Forty-five
I woke up in the morning with a big smile on my face. Agad akong naligo at nag-ayos. Nag-suot ako ng panibagong summer dress. Hindi na ako nag-abala pang maglagay ng kolorete sa mukha.
Nang inaayos ko na ang suot kong sandals para bumaba at kumain ay may kumatok sa pinto. Ang nakangiting mukha ni Jayden ang sumalubong sa akin na may hawak na tray. Nakasuot siya ng loose na sando at trunks.
"Good morning! I brought your breakfast. Do you mind if I join you here?"
I smiled and shook my head. Tumabi ako para makapasok siya at sinara ang pinto. Dumiretso siya sa kama at nilapag ang tray doon. Bumalik ako sa salamin para suklayin muli ang buhok kong medyo basa pa. Masyado na akong nagugutom kaya hindi na akong nag-abala pang mag-blow dry.
Tumalon ang puso ko nang pumulupot ang braso ni Jayden sa bewang ko. Nakangiti kong tinignan ang reflection niya sa salamin. He gave me a peck on my cheek and hugged me tighter.
"You're unusually quiet today," bulong niya na halos makiliti ako.
"Hmm," taas-kilay kong sagot.
Ngumuso siya sa nonsense kong sagot dahilan para dumikit ang labi niya sa exposed kong leeg. Naramdaman niya siguro ang paninigas ko kaya siya bahagyang natawa. Pabiro ko siyang siniko at tumawa siya.
"Kumain ka na ba?" tanong ko.
Hindi ko matuloy ang pagsusuklay dahil nasa likod ko na siya. Ipinagpahinga ko na lang ang kamay ko sa braso niyang naka-ekis sa tiyan ko. Nakapikit siya at inaamoy ang leeg ko.
"Nope. Gusto ko kasi sabay tayo." Tumango ako. "Ang tahimik mo talaga."
Nahimigan ko ang pagtatampo sa boses niya kaya bahagya akong natawa. Hindi lang ako sanay na ganito ulit kami. Hindi ako makapaniwala na nandito siya ngayon at niyayakap ako ulit. Na isang lingon ko lang ay pwede ko siyang halikan.
Unti-unting lumuwag ang yakap niya sa akin at marahan akong inikot para matignan ang mga mata niya. Nilagay niya ang braso niya sa magkabilang gilid ko at mas nilapit pa ang katawan sa akin. Wala na akong uurungan pa dahil salamin na ang nasa likod ko kung saan nakakadikit ito sa dingding.
"Anong problema?" malambing niyang tanong.
"Huh? Wala."
Napakurap ako nang pinatakan niya ang labi ko ng halik. Tinitigan niya ako na para bang hinihintay kung ano ang magiging reaksyon ko. Nang hindi ako nag-react ay dalawang beses niya pa akong hinalikan.
Sumimangot siya nang nakatitig pa rin ako sa kanya. Bumagsak ang balikat niya ngunit hinila ko ang sando niya palapit sa akin at hinalikan siya. Ngunit sa pagkakataong ito ay hindi ako bumitiw. I kissed him tenderly.
Gusto kong maramdaman na totoo ang lahat ng ito at nandito talaga siya sa tabi ko. Na hindi siya mawawala sa akin at akin lang talaga siya. Nabuhay muli ang paru-paro sa tiyan ko at ang kaba sa dibdib ay sumibol ulit.
Tumindig ang balahibo ko nang hawakan niya ang bewang ko at mas lalong nilapit sa katawan niya. Ramdam ko ang init ng dibdib niya sa dibdib ko. He bit my lip that made me gasp and that was when his tongue entered my mouth.
Natulak ko siya sa gulat nang may kumatok. Inayos ko ang strap ng damit ko na hindi ko namalayang naibaba na niya kanina. Narinig ko ang paulit-ulit niyang mura habang papalapit ako sa pinto.
"Hi!" bati ko kay Irish.
"Good morning," ngiti niya. Napalingon siya sa likod ko. "Nakakaistorbo ba ako?"
Lumingon ako sa likuran ko at nakita na dumiretso na si Jayden sa kama, nakasimangot.
"Nope. We're good," kaswal kong sagot.
BINABASA MO ANG
You're Just My Toy
Jugendliteratur[COMPLETED] "Sometimes, your real savior is just there. You're just too blinded by your own version of your Prince Charming." A story where a princess thought she could trust everyone including her prince, but in reality, he would be one of the reas...