Twenty-nine
Napagpasyahan kong i-dedicate sa kanya ang chapter na 'to. Sana mapasaya kita dito (kahit kaunti), dahil napapasaya mo rin ako sa mahahaba mong comments :)
-
Linggo na ngayon. Ang pambubugbog ko ay nangyari noong Biyernes lang. At kahapon... kahapon sobrang daming nangyari.
Alas syete na ng umaga at nandito pa rin ako sa terrace ng bahay ko. Natutulog pa silang lahat at ako pa lang ang gising.
Ramdam ko ang paghampas ng hangin sa mukha ko. Hindi ako nakatulog kakaiyak at sigurado akong namamaga ang mga mata ko. Hindi ko kinaya ang mga nangyari at buong gabi akong umiiyak. Mahapdi sa mata, masakit sa puso.
Pansamantala na dito tumitira si James. Ni-request ko kasi sa kanya at pumayag naman siya. Gusto kong parati ko siyang kasama dahil pakiramdam ko nag-iisa lang ako kapag wala siya. Okay din kami ni Stephanie. Nagtatarayan pero ganoon kaming dalawa sa isa't isa. Unti-unti kaming nagiging close at masaya naman ako dahil may kaibigan ako.
Sumandal ako paabante para silipin ang ibabang bahagi at nakita ko ang malinis na tubig ng pool namin. Tumalon kaya ako mula rito? Napatalon ako sa gulat at napahawak sa dibdib ko nang bumukas ng malakas ang pintuan ng terrace.
J A Y D E N
Pagkadilat ng mata ko ay tumakbo kaagad ako sa banyo para maghilamos at mag-tooth brush. Pagkalabas ko ng banyo ay alas syete pa lang ng umaga. Walang pasok ngayon dahil linggo at maaga pa para sa amin ang ganitong oras.
Biglang pumasok sa isip ko si Princess. Kitang-kita ko kung gaano siya nasaktan sa mga nangyari kahapon. Masyadong maraming nangyari.
Nalaman ko rin ang ginawa niya kina Prince at Lorayne. Siguro sa sobrang galit niya ay nagawa niya iyon. Pero ang kinagulat ko ay ang pagkakaroon ng pasa ni Prince sa mukha at ang ilong niyang may band aid. Hindi ko alam na ganoon kalakas si Princess para magawa niya 'yun. Dala siguro ng galit.
Agad akong tumakbo papunta sa kwarto niya para tignan kung ayos lang siya. Kumatok ako pero walang sumasagot kaya inikot ko ang door knob at bukas naman. Natakot ako nang wala siya sa kama niyang ayos.
Pumasok ako sa banyo sa kwarto niya pero wala pa rin siya. Natatakot ako dahil baka kung ano na ang ginawa niya. Alam kong sobrang lungkot na niya pero nagpapakatatag siya dahil na rin sa akin, dahil pinagkakatiwalaan ko siya. Natatakot ako dahil baka sumuko na siya at—AH! Think positive!
Agad akong tumakbo pababa at hinanap siya sa sala—WALA. Tumakbo ako sa kusina at wala rin siya doon. Pumunta na rin ako sa garden pero wala rin! Sobra na ang kabog ng dibdib ko.
Pumunta ako sa swimming pool nila pero wala rin. Bumalik ulit ako sa kwarto niya pero wala pa rin. Napaupo ako sa kama niya habang hawak-hawak ang ulo. Hanggang sa may pumasok sa isip ko at agad akong tumakbo paakyat sa terrace nila. Sa sobrang taranta ko nasipa ko ang pintuan at nakita ko si Princess sa may terrace.
"PRINCESS!" Tumakbo ako palapit sa kanya. Niyakap ko siya at nilayo sa bukana ng terrace. "'Wag, 'wag," bulong ko habang yakap-yakap ko siya.
Naramdaman ko ang kamay niya sa likod ko.
"Salamat, James," rinig kong bulong niya.
Ilang segundo kaming natahimik at magkayakap pa rin kami. Narinig ko ang mahina niyang pagtawa..
"Kung.. kung hindi ka siguro dumating. Baka tumalon na ako."
Nanginig ang boses niya. Alam kong naiiyak siya, alam ko. Lalo kong hinigpitan ang yakap ko sa kanya at umiling.
BINABASA MO ANG
You're Just My Toy
Teen Fiction[COMPLETED] "Sometimes, your real savior is just there. You're just too blinded by your own version of your Prince Charming." A story where a princess thought she could trust everyone including her prince, but in reality, he would be one of the reas...