Twenty-three

3.8K 68 7
                                    

Twenty-three

Today was my birthday. 

I am okay. I'm fine. Zymon was always with me—not always but as much as possible. Lory started to drift away—not from me but from him. Dahil parati kong kasama si Zymon at hindi na sila nagkakasama. 

Our relationship has improved and I've never been happier again. I stopped doubting every words he said, actions he made—until that night at my birthday party.   

I invited everyone for my birthday. We had some singing sessions. Wala kaming alak dahil ayaw ni Papa non so we had some food and drink—also some kids and adults game. 

I was so drunk from happiness that I needed to take a picture of everything from our garden. I also wanted to take a selfie with my big smile on my face. Kaso nang makatapak ako sa garden namin ay gumuho ang mundo ko. Lahat ng sayang nararamdaman ko nawala pati na ang ngiti sa labi at mata ko. 

I laughed to myself.

They were hugging each other. Nakasubsob sa dibdib ni Zymon ang mukha ni Lory habang hinahalikan naman ni Zymon ang ulo nito at hinahaplos ang buhok. 

Umiling ako at naglakad palayo. 

Kasabay nang pagkabasag ng puso ko ay ang pagkabasag ng tiwalang binuo ko ulit para sa kanilang dalawa. 

Natapos ang sembreak nang wala akong nagawang matino. Ni hindi ako nakagala o nakapag-bakasyon! Wala sina Prince buong sembreak dahil nag-out of town sila ng pamilya nila. 

Pangit ang unang umaga ko ng pagpasok sa school. Nagkasagutan kami ni Papa at napagbuhatan niya ako ng kamay. Gusto niyang kumuha ako ng Law habang ang gusto ko namang kunin ay Education. 

Nandito ako ngayon sa garden at nagpapalamig ng ulo. Nagulat ako ng may narinig akong tumutugtog. Sinundan ko lang 'yung tugtog at dito na naman ako dinala sa lumang building. Tumalikod na ako at nagsimulang maglakad nang may nalalaglag sa harapan ko. 

Dinampot ko ang pulang rosas na may card na kasama. Nakasulat sa loob ang salitang go on.

"Kanino naman 'to galing?" 

Pagkaangat ko ng tingin ay may mga petals ng bulaklak na nag-kalat. Tumingin ako sa taas pero walang tao. Naglakad ako at sinundan ang mga petals. Pagpasok ko ay nakita ko na naman sila. Mga kaklase naming lalaki na kaibigan ni Zymon.

Napangiti ako sa nakita ko. Nawawala ang init ng ulo ko.

Si James ay nag gigitara habang ang mga kaklase naming lalaki ay nasa likod at si Zymon ang nasa gitna.

Lalo akong napangiti nang lumapit sakin si Zymon at inabutan ako ng bulaklak— mga bulaklak. Hinalikan niya ako. Mabilis lang. Hinawakan niya ang kamay ko at pinaupo sa upuan na nakaharap sa kanila.

Nag-strum na si James at si Robie ng guitar. Tumakbo ang ilan sa isang direksyon at may inayos habang si Zymon at ang iba ay nagsimula nang kumanta. 

Just The Way You Are.

Napahawak ako sa bibig ko sa gulat. May pinakita silang slideshow na pictures ko. Halo-halo. Candid shots. Pictures ko nung bata ako. Pictures ko sa facebook, even my silly poses. 

Natatawa na lang ako sa nakikita ko. 

Ang tagal ko nang hindi naramdaman yung ganito. Kiligin at maging masaya.

Tawa na lang ako nang tawa dahil sa mga old pictures ko na ngayon ko lang ulit nakita. Umiiyak ako sa sobrang overwhelming ng pakiramdam. Ang sarap sa pakiramdam kahit na alam kong may mali. 

Maybe he was saying sorry? Maybe ako pa rin talaga? 

Lumapit siya sakin at tinayo ako. Nilagay niya ang kamay niya sa bewang ko at nilagay ang akin sa batok niya. Tinignan niya ko sa mata at tinignan ko siyang mabuti. 

You're Just My ToyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon