Forty
P R I N C E S S
Huminga ako nang malalim. Sumabog sa mukha ko ang mainit na hangin ng Pilipinas.
I've changed. Pinanindigan ko yata ang tawag nila sa aking Model-Hoe. I flirted with every guy who showed interest towards me. Guys who don't want anything but fun—kissing. Kaya rin siguro ako pinatapon rito ni Sir Ronald para kumalma ang lumalalang issue ko sa London.
Ayokong bumalik sa dati. Ayokong bumalik sa iyaking ako. Ayokong bumalik sa iniwang ako. Ayokong bumalik sa kawawang ako. This is me now. Matatag, at sa tingin ko ay mas malakas. Sana lang hanggang sa huli hindi ako bumigay... lalo na kapag nakita ko siya.
Pumara na ako ng taxi sa labas ng airport. Tinulungan ako ni Manong na ilagay ang maleta ko sa compartment ng taxi niya. I could buy new clothes kaya hindi ko na dinala pa ang iba kong mga gamit.
"Manong Andrew?"
Nagulat siya at nilingon ako sa back seat. I smiled.
"Princess? Aba. Ang ganda mo na ngayon, hija. Kumusta ka na? Mukhang balik-bayan ka ah," ngiti niya.
I chuckled.
"Salamat po. Okay lang naman po ako. Sa ibang bansa po kasi ako nag-aral eh. Ngayon lang po ulit nakabalik."
Matapos noonn nagkwentuhan kami hanggang sa maihatid na niya ako sa tapat ng bahay ko. Nagpasalamat ako sa kanya at nagbigay ng sobra. Naglakad na ako papasok sa bahay hawak ang susi na limang taon kong hindi nagamit.
Nang sumalubong sa akin ang malaking picture ko pagbukas ko ng pinto ay may kung anong init ang humaplos sa puso ko. My home. This is my home. Napangiti ako.
Napalingon ako nang may tumawag sa akin at nakita ko si Ate Salie na gulat na gulat habang nagpupunas ng flower vase. Nakangiti akong tumango. Tumili siya at tumakbo papunta sa akin para yakapin ako. Muntikan na kaming matumba sa pwersa at mabuti ay naalalayan ko. Natawa ako habang yakap niya. Tumatalong-talon siya sa tuwa at ganoon rin ako.
Hindi ko alam na ganito ang mararamdaman ko pag-uwi ko rito. Akala ko puro sakit at stress lang ang mapapala ko. Nakalimutan kong dito pala ako nakatira, I belong here.
Maya-maya ay sumali na rin sa yakapan sila Manang at mga anak niya. Hindi matanggal ang ngiti ko sa labi na halos mangawit na ang panga ko. Matapos ng tanungan at kwentuhan ay pinakawalanan na nila ako. Noong una ay ayaw pa nila pero sabi ni Manang na kailangan ko ng pahinga.
Dumiretso ako sa kwarto ko. Bumigat ang paghinga ko nang may kung anong mga alaala ang inatake ako. Dumiretso ako sa kama at humiga.
"Hello, Bitchnie," sagot ko sa tawag niya.
Tumili siya kaya nilayo ko sa tenga ko ang phone.
"May balak ka bang basagin ang ear drums ko, Stephanie?" I chuckled.
"Princess! Wreakcess! Okay na kami ng parents ko!" sigaw niya.
Nangiti akong muli sa sinabi niya. Alam kong noon niya pa bitbit ang bagaheng iyon sa mga magulang niya at masaya akong ayos na sila. Masaya ako na masaya siya.
"That's good!"
"I know right! I just called to say that because I'm so happy."
I heard her voice broke.
"Shit. I'm crying," she laughs. "Thank you, love. I have to hang up. We have so much to catch up."
"No problem, baby. Enjoy."
BINABASA MO ANG
You're Just My Toy
Teen Fiction[COMPLETED] "Sometimes, your real savior is just there. You're just too blinded by your own version of your Prince Charming." A story where a princess thought she could trust everyone including her prince, but in reality, he would be one of the reas...