This chapter is dedicated to @RizalynTan ! Thank you for reading :)
Twenty
"A minute, Lorayne."
Nandito ako sa may hallway nang may narinig akong nag-uusap. Hindi malinaw sa pandinig ko pero may naririnig akong nag-uusap na babae at lalaki. Curiosity killed the cat, they say—I will gladly be killed then!
"Bitaw na. Baka may makakita pa sa atin dito."
Dinala ako ng paa ko dito sa isang room. A vacant room. Walang nagkaklase rito, kahit upuan o lamesa ay wala. Kahit kailan ay walang nag-klase sa loob. Bubuksan ko na sana yung pinto nang may sumigaw sa loob.
"Bitaw na kasi—!"
Matapos nun ay wala na kong narinig sa loob kaya nag-desisyon na akong pumasok.
Napatingin sila sa akin.
"Cess?"
"Yvonne?"
Nakita ko. . . nakita ko silang naghahalikan. At ngayon, magkayakap pa rin sila habang nakatingin sakin. Pinipigilan kong huwag umiyak. . . umiyak sa harap nila.
Nginitian ko sila at unti-unting tumalikod. Hindi ko nagawang isara nang tuluyan ang pinto sa lubusang panghihina. Nagsimula nang pumatak ang mga luha ko. Ang sakit pala. Tama pala si Stephanie, dapat naniwala ako sa kanya. . . naniwala ako na niloloko lang nila akong dalawa.
Tumakbo ako palayo sa kanila habang nakayuko. Sinusundan nila ko dahil naririnig ko ang mga yapak nilang dalawa. Humihina na ang mga yapak nila kaya tumingin ako sa likod ko at tumatakbo pa rin sila pero malayo na sa akin. Pagharap ko ay may biglang sumalubong sa akin ng yakap.
"Shh. Nandito ako, Princess. Nandito si James."
Tuluyan na akong nilamon ng lahat ng sakit na nararamdaman ko. Humikbi ako sa dibdib niya habang yakap niya ako nang mahigpit.
"Bakit," hikbi ko. "Shit."
"Tahan na. Sorry, Princess," hinaplos niya ang buhok ko.
"Why are you sorry?"
Hindi siya sumagot kaya inangat ko ang tingin ko sa kanya. Umiwas siya ng tingin.
"You knew?"
Yumuko siya. Napanganga ako sa nalaman. Tinulak ko siya palayo sa akin ngunit masyado akong nanghihina pero pinakawalan niya ako. Umiling akong tumakbo palayo.
Paglingon ko sa likod ko ay nakita ko silang tatlo na hinahabol ako.
"Cess!"
"Yvonne!"
"Princess!"
"PRINCESS!!"
Napabalikwas ako ng tayo sa narinig kong sigaw. Paglingon ko sa paligid ay nakita ko sila Lory, Zymon, at James sa nakatingin sakin.
"Nananaginip ka, Tetotets!"
"Kanina ka pa namin ginigising hindi ka magising," sabi ni James.
Nagulat ako nang hinawakan ni Zymon ang pisngi ko. "At tsaka, bakit ka umiiyak? Binangungot ka ba? Narinig ka naming umuungol kanina kaya natakot kami at ginising ka."
Hinawakan ko rin ang pisngi ko at basa nga. Basa ng luha.
Panaginip lang 'yon? Buti na lang. Buti na lang at panaginip lang.
Tinitigan ko ang nag-aalalang mukha ng boyfriend ko. He was looking at me carefully—na anytime I could break. Niyakap ko siya.
"Mahal mo naman ako diba? Hindi mo naman ako lolokohin diba?"
BINABASA MO ANG
You're Just My Toy
Teen Fiction[COMPLETED] "Sometimes, your real savior is just there. You're just too blinded by your own version of your Prince Charming." A story where a princess thought she could trust everyone including her prince, but in reality, he would be one of the reas...