Twelve
Panibagong linggo na naman ang ipapasok ko sa school. Nandito na ako sa school at nakakapagtaka. Masyado yatang napaaga ang pagpunta ko. Sinabi kasi ni Zymon na magkikita kami bago ang bell. Napaaga nga siguro ako ng punta.
Napagpasiyahan kong pumunta na lang muna ng room. Magbabasa na lang ako o di kaya'y matutulog na lang muna, tutal maaga pa.
Habang naglalakad sa tahimik na hallway ay may narinig akong kalabog di kalayuan sa kinatatayuan ko. Tumingin ako roon at nagmasid.
"May tao ba diyan?"
Walang nagsalita. Kumabog ang dibdib ko sa takot. Hindi naman siguro multo 'yon, ano? Huminga ako ng malalim at bago pa ako makahakbang ay lumabas ang isang babae sa likod ng pintuan.
"Stephanie," bulong ko.
P R I N C E
Kanina pa kami rito sa loob ng room, naghihintay kay Yvonne. Lalo lang tumitindi ang kaba ng dibdib ko habang patagal nang patagal ang dating niya. Kinuntsaba ko pa ang mga kaklase namin para masurpresa siya pero sobrang tagal niyang dumating!
"OMG, guys! Nandyan na siya!"
Nag-panic kaming lahat sa sinabi ni Lorayne at halos lumabas na ang puso ko sa dibdib ko sa sobrang kabog nito. Kanya-kanya kaming tago sa upuan at lamesa sa room.
Walang ingay.
Walang tunog.
Walang Yvonne.
"Lorayne, I thought she was coming already?"
"I don't know. I saw her—papasok na siya rito kanina. Takot na takot nga kasi walang tao sa hallway."
"But where is she?"
"Hindi ko alam. Maghintay na lang tayo tutal mamaya pa ang bell."
Umalis siya sa pagkakatago at naglakad palapit sa pintuan para mag-look out. She's been doing that since she came here, almost an hour ago, but she didn't stop. She's dedicated to what she's doing.
Nilingon ko ang ilang kaklase ko na nagkanya-kanyang kumpol para magpahinga at mag-usap pansamantala. Napabuga na lang ako ng hininga habang tinititigan ang pinto.
P R I N C E S S
"Stephanie?"
"Hi, dear," she smiles.
Alam kong peke ang ngiti niya dahil kita sa nanlilisik niyang mata na galit na galit siya sa akin. Inayos ko ang strap ng bag ko at tumayo nang maayos.
"Ano bang ginawa ko sayo? Bakit ba galit na galit ka sakin?"
Nanlaki ang mata ko nang mabilis siyang lumapit sa akin at kinaladkad ako papunta sa kung saan. Nakalabas na kami ng building nang natanggal ko ang hawak niya sa akin. Tinignan ko ang braso ko at nakitang nag-marka ang kamay niya.
"Don't act so innocent, Princess! You stole him away from me!"
Sasagot na sana ako sa sinabi niya nang may isang timbang malamig na tubig ang sumaboy sa buong katawan ko. Napasinghap ako sa ginawa niya. Hahablutin ko na sana ang buhok niya pero nasampal na niya ako agad.
"Try to hurt me and I'll hurt your beloved best friend." Hamon niya sa akin. Nakahalukipkip na siya at nakataas ang kilay. Sinamaan ko siya ng tingin, tinitimbang kung kaya niyang gawin ang sinasabi niya. "I can make her life miserable and you know that."
I squeezed my eyes shut. Kuyom ang mga palad ko at pilit kinakalma ang sarili para hindi siya masaktan. I don't deserve this! Kasalanan ko bang gusto ko si Zymon? Kasalanan ko bang gusto niya rin ako? Oras na mahawakan ko ang isang 'to, hindi ko 'to bibitawan!
BINABASA MO ANG
You're Just My Toy
Novela Juvenil[COMPLETED] "Sometimes, your real savior is just there. You're just too blinded by your own version of your Prince Charming." A story where a princess thought she could trust everyone including her prince, but in reality, he would be one of the reas...