Forty-three
Naayos ko na ang lahat ng dadalhin ko para mamaya sa reunion. Hindi naman karamihan dahil Lunes ng umaga ay uuwi naman kami kaagad. Ang usapang ay ten o'clock pa lang dapat ng umaga ay nandoon na sa resort.
Eight o'clock pa lang ng umaga ang handa na ako. Medyo malayo rin ang byahe papunta roon kaya kumain muna ako ng breakfast bago tumulak.
Nasa kalagitnaan ako ng byahe nang biglang umalog ang sasakyan ko at huminto. Dali-dali akong bumaba ng kotse at nakita kong flat ang gulong. Luminga ako sa paligid at masyado pang maaga para madaanan ng kahit anong sasakyan ito, lalo na't hindi naman summer, wala gaanong dumadaan papunta sa resort.
Sinipa ko ang flat na gulong sa inis. Wala akong dalang gulong at kahit ang signal ay wala. Bumalik ako sa loob ng kotse at sinubukan ulit ang phone na kahit anong taas ko ay walang nadadagdag na bar signal. Inumpog ko ang ulo sa manibela.
Paano ako makakaalis dito? Paano ko sasabihin sa kanila na hindi ako makakapunta? Napatalon at napatili ako nang may kumatok sa bintana ng kotse ko. Nang makita ko si Jayden ay agad akong lumabas.
"Anong nangyari?"
Nilingon niya ang unahang gulong ng sasakyan ko kung saan flat ito. Tinaasan ko siya ng kilay. Hanggang ngayon ramdam ko pa rin ang pagka-inis sa lahat ng nangyayari! Ngayon ay siya na lang ang pag-asa ko para makaalis dito.
"Sa tingin mo?"
Tumingin siya sa akin. Napalunok ako nang makitang seryoso at malalim ang tingin niya sa akin. Humakbang siya palapit hanggang sa mapaatras ako at mapasandal sa pintuan ng kotse. Kinulong niya ako sa gitna ng dalawang braso niya. Iniwas ko ang mukha ko ngunit hinaplos niya ang baba ko, na nagpasinghap sa akin, para iharap sa kanya.
I bit my tongue when he leaned closer. I tried my best to look straight at his eyes. Halos atakihin na ako sa kaba sa sobrang lapit niya. Nahihilo ako sa amoy niya at sa lahat ng atensyong binibigay niya sa akin.
"Walang magagawa ang pagtataray mo. Dahil sa ngayon ako lang ang taong makakatulong sa'yo para makaalis ka dito."
"I'm not asking for your help," matigas kong sabi. "I-If you want—fine. Leave me be."
Umiwas ako ng tingin sa kanya kahit hindi ko magalaw ang ulo ko. Tumatama ang hininga niya sa mukha ko at para akong lumilipad. Halos mapapikit ako nang hinaplos niya ang braso ko.
"As if I can do that?" malambing niyang bulong. "Ikaw lang naman ang nang-iiwan. Hindi ako."
Tinulak niya ang sarili palayo sa akin. Nagbuga ako ng hininga. Hindi ko na pinansin ang sinabi niya at pinanood siyang tignan ang gulong kong mukhang wala ng pag-asa. Naka-squat siya sa harap ng gulong habang nasa likod niya ako.
"Ako na ang bahala rito. Sumabay ka na sa akin papunta ng resort," sabi niya at tumayo. "At 'wag ka nang mag-reklamo."
I let out a frustrated sigh before I turned my back on him. I rolled my eyes as I get my things. Ako na sana ang maglalagay sa compartment ng sasakyan niyang binuksan na pero hinablot niya iyon sa kamay ko at siya na ang nagdala. Tahimik ko siyang hinintay.
Nang matapos siya ay nagtataka niya akong tinignan na para bang milagro na sobrang tahimik ko. Hindi pa rin siya ngumingiti. Naglakad na siya para pagbuksan ako ng pinto. Tinitigan ko siya ulit.
"What?" taas-kilay niyang tanong.
Umiling ako at sumakay na sa passenger seat.
Tahimik lang kami habang nasa byahe. Wala akong balak makipag-kwentuhan. Isa pa ay wala akong maisip na pwede naming pag-usapan. Tinamaan ako ng antok. Nilingon ko siya na seryoso ang tingin sa daan.
BINABASA MO ANG
You're Just My Toy
Novela Juvenil[COMPLETED] "Sometimes, your real savior is just there. You're just too blinded by your own version of your Prince Charming." A story where a princess thought she could trust everyone including her prince, but in reality, he would be one of the reas...