Eighteen
Nagkwekwentuhan kami ni Ericka sa canteen nang biglang may pumasok. Tinitigan ko ang bugbog niyang mukha. Tinitigan niya lang rin ako pabalik bago umalis kasunod si Precious.
"Ganoon ba ako kalakas sumuntok at naging ganun ang itsura niya?"
Tumango-tango siya habang sinusubukang ngumuya sa punong-puno niyang bibig. Tumahimik na lang ako at kumain rin. Nagulat ako nang bigla niyang hawakan ang kamay ko tapos lumunok siya na akala mo ay hirap na hirap.
Nang nakalunok na siya ay nagsalita na siya. "Siguro nga ganun kalakas 'yung suntok mo sa kanya. Kasi bukod sa may pasa siya at napadugo mo yung labi niya, tignan mo naman 'yung kamao mo, namamaga," sabi niya.
Napatingin ako sa kamay ko dahil sa sinabi niya. Hindi ko na naalala 'to. Namumula pa lang 'to kanina eh. Kung kanina ay mapula, ngayon ay namamaga na.
"Oo nga, ano?" Nagkibit-balikat ako. "Hayaan mo na nga, gagaling din yan."
"Sabi mo eh," sabi niya at inirapan ako.
Binato ko siya ng popcorn. Ayun, nagbatuhan na kami.
"Sige, mauna na ko Ericka ah." Ngumiti siya at tumango.
Naglakad ako papunta sa klase na malamang ang huli na ako. Huminga muna ako nang malalim bago binuksan ang pinto. Lahat sila ay nakatingin sa akin pagpasok ko. Ramdam ko 'yon. Hindi ko sila tinignan at diretso lang ang tingin ko kay Miss Hanna.
"Sorry, Miss Hanna. I'm late," sabi ko at yumuko habang nakatayo.
Walang nagsalita. Inangat ko ang ulo ko at nakita ko silang nakatingin pa rin sa akin. Kumunot ang noo ko. Anong problema? I feel awkward and conscious now with the way they're looking at me.
"Wag niyo nga akong tingnan."
Tinakpan ko 'yung mukha ko gamit ang dalawa kong kamay. Narinig ko ang pagsinghap ng mga kaklase ko at nagulat ako nang bigla may magsalita—"Oh, my God!"
Tinignan ko si Lory na nasa tabi ko lang ang upuan. I looked at her with confused eyes. She shook her head as he pointed at my hand. And that's when I realized I fucked up. Agad kong tinago ang kanang kamay ko sa likod ko.
Napatingin ako kay Lory at yumuko siya. Si James naman ay umiiling. Nang pagtingin ko kay Zymon. . . seryoso siyang nakatingin sa akin. Bigla siyang tumayo at hinigit ang braso ko para itaas and kamao kong namamaga.
"What happened to your hand?" May diin niyang sabi.
"Nothing," sabi ko at hinila ko ang kamay ko na naging dahilan para mabitawan niya.
Tumalikod ako para magpaalam kay Miss Hanna na lalabas muna ko pero nagulat ako nang biglang may humigit sa kaliwa kong pulso at hinatak ako palabas ng room. Walang sabi-sabi, hinila niya ako palabas ng room nang hindi nagpapaalam kay Miss Hanna.
"Z-Zymon, saan mo ako dadalhin?"
Hindi pa rin siya nagsasalita. Masakit na ang pagkakahawak niya at namumula na ang pulso ko.
"Zymon, saan tayo pupunta?"
Para akong walang kausap dahil hindi siya sumasagot. Hindi na lang ako nagsalita pero nang nandito na kami sa dulo ng corridor ay naramdaman ko na ang hapdi sa pulso ko.
"Fernandez, masakit na!" Sigaw ko.
Tumigil sa paglalakad at nilingon ako. Tinitigan niya ako nang masama.
Galit siya? Hindi ba dapat ako ang galit? Siya itong may kasalanan sa akin!
Akala ako titigil na siya dahil binitawan niya na ang pulso ko pero mismong kamay ko na ang hinawakan niya hanggang makapunta kami sa garden. Binitawan niya na ang kamay ko. Umupo agad ako sa bench at minasahe ang pulso ko. Namamaga pa rin ang kamay ko. Actually masakit na siya ngayon hindi katulad kanina na walang pakiramdam.
"Ano bang nangyari diyan? Saan ka galing kanina?" Tanong niya.
Napatigil ako sa pagmasahe nang bigla siyang nagsalita. Nakatayo pa rin siya habang nakatalikod sa akin.
"Ikaw? Saan ka galing kahapon?"
"Yvonne, pwede ba 'wag mong ibahin ang usapan," buga niya ng hininga.
Umiling lang ako at minasahe ulit ang pulso. Rinig ko ang paghinga niya ng malalim at tumabi sa akin. Nakita ko sa gilid ng mata ko na nakatingin siya sa malayo.
"Yvonne, bakit namamaga yang kamay mo?"
Ngayon alam mo na ang pakiramdam ng nagtatanong pero hindi ka sinasagot? Talk to the hand, Zymon.
"Yvonne—please!" Sigaw niya.
Napakunot ang noo ko. Sinasabunutan na niya ang sarili niya.
"Wala 'to."
Mahina kong sabi pero sapat na para marinig niya. Tumayo siya sa harap ko kaya't napatingin ako sa kanya.
"Princess, namamaya ang kamay mo then you're telling me wala lang?" Nag-uumpisa nang tumaas ang boses niya. "You were late! Saan ka galing? Then you showed up with a swollen hand! What happened?!"
I gave him a blank stare. "Nothing."
"Fuck!" Napapikit ako sa lakas ng mura niya. Dumilat ako ulit at nakita kong naghahabol siya ng hininga. He looked at with disbelief. "Dahil lang hindi ako nakapag-text kahapon nagalit ka kaaga—"
"LANG?" Tawa ko. "Lang? My God, Prince. You had twenty-four fucking hours just to text me a hi or hello! Pero ano? Wala akong natanggap ni tuldok! What do you expect me to feel? Hindi ko naman hinihiling na mag-reply ka minu-minuto diba? I just wanted to hear from you at lease a fucking small message or even an apology of how much of a dickhead you were yesterday! At heto ka ngayon telling me na ang babaw ko because of that?! Tang ina!"
Tinalikuran ko na siya at naglakad palayo habang umiiling. Magpapalamig muna ako ng ulo. Baka makasapak na naman ako. Nakaka-limang hakbang pa lang ako nang may naramdaman akong yakap mula sa likod.
"Yvonne, I'm sorry..." Malambing niyang sabi.
Napapikit ako nang maramdaman ko ang init ng yakap niya. Hindi ako sumagot kaya hinarap niya ako sa kanya at niyakap nang mas maayos.
God, ang weak mo, Princess! Yakap lang okay ka na? Ano ba 'yan!
"Sorry," he breathed against my neck. "I am sorry... please."
I sighed and hugged him back. "'Wag mo lang uulitin 'yun baka gusto mo ring masuntok."
Bigla siyang napakalas sa yakap namin. Nanlaki ang mata ko nang mapagtanto ko ang nasabi. Nakita ko ang gulat sa mata niya at agad akong umiwas ng tingin.
"Did you punch someone?"
"Yeah." I shrugged my shoulder.
"Should I ask who?"
Tinignan ko siya and he looked so confused. I chuckled. "Nope."
He smiled and held my hand. He caressed my swollen hand. "Does it hurt?"
"A little."
He kissed my hand. Napangiti ako. "How about now?"
"Better."
He held my face and stole a kiss. He laughed, "Better."
BINABASA MO ANG
You're Just My Toy
Teen Fiction[COMPLETED] "Sometimes, your real savior is just there. You're just too blinded by your own version of your Prince Charming." A story where a princess thought she could trust everyone including her prince, but in reality, he would be one of the reas...