Hi! Dedicated 'to sayo dahil sobra akong na-touch sa comment mo. Sana magaling ka na. Thank you so much :)
Twenty-six
Nagpahatid ako kay James bahay ko. Oo, sa akin. Niregalo sa akin 'to ni Mama noong birthday ko at walang alam si Papa tungkol dito. Gusto sana naming surpresahin si Papa tungkol dito sa pasko pero mukhang hindi na 'yon mangyayari.
Hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin kay Mama ang nangyari sa amin ni Papa. Sigurado akong malulungkot 'yun at iiyak—ayokong mangyari 'yon. Maybe for now it's better to keep this as a secret from her. Ako na lang muna ang magdadala.
"Dito na lang, James," sabi ko sa kanya nang hininto niya ang kotse sa tapat ng gate.
"Bakit tayo nandito, Ate?" tanong ni Earl.
"Oo nga, kaninong bahay 'to?" tanong ni James.
Hindi ko sila kinibo at bumaba na ako ng sasakyan. Sumunod naman sila kaagad.
Para akong lumilipad habang naglalakad sa sobrang daming nararamdaman. Gusto kong iiyak lahat pero—pagod na ko. Pagod na pagod na ako. Gusto ko na lang ipikit ang mga mata ko at. . . at siguro huwag nang gumising.
Pinindot ko ang doorbell. Dalawang pindot pa lang ay nakita kong lumabas na si Manang Rosa sa bahay. Siya ang pinagbabantay ni Mama ng bahay habang wala pang tao dito. Sinabi din naman ni Mama na pwede akong pumunta dito kahit kailan ko gusto dahil bahay ko naman 'to. Kumpleto na rin ang gamit sa loob. Pati damit meron, pagkain, at kung anu-ano pa. May kotse rin sa loob na sila Manang din ang nagaasikaso para hindi masira.
Binuksan agad ni Manang ang gate. Nginitian ko siya at tumingin kina James.
"Tara," sabi ko.
Sumunod naman sila sa akin papasok ng bahay. Ang unang sumalubong sa pagpasok ay ang garden at pool na hindi ganoon kalaki pero hindi rin ganoon kaliit. Sinabi sa akin ni Mama na simula pa lang ay unti-unti niyang pinapagawa 'tong bahay na 'to para sa akin. Sinikap niyang itago sa amin para mabigay niya kapag nakatungtong na ako sa legal age.
Huminga muna ako nang malalim bago buksan 'yung pinto. Pagbukas ko ng pinto ay dumiretso agad ako sa sofa at umupo. Tinignan ko sila na nakanganga at nakatingin sa dingding sa likuran ko.
Mama paid an artist to paint my picture. It was a five-foot tall painting na pinalagay ni Mama sa tapat ng pinto. Ito agad ang makikita mo pagkapasok. I was sixteen years old—my sweet sixteenth—when they took that picture.
"Umupo kayo dito, may upuan kasi diba?"
Para silang robot na naglalakad palapit sa akin habang pinagmamasdan ang buong bahay.
Ganiyan din ang reaksyon ko nang makita ang bahay na 'to. Manghang-mangha. Sobrang ganda kasi at malaki. Ilang araw din akong di naka-move on sa bahay na 'to.
Nang makaupo sila tinignan ko lang sila habang naka-kunot ang noo. "Ano? Tapos na? Magpalit ka na ng damit sa taas, Earl."
Lumingon ako kay James.
"James, dito ka na muna magpalipas ng gabi. Doon ka na lang muna sa guest room. Aakyat na muna ako magpapalit ako ng damit."
Tumayo na pero natigil ako nang sabay silang sumigaw.
"Teka!"
Humarap ako sa kanila. "Bakit?"
"Bahay mo 'to?"
"Obvious ba? Nandiyan na nga 'yung malaking picture ko. Hindi pa ba halata? Diyan na nga kayo mainit ang ulo ko."
Naglakad na ako paakyat ng hagdan. Nilingon ko ulit sila nang nasa taas na ako pero nakatayo pa rin sila doon habang nakatingin sakin.
BINABASA MO ANG
You're Just My Toy
Teen Fiction[COMPLETED] "Sometimes, your real savior is just there. You're just too blinded by your own version of your Prince Charming." A story where a princess thought she could trust everyone including her prince, but in reality, he would be one of the reas...