Ipinarada ko ang kotse sa tapat ng bahay atsaka lumabas. Nararamdaman ko na bumibigat ang pag-apak ko sa lupa.
Pagkapasok ko sa bahay ay naglakad agad ako papunta sala para maupo sa sofa. Pinunasan ko ang luha sa aking pisngi.
Hindi ako makapaniwala.....Buhay ang Papa ko pero hindi niya ako matandaan. Ang sakit....Ang sakit na kaya niya akong patayin kahit sarili niya akong anak...
'Ate Kass!' napalingon ako kay Kiro na yumakap sa akin. Hinawakan ko ang magkabilang balikat niya sabay tulak sa kanya palayo sa akin.
'A-ate.....' naiiyak niyang tawag sa akin. Tinitigan ko lang siya ng masama. Gusto ko siyang patayin......Dahil nananalaytay sa kanya ang dugo ni Nevado.
'KASSANDRA!' nilingon ko si Kiyana na inalalayan makatayo ang anak niya. Tumayo ako at namulsa.
'Kiro, anak umakyat ka sa itaas ha? Sige na.' Sinundan ko ng tingin si Kiro na umiiyak habang umaakyat ng hagdanan.
'Kung may problema ka sa akin ay sa akin mo ibuntong yang nararamdaman mo! Hindi sa anak ko!' sigaw ni Kiyana.
Agad ko siyang sinakal at tinulak sa pader. Nanlalaki ang kanyang mata at pilit nag-pupumiglas.
'Pinatay ng kapatid mo ang Mama ko.....At ngayon pinaglalaruan niya ang buhay ko.' gigil kong sabi sa kanya.
'KASSANDRA!' narinig kong sigaw ni Tito Jaesan pero mas diniinan ko pa ang pagkakasakal kay Kiyana na namumula na ang mukha.
'BITAWAN MO SIYA!' napaupo ako sa sahig kaya nanlilisik ang mata kong tinignan si Tito Jaesan na hawak-hawak ang mukha ni Kiyana. Bakas sa mukha niya ang pag-aalala sa asawa.
Tumayo ako at ngumiti.
'Nakakatuwa kayong tignan.' sarkastik kong sabi. Agad humarap sa akin si Tito Jaesan at halata sa kanya ang galit niya.
'Kakampihan mo pa yang babae na yan? Nagtaka pa ako eh asawa mo yan eh. Sympre sa kanya ka papanig.' nakangiti kong sabi.
'Ano bang nangyayari sayo ha Kassandra?! Hindi na kita maintindihan!' sigaw ni Tito.
'HINDI MO KO MAIINTINDIHAN DAHIL HINDI MO NAMAN ALAM ANG NARARAMDAMAN KO!' sigaw ko sa kanya.
Naramdaman ko na bumagsak na naman ang aking luha.
'Si Papa......Nakita ko siya.....' Dinuro ko si Kiyana at tinignan siya ng masama.
'Ang kapatid ng hayop na babaeng yan! Hawak niya ang Papa ko.......At alam mo kung anong masakit ha?' tinignan ko si Tito Jaesan na nanlalaki ang mata.
'H-hindi niya ako k-kilala.....Hindi niya alam......Hindi niya alam n-na ako ang a-anak niya.' humagulhol ako ng iyak at napaupo ako sa sofa.
'Hindi niya ako k-kilala.....Ang Papa ko......Ang P-papa ko....' bulong ko.
'Kass..' akmang lalapit si Tito Jaesan sa akin ng tumayo agad ako.
'At simula ngayon....Hindi na rin kita kilala.' diretso kong sabi sabay punas sa aking luha. Naglakad agad ako paakyat sa hagdanan.
Kinuha ko yung maleta ko at nilagay ang mga damit ko. Lumabas ako ng kwarto at bumaba ng hagdanan.
'Kassandra, mag-usap tayo. Pag-usapan naten to.' hinawakan ni Tito ang maleta ko pero tinulak ko siya agad at tinutukan ng baril.

BINABASA MO ANG
TGIN 3 : Her Daughter
Acak(Kassandra Kylie Smith) Almost perfect family na kami noong bata pa lang ako. Pero dahil sa nangyaring trahedya na dumating sa aming buhay ay nawala ang Perfect Family na inaasam-asam ng bawat anak na katulad ko. Hinding-hindi ko mapapatawad ang sum...