Thirty-one
Alas sais na pero hindi ako nakakaramdam ng kahit na anong gutom pag-uwi ko ng bahay.
Pagkapasok na pagkapasok ko sa kwarto ko ay umiyak na ako nang tuluyan. Pagod na pagod na ako! Kailan ba ako titigil sa pag-ngawa? Naiirita na ako!
Humiga ako sa kama. Pinakawalan ko ang mga hikbi ko at umiyak nang malakas. Para akong bata sa sobrang lakas ng iyak ko. Narinig ko ang pagkatok sa labas ng pintuan.
"Princess?" Rinig kong sabi ni Ate Riza.
"Princess, ayos ka lang ba?" sabi ni Ate Salie.
"Sino umaway sa'yo?" "Resbakan natin, gusto mo?" sabay na sabi ng kambal.
"Princess, kumain ka na muna. Alas otso na at kanina ka pa nandiyan. Wala pa si Jayden, nag-away ba kayo?" tanong ni Manang.
Wala pa si Jayden? Ala-sais ako nakauwi at alas otso na pero bakit wala pa rin siya? Iniwan niya na din ba ako? Napaiyak ako sa naisip ko. Mukha akong tanga! Umiiyak akong tumayo at tumigil sa tapat ng pintuan ko. Hindi ko ito binubuksan.
"Iwa—Iwanan niyo na po muna ako. Gusto kong mapag-isa."
Natahimik sila sandali pero alam kong nasa labas pa rin sila.
"Please."
Matapos iyon ay narinig ko ang yapak nilang unti-unting humihina hanggang sa naramdaman kong wala nang tao sa labas. Napaupo ako sa lapag.
Iniwan na ba ko ni James? Lalong lumakas ang pag-iyak ko. Sinubsob ako ang mukha ko sa tuhod ko at umiyak. So? Ano naman kung iwan niya ako? Wala naman siyang obligasyon sa akin. Pasakit at pabigat lang ako sa problema niya. Sobrang hina at clingy ko na ayaw kong maiwang mag-isa. Tang ina, Princess!
Nataranta ako sa sunod-sunod na katok sa pintuan.
"Ate? Ate? Ayos ka lang ba? Buksan mo naman 'tong pinto oh. Ate?"
Ang nag-aalalang boses ng kapatid ko ay nagpainit sa durog kong puso. I cleared my throat.
"Y-yes, okay lang ako. Mag-ayos ka na ng sarili mo. Hayaan mo muna ako, may ginagawa ako. Pumunta ka na sa kwarto mo."
Pilit kong itinatago ang hikbi ko. Tuloy pa rin sa pag-agos ang luha ko. Ito na yata ang bagong talent ko. Not letting everyone notice you are crying while talking to them.
"Ate.."
"Please, Earl. Leave me alone."
"Pero—"
"EARL! 'Wag... nang matigas ang ulo. Sige na."
Tumayo ako at sinarado ang latch ng pinto dahil alam kong may susi sila ng kwarto ko. Kaya nilang buksan ang door knob. Agad akong tumakbo sa kama at nagtakip ng kumot. Niyakap ko nang mahigpit ang unan ko at tahimik na umiyak.
Ngayon ko lang nalabas ang lahat. Pinakawalan ko ang lahat. Lahat ng sakit kaya hindi maipagkakailang malakas ang hagulgol ko kahit anong takip ko sa aking bibig. Siniksik ko ang mukha ko sa unan para mabawasan ang ingay pero para sa akin hindi. Basag na basag ang boses ko sa aking tenga.
Ang sakit sakit na ng dibdib ko. Hindi na ako makahinga nang maayos at kailangan ko ng tubig. Tinignan ko ang orasan sa cellphone ko at alas nwebe na. Nakita kong may ilang mensahe kaya binuksan ko ito.
Are you okay, Wreakcess? I hope you are.
From: Bitchnie
Tinignan ko kung anong oras ang text pero kanina pa pa lang alasais iyon. I've been crying for hours, for Pete's sake!
BINABASA MO ANG
You're Just My Toy
Fiksi Remaja[COMPLETED] "Sometimes, your real savior is just there. You're just too blinded by your own version of your Prince Charming." A story where a princess thought she could trust everyone including her prince, but in reality, he would be one of the reas...