Thirty-five

3.9K 67 2
                                    

Thirty-five

Masaya ang naging new year ko kaso hindi nga lang kasama si James. Umuwi kasi siya sa kanila at ngayong pasukan lang ulit kami magkikita. Sumunod ako kina Manang matapos ang pasko at sama-sama naming sinalubong ang bagong taon. Lalo pang sumaya dahil umuwi si Mama dalawang araw bago mag-bagong taon.

Nakumbinsi ni Mama na sumama si Earl sa kanya at doon magtuloy ng pag-aaral. Hihintayin niya lang ako makapagtapos bago ako sumunod doon kung gugustuhin ko. Mas lalong naging tahimik ang bahay nang umalis si Earl.

Good morning! I miss you. See you later? :)
-Your James

From: J.

Napangiti ako sa bati niya. Kinagatan ko ang hotdog na kinakain ko bago nagtipa ng reply para sa kanya. Isinantabi ko na muna ang pangungulila sa kapatid ko dahil mag-isa na lang akong kumakain sa malaking lamesa.

Good morning! Sure, see you. Miss you too. <3
- your damsel in distress

Nang nasa school na ako ay rinig na rinig ko ang pagbubulungan nila tungkol sa akin. Hindi pa rin namatay ang eksenang ginawa noon ni James sa gymnasium. Ang iba ay pinupuri pa ako.

Kahit puro positive naman ang naririnig ko ay naiirita pa rin ako. Naglakad na ako papunta ng building namin. Nasa corridor na ako nang tumakbo ako papasok sa room. Pagpasok ko sa room ay marami na rin ang naroon kahit halos isang oras pa bago magsimula ang klase.

"Morning," bati ni Irish.

Ngumiti ako sa kanya pero agad ring nawala. Maglalakad na sana ako papunta sa upuan ko nang mapahinto ako. Kinagat ko ang labi ko dahil hindi ko mapigilang ngumiti.

Bakit hindi ko 'to napansin kanina?

"Para sa'yo ata 'yan eh," sabi ni Jasmin.

Lumapit ako sa upuan ko at kinuha ang card na nakapatong sa upuan ko.

Dear Princess:

Good morning, my damsel in distress! Nagustuhan mo ba 'yung regalo ko sa'yo? First gift ko 'yan sa'yo bilang boyfriend mo. Hindi ko alam pero ang saya-saya ko na tayo na. 'Yung tipong gusto kong ipagsigawan sa buong mundo na tayo na. Gusto kitang ipagmalaki.

Ikaw ang first girlfriend ko. Swerte mo, diba? Lahat ata ng first ko ikaw eh. Ang swerte mo talaga sa akin :P

Saana nagustuhan mo ang teddy bear, chocolate, at rose. Alam ko namang miss na miss mo na ako at gusto mo na akong yakapin pero pagdating ko nalang. Hahahaha. Miss na miss na kita.

- your knight in shining armor

Halos manakit ang panga ko sa pag ngiti habang binabasa ang sulat niya. Ang ibang kaklase ko ay tinignan ang teddy bear at tsokolate. Ang iba ay nanghihingi na. Tumawa lang ako at tinakpan ang namumulang mukha.

May kumalabit sa akin. Binaba ko ang card hanggang sa mata ko. Bumungad sa akin si James na malapad na nakangiti at nakabukas ang dalawang kamay para sa akin. Umirap ako at pilit na tinatago ang ngiti. Sa huli ay hindi ko na rin napigilan ang ngiti ko at tuluyan nang nagpalunod sa yakap niya.

Narinig ko ang hiyawan ng mga kaklase namin. Lalo niyang hinigpitan ang yakap at lalo lang akong sumiksik sa kili-kili niya. Sobrang bango niya talaga. Namiss ko ang amoy niya.

"Thank you, James."

"Nagustuhan mo ba?"

Tumango ako. Hinalikan niya ang ulo ko. Shit. What did I do to deserve you?

You're Just My ToyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon