One
"Pa, alis na ko!"
Tumayo ako sa lamesa para pumunta sa kusina, dala-dala ang plato. Nakita ko si Papa na naka-apron at nagluluto pa ng almusal para sa kapatid ko. Nilagay ko ang plato sa lababo at humalik sa kanya habang ngumunguya pa.
"Sige. Ingat ka. Uwi agad."
"Hm. Di pa nga nakakaalis, uwi agad?" tawa ko.
"Alis na nga. Istorbo," ngiti niya.
Niyakap ko siya bago naglakad palabas ng bahay. Pagkatapos kong magbayad sa jeep ay nilagay ko na ang earphones ko at pumikit.
Madalas ko 'tong gawin kapag pauwi at papunta ng school. Masarap mag-imagine. Masarap malunod sa musika. Minsan nakakalungkot kapag may hugot 'yong mga kanta. Pero madalas, nakaka-inspired.
Pagkababa ko ng jeep ay dumiretso kaagad ako sa bulletin para i-check kung tama ba ang nakuha kong schedule. Minsan kasi binabago nila. Napangiti ako nang makita ko ang pangalan ng kaibigan ko. Actually, she's my best friend. Kaso matagal na kaming hindi nagkikita. Buti na lang magka-klase kami!
Lorayne Hale Calden
Ang ganda talaga ng pangalan niya. Tunog sosyal.
Umalis na ako sa harap ng bulletin para puntahan ang una kong klase. Maaga pa naman kaya paniguradong hindi ako mahuhuli sa klase. My head was moving to the beat of Worth It. The beat is quite catchy but the lyrics doesn't make sense to me, though. Anyways, I like it.
"Baby, I'm mhmm—Oops. Sorry!"
Agad akong lumuhod para kunin 'yong mga dalang gamit ng taong nabunggo ko. Hindi ko siya napansin dahil masyado akong napasarap sa pagyugyog ng ulo ko. Nang dadamputin ko na 'yong isang envelope ay bigla niyang tinabig ang kamay ko.
Hindi siya nagsalita at nagtuloy lang sa pagpulot ng gamit niya. Tumigil na ako at tinitigan ang supladong lalaki sa harapan ko. Nararamdaman ko na ang dugo kong nagsisimulang kumulo at ang hininga kong bumibilis dahil sa inis. Tumayo ako at pinagpagan ang palda habang pinulot niya ang natirang ballpen na nagkalat sa sahig.
Tumayo siya at pinagpagan ang slacks na suot habang tumayo lang ako at pinanood siya. Nasa kamay ko pa ang dalawa niyang notebook at isang libro. Mahirap pigilan tumaas ang kilay at proud ako sa sarili ko na nagagawa kong maging kalmado. 'Wag basag-ulo, Princess.
Pagkatingin niya sakin, muntikan ko na siyang masapak. Pusanggala, ang pogi ng kuya mo. Ang tangos ng ilong niya at ang pula ng labi. Aakalain mong may lipstick. I kept my stare boring onto him but his eyes were dead. Dead like bored. Walang emosyon. Blanko na para bang wala siyang tinitignan. Tao ba 'to?
"Miss, those are mine," he said.
Kalmado ang boses niya kagaya ng expression sa mukha niya. Ganoon din ang tono, walang emosyon.
"Sorry ulit," sabi ko habang inaabot ang gamit niya.
"Nothing would change, though," he answered as he walked away.
Naiwan akong nakatunganga. Ano daw? Sa inis ko, inirapan ko nalang siya at naglakad opposite sa way niya. Napagpasyahan kong pumunta sa cafeteria at tumingin ng makakain. Ilang minuto pa naman bago ang klase.
Bumili ako ng half-long (yeah, kalahati ng footlong) habang tumutugtog ang Steal My Girl sa tenga ko.
Hindi ko pa gaano nalilibot ang school dahil masyadong malaki. May kabilang parte pa 'to kung nasaan ang mga college students. I can see the garden from here and it's really beautiful. Full of flowers, plants, and trees. It seems peaceful there.
Hindi ko napansin na tumulo na pala yung ketchup sa pagkain ko at may tao na sa tabi ko. Pagkalingon ko, he was looking at me with his expressionless eyes. My eyes travelled from his head down to his toe at natuluan ng ketchup ang sapatos niyang makintab. Oh no.
"Oh shit. Sorry!"
I bit my lower lip as he leaned down to wipe it with his tissue. "Ikaw na naman?"
Kumunot ang noo ko, "Kasalanan ko bang nakakasalubong kita lagi?"
"Una, kinalat mo ang gamit ko—"
"I said, sorry!"
"—ngayon naman ketchup? Really, miss?" mahina niyang tawa.
"Nag-sorry ako, kuya. Hindi ka naman marunong tumanggap ng pasensya," sagot ko.
"Would it change anything?" balik niya. "No."
"Ang laki ng issue mo. Mukha ka namang mayaman. Edi bumili ka!" Inirapan ko siya at naglakad palayo.
Kumagat ako sa pagkain ko at naglakad pabalik ng building ng nakabusangot. Panira ng araw. May issue yata sa sorry yun. May pinaghuhugutan. Nag-sorry naman ako! Alam ko namang walang magagawa yung sorry ko kasi nangyari na pero at least ng nag-sorry ako. Alam kong mali ako. Hindi katulad nung iba na hindi man lang humihingi ng pasensya kahit na alam nilang naka-perwisyo na sila.
Nang maubos na yung kinakain ko, naghanap ako ng basurahan. Masyadong malinis ang eskwelahan namin, nakakahiyang magtapon kung saan. Biro lang. Always put the trash in the trash bin kahit nasaang lugar ka pa.
Saktong pagkatapon ko ng plastic sa basurahan ay ang pagtapon ng isang estudyante ng kanyang chocolate juice na natapon sa kamay ko.
"Oh my gosh."
"Oops. Sorry."
Tinignan ko siya ng masama. And I swear, kumulo talaga ang dugo ko nang nakita ko siyang ngumisi sakin na parang demonyong may pinaplanong masama. Sinipa ko ang basurahan na nagpaurong sa kanya. Hindi pa rin natinag ang nakakabwisit na ngiti sa labi niya. Inirapan ko siya at nag-martsa papuntang banyo.
"ARGH! Bwisit!"
BINABASA MO ANG
You're Just My Toy
Ficção Adolescente[COMPLETED] "Sometimes, your real savior is just there. You're just too blinded by your own version of your Prince Charming." A story where a princess thought she could trust everyone including her prince, but in reality, he would be one of the reas...