Eight

6.3K 80 2
                                    

Eight

P  R  I  N  C  E  S  S

Sabado na ngayon. Ilang araw na ang lumipas simula nang mangyari ang away namin ni Stephanie. Mas lalo kaming naging close ni Zymon simula noong nag-open siya sakin kaya mas lalo rin lumalalim ang nararamdaman ko sa kanya.

Sila Lory at James naman mas naging close na rin. Hindi naman ako inaaway ni Stephanie. Kapag nakikita ko siya iirapan niya lang ako sabay bubulong ng: May araw ka rin sakin

Kailan naman kaya 'yon?

"Hay nako, Ate! Ewan ko sayo! Kanina pa 'ko dada nang dada dito hindi ka naman nakikinig sakin! Ewan ko sayo! Ang panget ng kwarto mo parang ikaw!" Sigaw ng kapatid kong si Earl sa akin sabay baba sa kama ko at dinilaan ako.

"Ewan ko sayo, Gloria!" Irap ko.

Alam niyo bakit Gloria? Kasi may nunal 'yun sa gilid ng ilong. Hindi naman 'yung ganun kalaki, maliit lang pero asar siya dun. 

Binagsak niya nang malakas ang pinto ko na halos manginig ang dingding. May balak ba siyang sirain 'yung pinto ko?

'Yong problema ko ay si Zymon. Diba sabi niya tatawagan niya ko kung kailan yung alis namin? Ginawa ko yatang big deal 'yun sakin. Siguro kasi may nararamdaman na ko sa kanya. 'Di pa niya ko kino-contact eh. Hindi din ako makatulog kasi iniisip ko 'yung date namin.

Nag-open ako ng Facebook. Sakto bukas siya!

Hi :)

I messaged him but- what?

Saktong pag-enter ko bigla siyang nag-log out! Iniiwasan niya ba ko?

"Give me an 'OH YEAH!" 

Napalingon ako sa phone ko nang biglang tumunog.  

"Hello?"

"Yvonne?"

Napabalikwas ako ng upo sa kama ko nang marinig ko ang boses niya sa kabilang linya. "Zymon?"

"Oo ako nga." Narinig kong tumawa siya nang mahina.

"Bakit ka napatawag?" Tanong ko habang kagat ang labi para pigilan ang pag-ngiti. Sinapo ko ang dibdib kong lalabas yata ang puso sa sobrang kabog.

"Mag-ayos ka na kaya."

"Bakit naman?" Sige, Princess. Laro tayong tanga-tangahan. Magandang laro 'yon!

"Alis na tayo!" tawa niya.

"Ha? Date? Ngayon? Talaga?" Sunud-sunod kong tanong. Hindi ko na napigilan ang ngiti na umusbong sa mukha ko.

"Oo, ayaw mo ba?" Humiga ako sa kama at kinagat ang daliri para mapigilan ang pagtili. Parang sumakit ang tiyan ko sa pamimilipit na ginawa ko sa kama. "Huy, Yvonne? Nandyan ka pa ba?"

Umubo ako. "Y—Yeah. Sige. Anong oras? Saan?" 

"Nope. Sunduin na lang kita."

Bigla akong kinabahan. Si Papa!

"Hindi. Ano, 'wag. Uhm. Kita nalang tayo sa school."

"Huh? Why?"

"Wala, sige na please?" Pilit ko sa kanya habang nakapikit at naka-cross fingers

"Okay, sige. Hintaying kita ha. One o'clock. Ingat."

Nakahinga ako nang maluwag sa sagot niya. "Sige. See you."

Nabuhayan ako ng dugo nung narinig ko yun. Bumalik 'yung sigla ko! Wait, anong idadahilan ko kay Papa? Tiyak tatanungin ako nun kung saan ako pupunta. AH! Sasabihin ko pupunta ako kila Lory. Tama! T-text ko muna si Lory.

You're Just My ToyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon