Sixteen
It's been two months since Zymon started to court me. I am actually thinking of saying yes to him. He has been really patient and pursuing. He makes me happy—so damn happy, actually. He never fails to make me feel special. And I love him. That's for sure.
Sa loob ng dalawang buwan na 'yon ay ang unti-unting paglayo ni Lory sa akin. I tried to approach her but it's either she'd walk away or wouldn't answer me na para lang akong nakikipag-usap sa hangin. She snapped at me once. She just told me to stop in a very angry way and stormed out of the room. I don't know what's with her. I tried a hundred time but she'll always shut me out. I miss her.
Sina Ericka at James ang parati kong kasama especially lunch—parati kasing wala si Zymon every lunch. We are the three idiots, actually. We're always together. Magkakasama sa kalokohan.
Sa sobrang pagkaburyo ko habang naghihintay sa mga kaklase namin na pumasok ay tinupi ko ang braso ko at ngumuso. Tinignan ko si James na busy maglaro sa phone niya.
"Nakita mo ba si Ericka?"
Agad na lumingon si James sa akin nang pinause niya ang laro niya.
"Hindi eh. Di ba kayo magkasabay?" Umiling ako. "Parating na rin 'yon. Makikita mo naman siya mamayang lunch."
Bumalik siya sa nilalaro niya at ako ang bored na bored na! Sinubsob ko na lang ang mukha ko sa desk at nagbalak matulog. Bago pa man ako pumikit at nagpaalam nang lumabas si James at naiwan ako mag-isa sa room.
Nagulat ako nang may narinig akong tunog ng gitara at pag tingin ko ay pumasok ang tumutugtog ng gitara na si James at si Zymon na may hawak na rosas. Ang ibang kaklase naming lalaki ay nakasunod sa kanila at may hawak ring mga rosas.
Kumanta silang lahat sa harapan ko habang isa-isang binibigay ang mga bulaklak. Para akong kinikiliti. Ang sarap sa pakiramdam. Tumitig ako sa mga nakangiting mata ni Zymon. I smiled back.
"Zymon?"
"Yvonne?"
I closed my eyes. Huminga ako nang malalim. I opened my eyes and all I saw were his hopeful eyes.
"Yes," I exhaled.
Parang tumahimik ang buong paligid sa sinabi nang bigla mag-sigawan ang mga kaklase naming lalaki. Bago ko pa makita ang mukha ni Zymon ay naiangat niya na ang katawan ko at inikot. Pagkababa niya sa akin ay agad niya akong hinalikan.
Pagdilat ng mata ko ay nakita ko ang seryosong tingin ni Lory sa pinto. Tipid siyang ngumiti sa akin. Ngingiti na rin sana ako pabalik ngunit pinutol niya kaagad ang tinginan namin at naglakad papunta sa upuan niya.
Nang nadako ang tingin ko kay James ay seryoso lang ang mukha niya. Mabigat ang mga tingin na binibigay niya sa akin. Parang bumabaligtad ang sikmura ko sa mga reaksyon nila. I tried to shrug it off. Nginitian niya ako. Ngumiti ako pabalik.
"Hiramin ko muna 'tong boyfriend mo. Absent si Miss Hanna."
"O—Okay."
Lumabas na sila ng pinto kasama ang mga kaklase naming lalaki kanina. Bumalik ako sa upuan ko at nilapag ang mga bulaklak sa lamesa ko. Kami na lang dalawa ni Lory dito sa room at nakayuko siya sa desk niya. Kinalabit ko siya.
Inangat niya ang ulo niya pero hindi niya ako nilingon.
"Why?"
"Can we talk?"
"We're talking already," sagot niya.
"Iyong maayos sana." Hindi siya sumagot. I looked at the board. "Can you at least look at me?"
BINABASA MO ANG
You're Just My Toy
أدب المراهقين[COMPLETED] "Sometimes, your real savior is just there. You're just too blinded by your own version of your Prince Charming." A story where a princess thought she could trust everyone including her prince, but in reality, he would be one of the reas...