Thirty-three

4.2K 71 9
                                    

Thirty-three

Merry Christmas everyone! :)

-

Nandito ako ngayon sa library. Sa totoo lang, naiirita na ako sa mga tingin na kanina ko pa nakukuha. Hindi ako sanay sa atensyon ng marami lalo na kung pakiramdam ko lahat ng kilos ko ay may masasabi sila. Buti na nga walang gaanong tao dito papunta sa library. Meron pangbumabati sa akin kahit hindi ko naman kilala pero nginingitian ko na lang.

Malapit na ako sa may library nang may marahas na humablot ng braso ko.

"Aray!"

Napalakas ang pagkakasandal ko sa pader dahil sa paghablot at pagbagsak niya sa akin. Napapikit ako nang akmang susuntukin niya ako pero nilagay niya lang ang dalawa niyang kamay sa magkabilang gilid ng ulo ko. Dumilat ako ulit at tinignan siya nang masama.

"Ano bang problema mo?" sigaw ko.

Sobrang lapit namin sa isa't isa. Sinubukan kong umurong ngunit pader na ang nasa likod ko. Hindi ko makita kung may tao ba sa pasilyo dahil hinaharangan niya ang paningin ko sa sobrang lapit niya. Tinitigan ko ang mukha niya. Nangingitim ang kaliwang mata niya. Hindi pa ganyan ang itsura niya noong sabado nang nakita ko siya.

"See that?" Hindi ako sumagot. "Yung black eye."

I clenched my jaw. "Wala akong pakialam."

"Sinuntok ako ng papa mo."

Natigil ako sa sinabi niya pero agad din naman akong nakabawi. Anong akala ni papa? Porket sinuntok niya si Prince ayos na kami ulit? Dapat dati niya pa iyon ginawa. Matutuwa siguro ako kung dati niya pa 'yon ginawa at kung hindi rin siya nambabae.

"So? Bakit sa akin mo sinasabi, Prince? Ako ba nanuntok sa'yo? Hindi naman, diba? 'Yun lang ba sasabihin mo? Nasabi mo na kaya umalis ka na kasi pupunta pa akong library."

"No. Hindi 'yun ang pinunta ko rito."

"Ano? Bilisan mo. Maswerte ka pa nga at kinakausap pa kit—"

"Manahimik ka nga!"

Natahimik ako sa lakas ng boses niya at pagdiin niya lalo ng katawan niya sa akin. Kita ko ang panginginig ng braso niyang nasa magkabilang gilid ng ulo ko. Tinignan ko ang kanyang mata at masama ang tingin niya sa akin.

"Kayo ba ni Jayden?"

Halos matawa ako sa sinabi niya. What the hell? Natutuwa ako. Pakiramdam ko I got the upper hand at kaya ko siyang paikutin sa palad ko. Tinaasan ko lang siya ng kilay.

"Answer me."

Iniwas ko ang tingin ko. So what kung kami nga? Dapat wala na siyang pakialam!

"Ang bilis mo akong ipagpalit, huh?"

Mabilis akong bumaling sa kanya. Ang kapal talaga ng mukha nitong magsalita!

"Coming from you? Nandiyan pa ako ay may iba ka na. Gago ka ba?"

Natahimik siya sa sinabi ko. Nanlaki ang mata ko nang lumapat ang labi niya sa labi ko. Lahat ng masasayang alaala kasama siya ay bumalik sa akin. Nanghina ako sa naramdaman. Ang tibok ng puso ko ay sobrang bilis na gusto kong tumakbo palayo para mawala. Akala ko ay lalayo na siya ngunit nag-umpisang sumayaw ang labi niya sa labi ko.

Tumulo ang luha sa nakapikit kong mata. This feels so wrong. Pinipilit ko siyang itulak palayo gamit ang naghihina kong braso. Hinawakan niya ang pulso ko at nilaliman pa ang halik sa akin. Napasinghap ako nang maramdaman ko ang dila niya at dahil doon ay nakapasok ito and it played with my tongue. I kissed him back.

You're Just My ToyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon