Fifteen
P R I N C E S S
Breaktime na pala. Yayain ko kaya si Lory? Hindi ko alam pero pakiramdam ko kasi lumalayo siya sa akin. Nauna siyang lumabas sa pinto kaya sinundan ko siya. Wala nang tao sa hallway nang nakalabas ako kaya't nakita ko siya kaagad.
"Lory, sabay tayong—ku... ma... in." Naubos ang boses ko nang patapos na ang sinabi ko. Parang naestatwa si Lory sa kinatatayuan niya at hindi niya ako matignan.
"Oh. Hi, Princess."
Nanlaki ang mata ko at nagsimulang kabahan. Na-trauma ata ako sa ginawa niya sa akin. Simula noon ay hindi na niya ko inaway ulit. Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko.
Nagulat ako nang bigla siyang lumapit sakin kaya't napaatras ako pero hinawakan niya ang balikat ko at bineso-beso ako.
"Don't you miss me? Don't worry, hindi na kita aawayin." She smirked at Lory and Lory looked away, clenching her fists. "By the way, may sasabihin nga pala ko sayo."
Napatingin naman ako sa kanya at nabaling 'yung tingin ko kay Lory nang napagalaw siyang bigla ngunit pinigilan rin ang sariling lumapit sakin.
"A-ano 'yon?"
"Uhm. Sana wag kang magugulat sa sasabihin ko at sana hindi ka masaktan. Iniisip lang naman kita."
Hindi ko alam kung sarcastic ba siya o ano. Ang gulo! Kada sinasabi niya 'yon ay tumitingin siya kay Lory. She's still wearing her annoying smirk!
"They're cheating on you. Your best friend and your suitor."
Napalayo kaagad ako kay Stephanie. Agad akong lumingon kay Lory na hindi makatingin sa akin. Nag-umpisa na akong pagpawisan nang malamig. Nararamdaman ko ang unti-unting pag-ikot ng sikmura ko sa sinabi ni Stephanie lalo na at ayaw linawin ni Lory sa akin.
"Hindi mo ba alam 'yun, Princess? Niloloko ka nila. I saw them earlier. They were making out. And your suitor? Pinaglalaruan ka lang niya."
"Lory?"
Tumulo ang luha ko na agad kong pinalis. Ayokong makinig kay Stephanie. Si Lory lang ang papakinggan ko. Kahit ayaw niya akong tignan ngayon, kahit na tikom ang bibig niya ay gusto kong itanggi niya! Sabihin niyang hindi totoo! Ayokong maniwala! HINDI!
"Joke!" Halos manlambot ang tuhod ko sa sinabi ni Stephanie. Tumawa siya sa harap ko at para pa siyang nang-iinis. Sinamaan ko siya ng tingin. "Just... don't be too confident, darling."
Tinitigan niya muna ako nang matiim, walang bahid ng pagbibiro at sarcasm sa mukha bago siya ngumiti ulit at umalis sa harap ko kasama si Precious. Sunod na umalis si Lory at masyado pa akong nagulat sa nangyari kaya't hindi ako nakaalis kaagad.
"Baby, sabay na tayo mag-lunch."
Napaligon ako sa likod ko at nakita ko si Jayden na nakangiti sa akin. Hindi ko na pinansin ang tawag niya sa akin at tumango na lang—iniisip pa rin ang nangyari kanina.
Nang nasa garden na kami at kumakain ng junk food ay nagsalita na siya matapos ang ilang minutong katahimikan. Hindi namin nakita si Lory at Prince na kadalasan naming kasabay mag-lunch. I shook my head to erase my thoughts. Imposible. Hindi magagawa ni Lory 'yon.
"Princess, pwedeng magtanong?" Tumango ako. "Kunwari may sikreto kaming tinatago. Ako, si Prince tsaka si Lorayne..."
Tumaas ang kilay ko sa tanong niya. "Anong klase namang sikreto?"
"Yung sikretong masasaktan ka talaga."
"Example?"
"Sige, bigyan kita ng situation."
BINABASA MO ANG
You're Just My Toy
Teen Fiction[COMPLETED] "Sometimes, your real savior is just there. You're just too blinded by your own version of your Prince Charming." A story where a princess thought she could trust everyone including her prince, but in reality, he would be one of the reas...