Fourteen

3.7K 61 2
                                    

Fourteen

Isang buwan.

Isang buwan niya nang pinapaasa 'yung kaibigan ko. Isang buwan na namin siyang niloloko. Isang buwan nang naniniwala si Princess na si Prince na talaga ang end game niya. Na sila na talaga. 

Kapag nagkukwento siya sa akin tungkol sa mga daydream niya ay hindi ko maiwasang kumirot ang puso ko. Kating-kati akong sabihin sa kanya pero alam kong isa ako sa kamumuhian niya. 

Isang buwan na rin kaming nagkikitang patago ni Prince. He said he was trying to put much of his attention to me—it's hard but he's trying. Ang hirap ng sitwasyon ko. Hindi ko ginustong lokohin ang kaibigan ko, gabi-gabi akong inuusig ng konsensya ko at halos gabi-gabi kong iniiyakan ang iisang problema.

"Tetotets! Tingnan mo, oh. May bulaklak na naman ako," ngiti ni Cess. "Sabi nga ni Papa nagmumukha na raw flower shop 'yong bahay sa dami ng bulaklak."

Nakitawa na lang ako. Naiiyak na naman ako. The more she smiles, the more it hurts. Nangingilid na ang luha ko kaya yumuko ako para di niya makita. Natakpan ng buhok ko ang mukha ko dahil sa pagyuko. 

Limang minuto na 'yung nakalipas pero naka-ganun parin ako. Ganun pa rin kami. Napipigilan ko pa 'yung luha kong tumulo. Ang astig nga eh.

"Lory, ayos lang ba kung mauna na ako sa room?" 

Tumango ako habang nakayuko. 

"Sige, bye!" Tumayo siya at masayang naglakad palayo. 

Nang nakaalis siya ay tinignan ko siya. Nagsimula na namang umagos 'yung luha ko. Ang saya saya niya. Umaagos pa rin ang luha ko habang nakatingin sa kanya hanggang sa tuluyan na siyang mawala sa paningin ko—na mawawala na rin sa piling ko kapag nalaman niya. 

Nagulat ako nang may yumakap mula sa likod ko. 

"Don't cry," sabi niya kaya mas lalo akong naiyak. Medyo tago 'tong inuupuan ko kaya hindi kami makikita.

"Prince, nasasaktan ako para kay Cess. P-parang ayoko na." Hikbi ko. "Sasabihin ko na. Di ko na kaya, Prince." 

Pinatong niya 'yung ulo niya sa balikat ko. "Please, pag-isipan mong mabuti," pakiusap niya. Hinarap niya ko sa kanya at tinignan ko siya sa mata. Ayan na naman ang mata niyang nagsusumamo. "Please. Don't make it hard for me." 

Last kiss. Please. If after this kiss at ma-realized kong I can live without him, I'll tell Princess. He kissed me back. I cupped his face as he pulled me closer. Tumulo ang luha sa pisngi ko—I can't live without him. 

Wala akong ganang pumasok. Ewan ko. Simula nang may tinatago na kami ay tinatamad na akong pumasok. Si Prince lang naman 'yong dahilan ko para pumasok. Nagka-cut ako at kung minsan naman tulog ako sa classroom. Ginagawa ko 'yon para makalimutan ko 'yong problema ko at para na rin maiwasan ko si Cess.

Nasasaktan kasi ako pag nakikita ko siya.

Pagtayo ko ay may biglang magsalita sa likod ko. "So, may sikreto pala kayong dalawa." 

Bigla akong nanigas sa kinatatayuan ko nang marinig ko ang sinabi niya. Natatakot ako sa pwedeng gawin niya. Tinignan ko siya at nakikita ko siyang naka-smirk. 

"I thought si Princess ang ahas dito, ikaw pala." Naglakad siya palapit sakin while smirking. "At ang lakas ng loob mong lokohin ang bestfriend mo, ha? Datipinagtatanggol mo pa siya sa amin pero isa ka rin pala sa mananakit sa kanya. Kung kami physically, ikaw sasaktan mo siya emotionally." 

Nakita kong lumabas ang isa niyang kaibigan. Si Stephanie ang nasa harapan ko pero hindi ko kilala kung sino ang nasa likod niya. Bakit wala yung isa? Diba tatlo sila? 

"Don't worry, Lorayne. Hindi kita isusumbong sa magaling mong kaibigan. Hindi rin kita aawayin dahil inaagaw mo si Prince. Natutuwa pa nga ko sayo eh. Basta sa pagpapahirap kay Princess, magkakasundo tayo," ngisi niya.

Nanatili lang akong nakatayo doon habang tinitignan sila palayo. Parang nadikit ang mga paa ko sa lupa at hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Naninigas ako at nanginginig. Ngayon may posibilidad na malaman na ni Cess yung ginagawa namin. Magagalit siya panigurado. Wala akong tiwala kina Stephanie kaya alam kong sasabihin niya 'yun. 

Nabalik lang ako sa katinuan nang may naramdaman akong humawak sa balikat ko. Napabuga ako ng hangin at kanina pa pala ako hindi humihinga hindi ko napansin.

"Alam kong mahirap," sabi niya.. "Ikaw naman kasi, crush eh. Hindi mo alam pinapasok mo." 

Naglakad ako at tumabi sa kanya.

"Eh anong magagawa ko, Crush. Mahal ko si Prince," sagot ko sa kanya.

He sighed, "Oo nga naman. Basta in love hindi na kasi nag-iisip." Hindi ako kumibo at natahimik kaming dalawa. "Alam kong nasasaktan ka, nalulungkot ka, natatakot ka, at nai-stress ka dahil kaibigan mo 'yung pinagtataguan niyo."

Oo, alam niya ang ginagawa namin. Alam niya noon pa ang panloloko ni Prince bago pa kami magkakilala. Hinayaan niya si Prince—dahil noon ay hindi niya rin kilala si Princess. Sinubukan niyang pigilan si Prince pero kahit siya ay walang nagawa. Tatlo kami sa krimen na 'to.

"Alam mo bang pati ako nahihirapan rin? Sigurado rin akong lalayuan niya tayo, iiwasan niya tayo. Si Prince, nagulat ako nung sumali siya doon. Brokenhearted pa siya nun eh. Siguro nadala lang ng damdamin niya 'yung pagsali niya don. Kasi pag sumali ka dun there's no turning back. Oras na sumali ka, wala nang atrasan." 

"Anong mangyayari kung umatras?"

"Doble ang ibabayad. Kumbaga payment for damage. You will be given a price of PHP500,000 if you have performed the bet—galing sa mga taong nandoon ang pera at depende pa sa haba ng relationship kung gaano kalaki ang halaga. If umatras ka, it will double, which is one million. Lahat ng kasali doon magpupustahan kung iiyak ba 'yung babae, o makaka-inlaban silang dalawa.. mga ganun ba. Sila magbibigay ng options kung ano yung pagpupustahan." Paliwanag niya.

"Shit. That's a big amount."

Tumango siya.

"Si Stephanie, Precious at Ericka kasali dun. Si Stephanie nanalo siya kasi nagawa niya 'yung deal—she got the whole PHP500,000. Hindi ako naglalaro kasi pumupusta lang ako. Mahirap kasi pag ikaw ang naglalaro." Lumingon ako sa kanya at parang sobrang layo na ng iniisip niya. "May itatanong ako sa'yo."

"What?"

"Kung papipiliin ka sa kanilang dalawa... sinong mas mahal mo? Si Princess o Si Prince?" 

Hindi ako kaagad nakasagot sa tanong niya... kasi kahit ako sa sarili ko ay hindi ko alam. Pero kung titignan mo ay si Prince—dahil siya ang pinili ko kaysa kay Cess. Namuo muli ang luha ko sa naisip. I fucking chose someone over my best friend! 

"Si Prince, hindi ba?"

Hindi ako sumagot.

You're Just My ToyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon