Forty-seven

4K 56 6
                                    

Forty-seven

"What is the meaning of this?!"

Napamulat ako nang may sumigaw at sumunod ay nakakrinding tili. Sumalubong sa akin si Jade na nanlalaki ang mata sa aming dalawa at parang isang pitik na lang ay magha-hyperventilate na siya.

"What are you doing here?" sabi niya sa akin. "Nagsasama na ba kayo rito?!"

Bago pa ako makasagot ay nagsisisigaw na siya at tumakbo palabas ng kwarto.

"MOM! DAD! OH MY GOD!"

Nilingon ko si Jayden na tumatawa sa ilalim ng kumot. Hinampas ko siya at lalo lang siyang natawa. Bago pa ako makatayo ay bumukas ulit ang pinto at dinalaw na ako ng kaba nang makita ko ang Mama at Papa ni Jayden na nakatingin sa amin.

Nagulat ako nang sabay ngumiti ang mag-asawa habang si Jade ay nakanganga pa rin sa aming dalawa.

"Ano, ano? May apo na ba ako? May laman na ba ang tiyan mo, anak?" sabi ng Mama ni Jayden sa akin.

Ngumiti lang ako sa kanya habang si Jayden namumula sa tabi ko. Nandito kami ngayon sa sala at ginigisa ng Mama at Papa niya. Nakaupo kami sa sofa at napapagitnaan ako ni Jayden at ng Mama niya.. Katapat namin ang Papa at si Jade.

"Ma, ano bang sinasabi mo diyan?" iritableng sabi ni Jayden. Tumawa naman ang mga magulang niya habang si Jade ay tahimik lang sa tabi. "Wala naman kaming ginawa, e. Ang OA niyo lang. Magkatabi lang naman kaming natulog. 'Yon na 'yon."

"Oh, bakit mukhang nanghihinayang ka?" tawa ni Papa.

Namumula na ako kaya yumuko ako pero hindi ko maiwasang hindi matawa.

"Papa! Teka nga, bakit ba kayo nandito? Lunes ng umaga ngayon at ang sama ng gising ko."

Mukha ngang naiirita na si Jayden dahil nakasimangot na siya. Nagtinginan ang mag-asawa at nakita ko ang paglukot ng mukha ni Jade na para bang may LBM siya. Tinignan niya ako at tinanguan.

"Uh. Princess, can we talk?"

Uh... kay. Pumasok ulit kami sa kwarto ni Jayden habang naiwan sila sa sala. Pagpasok namin ay parang walang humihinga. Hindi ako kinakabahan but I hate awkwardness. Umupo ako sa kama habang siya ay nakatayo sa pintuan at nakatingin sa sahig.

"Tititigan mo na lang ba ang sahig? Akala ko ba mag-uusap tayo?"

Hindi ko talaga mapigilang hindi siya tarayan.

"Uhm. Ano kasi..."

"Ano? Ang tagal naman."

Tumayo ako. Nataranta siya sa ginawa ko at napasigaw siya.

"I'm sorry, okay?!" sigaw niya at tinignan ako. "Tama pala ang sabi sa'yo na mainipin kang tao. Gusto ko lang naman mag-sorry sa inasal ko sa'yo. Akala ko talaga—"

"Akala mo peperahan ko lang siya?"

Kinagat niya ang labi niya at tumango. Lumapit ako sa harapan niya. Tinignan niya ako. Tinaas ko ang isa kong kilay at humalukipkip.

"Ang problema kasi sa'yo masyado kang mapangmata. 'Wag kang masyadong judgmental kasi sa lahat ng uri ng tao iyon ang pinaka-ayoko."

Tinalikuran ko na siya pero bago ako lumabas ng pinto ay nagsalita ako.

"Pasalamat ka at kapatid ka ng mahal ko kung hindi baka binasag ko na ang mukha mo. Oo na, tinatanggap ko na 'yang sorry mo."

Hinawakan ko ang door knob ng pinto pero pagbukas ko ay nagulat ako sa biglaang pagsubsub ni Mama at Papa sa lapag. Tumingin ako kay Jayden na malayo sa pinto at nagkibit-balikat lang siya. Tumawa ako at inalalayan silang tumayo.

You're Just My ToyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon