Nine
"Hey. Let's go there," sabi niya sabay turo habang nakangiti nang nakakaloko. Pagkalingon ko ay nakakita ako ng haunted house but this time, Egyptian ang theme niya. Sinamaan ko siya ng tingin. "Joke lang. 'Wag kang masyadong nagagalit, ang cute mo masyado."
Namula ang pisngi ko sa sinabi niya at umiwas na lang ng tingin. "Tara, lakad-lakad muna tayo," yaya ko sa kanya. Tumango siya at tumalon ang puso ko nang hawakan niya ang kamay ko. Sinubukan kong tingnan siya pero nakangiti lang ang gago habang nakatingin sa malayo. Napangiti rin tuloy ako.
Naglakad kami hanggang sa nandon na kami sa outdoor rides. Una kong napansin ay yung Wild River. May maliit na boat na good for three persons na aakyat ng tulay at kapag bumagsak pababa ay malakas na mags-splash ang tubig.
"Wild River?"
Bigla siyang naubo. Tumawa ako habang hinahagod ang likod niya. Kinamot niya ang ulo niya pagkatapos. "O-Okay. Sure."
Tawa ako nang tawa dahil sa iritable niyang itsura. Nabasa kasi yung pants niya tho sa babang part lang naman at hindi lahat nabasa. Bumili pa ulit tuloy siya ng damit. Arte talaga nito.
"All two na!"
"All two?" tanong niya.
"Oo, kanina sa Anchors away may one point ka pati sa haunted house. Ako naman e sa bump car at wild river," I chuckled as I flipped my hair that made him laugh.
"Ganoon pala ah. Game ako dyan kala mo!"
Napagpasyahan namin dalawa na sumakay sa Roller Coaster. Sa aming dalawa siya ang mas kabado at mas takot. Nakakangiti pa ko kahit kabado habang siya ang putla na ng mukha.
Nilingon ko siya sa tabi ko na mahigpit ang kapit sa lock na nakayakap sa katawan namin. "Okay ka lang?"
"Yep. Tryin' to be," he chuckled nervously. "Can I hold your hand?"
Hinawakan ko ang kamay niya at halos mapaso ako sa lamig. He squeezed it hard as the ride started to move.
Natapos yung ride ng halos wala akong boses. Tili kasi ako nang tili. Zymon was not talking the whole ride but he held my hand real tight na nagkaron ng mark after. Kanina pa kami nandito sa labas at kanina pa rin walang siyang imik. I'm actually worried about him.
Nanlaki ang mata ko nang bigla siyang sumuka. Kaya pala kanina pa siya walang imik! Hinagod ko ang likod niya habang sumusuka siya. Nagpaalam ako sandali at binilhan siya ng tubig na agad niyang ininom pagbalik ko.
"Zymon oh, Pasensya ka na ah? Next time sabihin mo kapag di mo talaga kaya. Pwede naman na hindi na lang natin sakya—"
"Bakit ka ba ganyan?" sigaw niya sa akin.
"Huh? Anong bakit ako ganito?"
Bakit? Anong bakit? Wala naman akong ginagawa eh.
"Dapat ngayon tinatawanan mo ko, hindi pinaiinom ng tubig. Dapat ngayon gumaganti ka sakin dahil sa ginawa ko sayo kanina nung sumuka ka. Bakit ka ganyan?"
Hindi ako nakapagsalita sa sinabi niya at tinitigan lang siya sa mukha. Seryoso yung mukha niya at ngayon ko lang siya natignan ng ganito katagal. Hinawakan niya ang kamay ko at hinila paalis.
"Tss. Lika na nga dahil diyan sa ginagawa mo.. pinahihirapan mo ko lalo."
P R I N C E
Ramdam ko ang paninikip ng dibdib ko sa kagustuhang halikan siya ulit. Ang lambot ng kamay niya. Kaya kahit hindi naman dapat ay gustung-gusto ko hawakan ang kamay niya. Nahihirapan ako. Ang inosente ng itsura niya at halos lahat ng ginagawa niya ay ang cute-cute niya. Di ko na alam!
Inaabutan na kami ngayon ng jacket para sa pagpasok namin sa Snow World. Nilingon ko siya at mukhang excited na siyang pumasok sa loob. Ang hirap magpigil ng ngiti kapag kasama siya.
"Masarap ba sa loob? Parang malaking ref, ganon?"
I chuckled. "Oo, parang ganon. At isa kang malaking meat."
Inirapan niya na naman ako pero nakangiti na siya ngayon. Kumapit siya sa balikat ko nang buksan na nila yung pinto.
"Mas malamig dito kaysa sa ref e," bulong niya sakin. Sabay kaming tumawa at mas naramdaman ko ang higpit ng hawak niya sa braso ko. "Don tayo sa slide! Dali!" Hinila niya ko at excited na naglakad papunta sa slide. Gusto niyang tumakbo pero delikado. Baka madulas pa kami.
Tawa siya nang tawa habang nagpapadulas at ako naman ay tawa nang tawa kasi ang cute niya. Matapos nang ilang ulit sa slide ay nilibot namin ang Snow World. Kumuha ng mga litrato. Nag-umpisa na kong lamigin at tingin ko ay ganon rin siya. Inabot ko ang kamay niya habang naglalakad kami.
"Bakit?"
"Huh?"
"Bakit mo hinahawakan ang kamay ko?" Tanong niya habang seryosong nakatingin sa akin.
Tinitigan ko siya sa mata. Pinagmasdan ko ang haba ng pilik-mata at kurba ng kilay niya. Ngumiti ako. "Kasi gusto ko." Umirap siya. Naglakad ako palayo habang hawak ko ang kamay niya. "Kasi gusto kita."
Lumingon ako sa kanya pero mukhang di niya ko narinig. Seryoso lang ang mukha niya habang pinagmamasdan ang paligid. Pumasok ako sa parang cave na medyo makipot at mahaba na gawa rin sa yelo.
"Dito tayo. Ang lamig na."
Umupo kaming dalawa habang siya ay nilabas ang phone niya at kumuha ng litrato naming dalawa. Pagtapos nun ay kinalikot niya ang phone niya at pinanood ko lang siya.
"Zymon?"
"Hmm?"
"Anong ginagawa natin?" Hindi pa rin niya ko nililingon. Hindi rin ako sumagot.
Finally, inangat niya ang tingin niya sa akin at tinitigan ako. Her eyes are so beautiful. Kayang-kaya kong tignan sila at hinding-hindi ako magsasawa.
"Pwede bang manligaw?"
Ramdam ko ang pagwawala ng puso ko, pag-ikot ng sikmura ko, at pagkahilo sa binitiwan kong salita. Nang makita ko ang pamumula ng pisngi niya at panlalaki ng mata sa gulat ay lalong lumala ang pagwawala ng tigre sa tiyan ko.
"Sure."
Unti-unting gumuhit ang ngiti sa labi niya at ganon rin ako.
BINABASA MO ANG
You're Just My Toy
Novela Juvenil[COMPLETED] "Sometimes, your real savior is just there. You're just too blinded by your own version of your Prince Charming." A story where a princess thought she could trust everyone including her prince, but in reality, he would be one of the reas...