Thirty-seven
Nang mag-uwian ay mabilis kong inayos ang gamit ko at kumaripas ng takbo palabas ng room. Hindi pa rin ako nakaligtas sa mapanghusgang mata ng tao sa school. Nadaanan ko ang bulletin na ngayon ay wala na ang mga litrato at masasakit na salitang nabasa ko kanina.
Nang makarating ako sa gate ay humilig ako sa puno at nag-type ng message para kay Bitchnie.
Mamimili tayo, right? Bilisan mo. Gilitan kita e. :)
To: Bitchnie
Ilang minuto pa akong naghintay bago ko nakitang tumatakbo si Bitchnie. Hinanap niya pa ako at kumaway ako para makita niya. Nang makalapit siya sa akin ay humawak siya sa braso ko at lumanghap ng hangin.
"My legs hurt like hell! I hate it when you threaten me!" sigaw.
Natawa ako sa expression at pag-iinarte niya. Pinasadahan ko ng daliri ang buhok niya para ayusin.
"Let's go?"
"Sure!"
Pinauwi niya ang driver matapos kaming ihatid pero naiwan ang sasakyan. Gusto niya raw kasi na siya nalang uuwi mag-isa mamaya at magmamaneho. Wala namang angal si Manong.
Nang mamili kami ay halos malula ako sa paggastos niya. Kapag bumili siya ng dress ay meron rin ako. Mula ulo hanggang paa na pwedeng isuot ay bumili siya. Kailangan daw kung anong meron siya ay meron din ako. Bumili rin siya ng mamahaling bracelet, kahit na ang design lang naman ay maliit na puso sa gitna ng manipis na purselas, para sa aming dalawa.
Nang kumakain kami sa isang fast food restaurant, na pinag-awayan pa namin dahil gusto niyang kumain sa isang sikat na restaurant na alam kong mahal, ay tumunog ang phone niya. Nagtuloy lang ako sa pagkain habang sinagot niya ito.
"Hello? Ah, yes po... Okay. Papunta na po... Sige po. Bye, Dad."
Dali dali niyang binaba ang tawag at natulala sa akin. Maya-maya ay inabot niya ang kamay ko para iwasiwas iyon at tsaka impit na tumili. Humawak siya sa kanyang dibdib.
"Wreakcess! Pray for me, huh? Pinapauwi na ako ni Dad at mukhang galit siya. Nakakatakot magalit iyon! Wait! Paano na 'yan, hindi na kita mahahatid? Kailangan ko nang pumunta dun. Kinakabahan ako, Wreakcess. My God!"
Halos tumayo na siya sa upuan sa sobrang pagkataranta. Tinampal ko ang braso niya.
"Huminahon ka nga! Relax lang, okay? 'Wag kang nagmamaneho kapag kinakabahan ka. Mamaya pa niyang maaksidente ka eh. Tatawag na lang ako ng taxi. Take care, okay? Sige na. Go na," ngiti ko.
Kumurap siya. Pinitik ko ang noo niya at agad naman siyang nag-react. Tumawa ako.
"Dahil makulit ka ay ayaw mo maniwala... dalhin mo ang bag ko pati na ang mga damit na binili mo para sa akin. Dalhin mo bukas sa bahay, ha? Umaga. Sige. Ingat, Bitchnie!"
Para hindi siya makaangal ay hinalikan ko ang pisngi niya at lumabas na ng fastfood. Dala ko naman ang coin purse ko kaya makakauwi ako na walang problema. Nagpalipas muna ako ng oras sa mall.
Ayoko muna umuwi ng bahay dahil mag-isa lang ako doon. Wala namang naghihintay sa akin at wala naman akong aabutan pag-uwi. Ayos lang kahit medyo magtagal pa ako.
Tumambay ako sa isang book store. Masyado akong nalunod sa pagbabasa at inabot ako ng alas siete ng gabi. Kumakalam na rin ang sikmura ko. Ni hindi ko rin kasi masyado nagalaw yung kinain namin kanina ni Bitchnie.
Paglabas ko ng mall ay malakas ang buhos ng ulan. Naglakad ako sa terminal ng jeep dahil masyadong mahal ang taxi.
Pinanood ko ang pagbagsak ng mga ulan galing sa langit. Hindi na rin siguro nakayanan ng langit ang lungkot kaya binagsak niya nang sobrang lakas ang luha niya, ano? Bigo rin ba siya kagaya ko?
BINABASA MO ANG
You're Just My Toy
Teen Fiction[COMPLETED] "Sometimes, your real savior is just there. You're just too blinded by your own version of your Prince Charming." A story where a princess thought she could trust everyone including her prince, but in reality, he would be one of the reas...