Forty-nine

3.9K 60 8
                                    

Forty-nine

Naghanda si Kisa ng surprise birthday party para sa akin nang ihatid niya ako pauwi. Sa bahay niya mismo iyon ginawa at nandon lahat ng kaibigan ko, especially Bitchnie. Pinagpalit niya ako sa isang white tube dress with a pencil cut at inayusan niya rin ako.

Sinabihan na rin ako ni Lorayne na nandito rin si Rio at sinabihan ako to behave. Kung behave naman siya ay behave rin naman ako. Matapos nila akong ayusan ay bumaba na kami.

As usual, para na namang linta kung makadikit si Rio kay Kisa. Nakaupo lang ako at tinitignan sila sa malayo. Nakasimangot na si Kisa at pilit na iniiwas ang tingin kay Rio.

Hindi na ako nakapagpigil at lumapit na ako sa kanila. Since si Kisa ang nakaharap sa way ko, ay nakita niya ako kaagad at nanlaki ang mata niya. Tumigil ako sa likod ni Rio na nakatalikod pa rin sa akin. Kinalabit ko siya at humalukipkip. Mas matangkad pa rin ako sa kanya kahit hindi ako naka-heels. Inis siyang humarap sa akin pero agad ding namutla nang nakita ako. Napaatras siya kaya naapakan niya ang paa ni Kisa.

"AW!"

Naka-stilettos siya kaya namilipit sa sakit si Kisa. Lalapitan sana niya si Kisa pero hinablot ko ang braso niya at hinarap sa akin. Tinignan ko siya nang masama at nilapit ang mukha niya sa mukha ko. Nanlalaki ang mata niya at namumutla.

Hindi ko maipagkakailang mahigpit ang hawak ko sa braso niya sa sobrang pagtitimpi ko. Hanggat maaari nga ay ayaw ko siyang hawakan dahil masasaktan ko siya. Pero anong nangyari ngayon? Ito at hawak ko ang braso niya.

"What the hell are you doing here? Are you even invited?" seryoso kong tanong.

"A–"

"Do you even know that today is my birthday?"

"L-Let me go. N-Nasasaktan na ako."

Hindi ko pinansin ang sinabi niya at mas lalo ko pang nilapit ang mukha ko sa kanya. Napapaatras siya pero dahil hawak ko ang braso niya ay wala siyang kawala.

"You really want to ruin my day, don't you?"

"W-What? O-Of course, no–"

"FINE!"

Napatalon siya sa pagsigaw ko. Ngayon ko lang napansin na natigil pala ang tugtog at lahat nakatingin sa amin. Takot sila. Takot lumapit. Takot sila sa akin dahil alam kong alam nila ang mga balita kapag may nakakaaway ako.

"You won! You won, Rio!" mariin kong sabi.

Unti-unting bumabaon ang kuko ko sa braso niya. Para na siyang iiyak.

"I-I don't know what you are saying. Let me go. J-James, she's hurting m–"

Napisil ko nang madiin ang braso niya. Sumigaw ako sa sobrang inis. Binitawan ko nang malakas ang braso niya kaya napaupo siya habang ako ay hinahabol ang hininga. Bigla naman siyang nilapitan ni Prince para itayo pero nanatili siya sa lapag at tinignan ako nang masama.

Tumalikod ako para sumagap ng hangin. Nahagip ng tingin ko si Lorayne na nakanganga sa akin at si Bitchnie na umiiling.

Yes, Bitchnie. I'm being a bitch again.

Humarap ulit ako kay Rio pero hinihigit niya si Kisa para itayo siya. What the– UGH! Tinignan ko nang masama si Kisa at nakatingin pala siya sa akin. Tinuro ko siya.

"Don't... don't you dare," babala ko.

Napalingon sa akin si Rio na masama ang tingin. Tutusukin ko 'yang mata mo!

"How dare you! Kung makautos ka akala mo kung sino ka–"

Kumulo ang dugo ko at halos sugurin ko na siya at ibaon sa lupang kinauupuan niya.

You're Just My ToyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon