Twenty-eight
"Ano ba?!"
Katatapos lang ng Filipino namin at break na. Nauna akong lumabas ng room kay Ms. Rala. Bwisit na bwisit ako sa pagmumukha ni Loryane at Prince na gusto ko silang pag-untugin!
Hindi ko alam na sinundan pala ako ni Prince hanggang dito sa garden. Gusto kong magpalamig ng ulo dahil umiinit ulit ito. Pilit kong inaalis ang hawak niya sa braso ko.
"Let's talk."
"Duh! Anong tawag mo dito? Nag-uusap na tayo diba?" Umirap ako. "At tantanan mo nga ako. Wala kang kwenta."
Tinalikuran ko na siya pero hinawakan niya ulit ang braso ko at hinarap ako sa kanya.
"ANO BA? Layuan mo ko, pwede? Lumayo ka! Hangga't maaari 'wag mo kong kakausapin, 'wag mo kong papansinin! Naaalala ko 'yung kababuyan niyong dalawa! Mga baboy, mga walang hiya!"
Tumakbo ako palayo. Ang tanga-tanga ko talaga! Umiiyak na naman ako sa harap niya. Naramdaman kong may humawak ulit sa braso ko. Hindi na ako nakapagtimpi. Ako na mismo ang humarap sa kanya at sinampal ko siya. Namanhid ang kamay ko sa lakas ng pagkasampal ko sa kanya.
"Ano, Prince? Mag-uusap tayo? Ano, ipapamukha mo na naman saking hindi mo ko mahal? Ha?! Tang ina mo! Ang kapal-kapal ng mukha mo! Dapat dati pa kita sinampal! Dapat dati pa kita sinaktan! DAPAT HINDI NA LANG KITA MINAHAL!"
Sinuntok ko ang dibdib niya at sinampal siya ulit.
"Manloloko ka! Sinungaling! Baboy! Ang baboy-baboy niyo! Magsama kayong dalawa! Mga baboy! Malalandi! Manloloko! Sinungaling! Mamatay na kayo!"
Sumigaw ako at binayagan siya gamit ang tuhod.
"Ugh! Fuck!"
Napaluhod siya sa sakit habang ako ay hinahabol ang hininga.
"Masakit? Mas masakit ang ginawa niyo sakin! MAS. Doble, triple! MAS MASAKIT! Kinuha niyo lahat! Lakas ko! Tiwala ko! Puso ko! Pride ko! Hinding-hindi na ko magmamakaawa sayo! Ang kapal-kapal ng mukha niyong dalawa! Tandaan mo, darating din ang araw na ikaw ang magmamakaawa sa akin."
Naglakad na ako palayo sa kanya para magpunta ng canteen. Inayos ko ang itsura ko para hindi halatang umiyak ako. Nanginginig pa rin ako sa galit. Naglalakad ako sa hallway nang may marinig akong umiiyak. Hinanap ko kung saan nanggagaling at nakita ko si Stephanie.
Ano 'to? Bully na naman? Pwes, hindi na ako magpapabully. Naglakad ako palapit sa kanya at hinigit ang braso niya patayo.
"P—Princess?" gulat niyang tanong sa akin.
Nakita ko ang luha niyang umaagos. Namumula ang mga mata at basa ang mukha dahil sa luha. Bigla akong na-guilty at binitawan ang braso niya.
"Bakit ka umiiyak?" sabi ko habang nakataas ang kilay niya.
Napaluhod siya at tinakpan ang mukha ng dalawang palad at lalong lumakas ang iyak. Lumingon-lingon ako sa paligid, walang tao. Baka sabihin nila inaaway ko si Stephanie kahit hindi naman. Lumuhod ako para mapantayan siya.
"Kinakausap kita, Stephanie. Sagutin mo nga ako," sabi ko sa kanya sabay tabing ng kamay sa mukha niya para matanggal pero hindi siya nagpatinag. "ANO BA?!" sigaw ko dahilan para lumakas lalo ang iyak niya.
Nakakainis kasi eh! Parang wala akong kausap.
"N—nagbago ka na, Princess," sabi niya sa pagitan ng hikbi.
Huminga ako nang malalim at nagsalita.
"Ikaw din."
Dahan-dahan siyang tumingin sa akin at nakita ko kung gaano kalala ang itsura niya. Alam kong nagtatanong siya kung bakit, kaya pinagpatuloy ko ang pagsasalita.
BINABASA MO ANG
You're Just My Toy
Teen Fiction[COMPLETED] "Sometimes, your real savior is just there. You're just too blinded by your own version of your Prince Charming." A story where a princess thought she could trust everyone including her prince, but in reality, he would be one of the reas...