Two
Nagmamadali akong tumakbo papuntang classroom dahil baka nandoon na ang teacher namin. Hinihingal akong sumalampak sa pinakalikod na upuan sa huling row. Uminom muna ako ng baon kong tubig bago tinignan ang mga kaklase ko. Lahat sila may kanya-kanyang mundo. Pero halos lahat ay mag-isa lang at walang kausap dahil sa unang klase pa nga lang gaya ng katabi kong nagbabasa lang ng Paper Towns.
"Hi," ngiti ko.
Unti-unting nawala ang ngiti ko sa mukha nang tinanggal niya ang librong nakatakip sa mukha niya. Umirap ako at sumandal pabalik sa upuan, glaring at the whiteboard in the front. Bakit kaklase ko 'tong baliw na 'to. Nang kumilos siya para kausapin—slash—asarin ako, agad kong nilagay sa tenga ko ang earphones.
At dahil sa mabait siya, hinila niya ang earphone ko. Lumingon ako sa kanya, "Problema mo?"
"Gadgets are not allowed."
"So? Wala pa namang teacher. It's fine," I shoo-ed him as I put the earphone back but he tugged my hand. "Ano ba? Kanina ka pa ah!"
"You shouldn't break the rules."
"I'm the one who's breaking the rules so you shouldn't care. My your own business, kiddo."
Inirapan ko siya at bumalik sa pakikinig ng Photograph. Yumuko ako sa arm chair ko para maiwasan ang pakikipag-usap sa supladong katabi ko. Mahirap na, baka asarin na naman ako at masira ang araw ko. Bumuntong hininga ako bago pinikit ang mata.
Nagising ako nang may pumipindot sa braso ko. Sumilip ako sa braso ko at nakita ko ang nakakabwisit na lalaki na tinutusok ang braso gamit ang daliri niya. Inis akong umayos ng upo at nag-inat. Tinanggal ko na ang earphones ko ang tinago na sa bag kasama ang phone. Nangalumbaba ako at bored na tumingin sa kanya.
"Ano na naman?"
"They said the teacher is out there."
"Then?" I yawned. "You woke me up for that?"
He just looked at me like the answer was already obvious. I chuckled.
"You care then? You're not a bastard at all."
"Anong tinawag mo sakin?"
"Bakit?" taas-kilay kong sagot, "sino satin ang nanira ng araw?"
"You ruined mine too."
"You ruined mine too," I mimicked as I made faces, "whatever."
We both sat in silence habang naghihintay sa teacher. Actually, nakakaboring talaga ang first day of school. Wala naman kayong ibang gagawin kung hindi magpakilala at mag-ayos ng seating arrangement.
"By the way," bigla niyang sabi. Tinitigan ko lang siya. "What's your name? I'm Prince."
Medyo nanlaki ang mata ko nang ngumiti siya ng kaunti. Taray, mas pogi pala siya pag naka-smile eh. May problema kaya 'to sa buhay kaya parating nakasimangot? Nang mag-sink in sa utak ko ang pangalan niya, bigla akong namula. What the heck?
"You won't give your name?"
"Eh. Um, Princess," sagot ko at tumingin sa board.
"Cute."
"Was that sarcastic or—"
He chuckled then extended his hand, "Nice to meet you."
Tinaasan ko siya ng kilay. Medyo nilakihan niya ang ngiti niya at dumaan ang mata ko sa mukha niya papunta sa kamay. Imbis na kunin iyon, sinara ko ang kamay ko at nakipag-bro fist sa kanya.
"Sure, bro."
Tumawa naman ang gago. Infairness, ang cute niya.
BINABASA MO ANG
You're Just My Toy
Teen Fiction[COMPLETED] "Sometimes, your real savior is just there. You're just too blinded by your own version of your Prince Charming." A story where a princess thought she could trust everyone including her prince, but in reality, he would be one of the reas...