Twenty-seven
Nagpatianod ako sa lakad ni James. Hindi ko alam kung saan kami papunta basta ang alam ko malayo na kami sa kanila. Ako na mismo ang nagpasyang huminto sa paglalakad. Tinanggal ko ang yakap ko kay James.
"Shit. Bullshit," bulong ko habang sinusuklay ang buhok ko at pinupunasan nang marahas ang luha ko. Ngumiti ako kay James na ngayon ay tinititigan ako nang seryoso. "Sorry, James. Nabasa 'yung uniform mo. Tara na, pasok na tayo sa room. Ayokong mag-cut."
Nilahad ko ang kamay ko sa kanya. Kunot-noo siyang tumingin sa akin. Sa huli ay kinuha niya rin ang kamay ko. Sumakbit ako sa braso niya at hinilig ang ulo ko sa balikat niya.
"Thank you."
Naramdaman kong umiling siya kaya napatingin ako sa kanya.
"Mamamatay ka sa sama ng loob," sabi niya habang hindi pa rin nakatingin sa akin.
Tuloy lang kami sa paglalakad habang ako nakatingin pa rin sa kanya.
"Sabi ko sa'yo iiyak mo sakin lahat. Bakit mo pinipigilan? Ang bigat-bigat sa loob mo tapos hindi mo ilalabas? Papatayin mo ba 'yung sarili mo? Sabi ko pwede kang magpanggap na hindi nasasaktan sa harap ng iba pero 'wag mo kong isama. Kilala na kita. Magtatago ka pa ba sa akin?"
Tumingin ako sa nilalakaran naming nang mag-umpisang mamuo ang mga luha ko. I blinked repeatedly. Huminga ako nang malalim at tumawa nang mahina nang nakatakas ang isang luha. Pinunasan ko ito agad ngunit tuloy-tuloy na sila sa pag-agos. Nanginig ang balikat ko.
"N—nahihiya na kasi ako sa'yo, James."
Tumigil siya sa paglalakad pero hindi pa rin ako humarap sa kanya. Pumikit ako.
Oo, mamatay talaga ako sa sama ng loob. Hindi ko pa nalalabas lahat. Hindi ko pa naiiyak lahat. Ang sakit sakit pa rin. sobrang sakit. Hindi ko lang pinapakita. Tinatago ko, kinikimkim ko. Akin na lang 'to.
"Look at me."
Umiling ako.
"Princess..." banayad niyang tawag.
Kumirot ang puso ko.
"Ayoko," nabasag ang boses ko.
Narinig ko ang pagbuntong hininga niya. Naramdaman ko ang paghawak niya sa balikat ko at hinarap ako sa kanya. Sa pagkakataong 'to ay tinakpan ko ang mukha ko ng dalawa kong palad.
"James, hiyang-hiya na ako. Ayokong makita mo kong ganito. Ayoko. Nahihiya akong ipakita sa'yo 'tong katangahang ginagawa ko. Akin lang dapat 'to. Balot na ako ng galit at sakit! Hirap na hirap na ako! Ayokong madamay ka pa rito sa problema ko. Baka marindi ka na sa akin at iwanan mo ako. Ikaw na lang ang meron ako, James."
Hirap mang sabihin dahil sa pag-iyak ko pero nagawa kong sabihin. Lalo akong naiyak nang yakapin niya ako. Naipit ang braso ko sa pagitan naming dahil sa nakatakip kong mukha. Niyakap ko siya pabalik. Naramdaman kong nababasa ang balikat ko at kasabay noon ang pagkarinig ko ng pag-singhot.
Titignan ko sana ang mukha niya pero mas lalo niyang hinigpitan ang yakap niya sa akin.
"Don't."
Napapikit ako nang mariin nang narinig ko ang panginginig ng boses niya.
"Hindi lang ikaw, Princess. Ako din. Para akong walang problema diba? Hindi halatang durog ako. Hindi halatang nasasaktan ako. Lahat tayo nasasaktan, Princess. 'Wag kang ganyan. Tayo nalang ang nakakaintindi sa isa't isa. 'Wag na 'wag mong itatago sa akin ang nararamdaman mo. Kaya nga ako tinawag na kaibigan."
BINABASA MO ANG
You're Just My Toy
Teen Fiction[COMPLETED] "Sometimes, your real savior is just there. You're just too blinded by your own version of your Prince Charming." A story where a princess thought she could trust everyone including her prince, but in reality, he would be one of the reas...