Thirty-six
It's February. Malapit na kaming grumaduate. Ilang schools na rin ang napili namin at kumuha ng entrance exams, ngayon ay naghihintay na lang kami ng results.
Dalawang buwan na kami ni James. Noong Valentine's Day ay sinurprise niya ako ng dinner sa may garden ko. Siya ang nagplano at nag-ayos. Masaya ako noong gabing iyon at masaya akong kasa-kasama siya.
Kung tatanungin kung ano ang nararamdaman ko para sa kanya ay hindi ko pa alam. Basta ang alam ko lang ay hindi ko pa ito matatawag na pagmamahal. Gusto kong ibuhos lahat ng pagmamahal na kaya kong ibigay sa kanya pero natatakot ako. Natatakot ako na baka masaktan lang ulit ako kapag ginawa ko iyon.
Pagtapak na pagtapak ko ng school ay nakarinig na ako ng bulung-bulungan sa bawat madadaanan kong estudyante. Kumunot ang noo ko nang halos hindi ko marinig ang pinagbubulungan nila habang nakatingin sa akin. Ang iba ay umiiling pa at nag-iiwas ng tingin kapag nakakasalubong ko ang tingin nila.
I decided to go to garden for a while since I'm too early for class. Maganda rin doon para wala gaanong tao para hindi ko makita ang nakakairita nilang bulung-bulungan. Halos madapa ako nang may humablot ng braso ko.
Galit ko itong nilingon at binawi ang kamay ko. I arched my brow.
"Anong problema mo?
"Living under the same roof, huh?"
"What the hell are you talking about?" nagtitimpi kong sabi.
She was just glaring at me. Her hands were curled into a fist na parang anytime ay sasakyan niay ako. Ni hindi man lang ako nakaramdam ng takot. Tinitigan ko siya nang masama.
"Hypocrite! Ang lakas ng loob mong sabihan akong malandi pero malandi ka rin pala!"
Napaatras ako sa sinabi niya. Ako? Malandi?
"What the fuck?"
"Don't act so innocent!" sigaw niya sa mukha ko bago nag-martsa palayo sa akin.
Imbis na habulin ay tinalikuran ko rin siya at padarag na nagtuloy sa garden. Living under the same roof? Was she talking about James? Malandi? At bakit ako naging malandi, kung ganoon? Siya ang malandi!
Umupo ako sa bench at pinasak ang earphone sa tainga. Baka sakaling mawala ang pagkairitable ko at ma-relax. Nanginig ang phone ko at agad ko itong tinignan.
Wreakcess, are you okay? 'Wag kang magpapaapekto sa sinasabi nila ah? I'm always here for you if you need me.
From: Bitchnie
Sa inis ko ay tinawagan ko na siya. Agad niya itong sinagot.
"What are you talking about?"
"What?" confused niyang tanong. "Hindi mo pa alam? Kalat na kalat na sa buong school. Oh, wait. Where are you? I'll come to you."
I sighed, "Ano ka ba,Bitchnie. Hindi na ako bata para puntahan mo pa. I can handle myself."
"No, it's okay. Is this just a rumour, then? Naka-post siya dito sa bulletin and I think may nag-post din sa buong school kaya usap-usapan ka ngayo—"
Pinutol ko na ang tawag at dali-daling tumakbo papunta sa bulletin. Halos maubusan ako ng hininga nang makarating doon. Medyo maraming tao at ramdam ko rin ang mata ng karamihan na nasa akin.
Hinabol ko ang hininga habang naglalakad palapit sa nakita kong si Bitchnie na hawak ang phone at sinusubukan akong tawagan ulit. Nanlaki ang mata niya nang nakita ako.
BINABASA MO ANG
You're Just My Toy
Teen Fiction[COMPLETED] "Sometimes, your real savior is just there. You're just too blinded by your own version of your Prince Charming." A story where a princess thought she could trust everyone including her prince, but in reality, he would be one of the reas...