Forty-two

4.3K 68 1
                                    

Forty-two

"Good morning, Ma'am."

Tinanguan ko ang guard na bumati sa akin at nagpatuloy sa paglalakad.

Mukhang kilala na ako ng mga tao dito dahil halos lahat ay nginingitian ako at binabati. Hindi naman ako ngumingiti at tinatanguan lang sila. Sumakay ako ng elevator at pumasok na ako sa kwarto na pinasukan ko kahapon pero ibang mga mukha ang nakita ko.

"Uh. Miss Princess, right?" sabi nung isa.

Tumango ako habang hindi gumagawa ng anong ekspresyon sa mukha.

"Hindi po dito ang shoot niyo. Doon po sa isang room," paliwanag niya.

Tumango ako at lumabas na ng kwarto. Tinignan ko ang relo ko at 6:25AM pa lang. Maaga pa. Ang sabi nila ay alas siete ng umaga. I still have my thirty minutes to regain my bad morning. Kulang ako sa tulog dahil hindi ako makatulog kagabi sa kakaisip na dapat hindi ko naman iniisip.

Sumakay ako ng elevator para bumaba at bumili ng ice cream na may kung anong nakahalong prutas. Umakyat ako nang maubos ko ang ice ceam. Six fifty-six na ng umaga. Hindi ako late kung bibilisan kong maglakad. Halos tumakbo na ako at pumasok sa kwarto na sinabi sa akin kanina sa front desk.

"Sorry, I'm la—Wait, am I late?" tanong ko sa kanila.

I glanced at my watch and voila! One minute before seven pa lang. Halos tumalon ako sa tuwa. Nilingon ko sila at nakita ko silang nakatunganga sa akin. Nang tumama ang tingin ko kay Jayden at Prince ay umiwas sila ng tingin.

"Shall we?" tanong ko.

Pinapasok nila ako sa dressing room at pinasuot sa akin ang tube na white cocktail dress. Pinasuot rin nila sa akin ang arm warmer sa magkabilang pulso ko. Ang make-up ay mostly white eye shadow and dramatic liquid eyeliner. They styled my hair in a bun with a white cloth around my head.

Nang lumabas na ako sa dressing room ay napalingon na naman sila sa akin. God, di pa ba sila sanay? Maraming magagandang model dito sa agency nila kaya hindi ko maintindihan kung bakit natutulala sila sa akin.

Pumunta na ako sa flatform. Mayroong higaan na kakulay ng damit ko doon.

"Let's start," sabi ni Prince.

"Uhm. Princess, dumapa ka," sabi ni Jayden.

Tumingin ako sa kanya pero nakatingin lang siya sa higaan na nandoon. Sinunod ko ang sinabi niya.

"Iangat mo ang dalawa mong paa. There, like that," sabi niya at nilapit na ang camera sa mukha niya, then a flash of camera after that. "Good."

Umupo ako sa at pinagdikit ang dalawa kong tuhod. Diniretso ko ang likod ko at pinaghiwalay ang dalawang kamay sa magkabilang gilid ko as I looked straight and serious at the camera. He took series of shots as I changed every angle and poses.

Sunod kong ginawa ay humiga ng patagilid. Inangat ko ang kaliwang braso ko at pinatong ang ulo doon. Ang kanang braso ko ay hinayaan kong magpahinga sa gilid ko. Pinatayo naman ako ni Jayden para daw makita ang buong damit. I stood up, crossed my legs, held my waist, and smirked.

Tatlong dress pa ang sinuot ko hanggang sa matapos ang shoot. Nag-ayos na ako ng sarili at lumabas ng dressing room pagtapos. Hindi na ako nagbalak pang pasalamatan ng personal si Jayden dahil kada mapapatingin ako sa kanya ay nahuhuli ko siyang nakatingin at nag-iiwas ng tingin. He probably doesn't wanna talk to me—or see me.

"Bye, guys. Thank you," sabi ko at lumabas na ng kwarto.

It's already two o'clock in the afternoon and I'm hungry. Nasa parking lot na ako nang may tumawag sa akin. Lumingon ako sa paligid at halos matumba ako sa kinatatayuan ko sa biglaan pagbilis ng tibok ng puso ko nang makita ko siyang tumatakbo palapit sa akin.

You're Just My ToyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon