa akin si Kiyana bago maupo sa tapat ko.
Kakahatid niya lang sa dalawang bata at napansin niya sigurong kanina ko pa hinahanap si Tito Jaesan.
'Tinawagan ako kagabi ni Jaesan at ang sabi niya ay baka mamayang tanghali pa siya makakauwi.' Napairap ako sa sinabi niya kaya sumandal ako sa sofa.
'So mag-aantay ako sa kanya ng ganung katagal na oras?' Irita kong sabi.
'No, kung gusto mo sumama ka sa akin ngayon? Wala ka naman pasok diba?' Tumango na lang ako sa kanya. Excited siyang tumayo saka naglakad palabas.
Tumayo na rin ako saka nag-inat ng katawan. Naglakad na rin ako palabas ng bahay saka sumakay sa kotse ni Kiyana.
'Hindi halatang excited ka eh no?' sarkastik kong sabi habang nag-seseatbelt.
'Sympre for the first time ay mag-bobonding tayo!' nakangiti niyang sabi habang nagmamaneho na. Tumingin na lang ako sa bintana.
Hindi sa assumera ako pero napapansin kong umiiwas si Tito Jaesan sa akin. Nung isang araw ko pa siya gustong makausap pero marami siyang dahilan na sinasabi.
'Masyado pang maaga ngayon Kass, kaya magpa-spa massage muna tayo kung okay lang?' Tinignan ko si Kiyana na seryosong nakatingin sa daan.
'Sige.' Tumingin na lang din ako sa daan.
'Alam mo, ang saya-saya ko.' Ngumisi lang ako sa sinabi niya.
'Kasi kinakausap mo na ako ng maayos. Hindi tulad ng dati na pabalang kang sumagot o kaya ay di ka kikibo.'
'Sana sa susunod hindi lang Kiyana tawag mo sa akin. Sana ay Tita Kiyana na.' Napatingin ako sa kanya ng huminto ang kotse.
Ngumiti siya sa akin ng maganda.
'Tara na.' Nauna siyang lumabas ng kotse. Napabuntong-hininga muna ako bago lumabas ng sasakyan.
Sinusundan ko lang si Kiyana hanggang sa makapasok kami sa sinasabi niyang Spa. Nakipag-usap siya sa isang receptionist saka niya ako sinenyasang sumunod sa kanya.
Magkahiwalay kami ni Kiyana ng kwarto. Pinaghubad ako ng babae saka sinabing humiga ako sa mahabang kama pagkatapos ko daw.
Sinunod ko yung sinabi niya, naghubad ako at pagkatapos ay padapa akong humiga sa kama.
Pinikit ko ang aking mata. Gusto kong marelax at huwag muna masyadong mag-isip ng kung ano.
Narinig ko na bumukas ang pintuan. Mukhang pumasok na yung mag-mamasahe sa akin.
Napadilat ako ng maramdaman kong magaspang ang kamay ng humawak sa batok ko.
'Huwag kang gagalaw.....Huwag kang sisigaw......' Nagtaasan ang balahibo ko. Ang boses na narinig ko ay katulad ng boses ng isang lalaking humahabol sa amin ni Mama.
Napalunok ako ng humihigpit ang pagkahawak niya sa batok ko.
-TICK-
Napahawak ako sa aking leeg na tinusok niya ng karayom. Napapikit ako at ramdam ko ang paninigas ng buong katawan ko.
******
-PAK-
Napadilat ako saka huminga ng malalim.
'Nagising ka din.' Hinihingal kong tinignan ang lalaking nasa tapat ko. Hindi ko makita ang kanyang mukha dahil nakasuot siya ng batman na maskara.
BINABASA MO ANG
TGIN 3 : Her Daughter
Random(Kassandra Kylie Smith) Almost perfect family na kami noong bata pa lang ako. Pero dahil sa nangyaring trahedya na dumating sa aming buhay ay nawala ang Perfect Family na inaasam-asam ng bawat anak na katulad ko. Hinding-hindi ko mapapatawad ang sum...
