Seven
Habang nagku-kwentuhan kami ni Lory at hinihintay sina James at Zymon bumili ng pagkain namin ay biglang may isang baso ng tubig ang sumabog sa mukha ko.
Napahugot ako ng hininga habang napatayo naman si Lory sa gulat.
"What the fuck?" Nabulong niya. Tumingin ako sa uniform kong nabasa na rin. "Why did you do that?!"
Napatingin ako kay Lory nang sumigaw siya. Ang sama ng tingin niya sa babaeng kinausap rin ako kahapon. May hawak siyang baso na ngayon ay wala nang laman. Nakangiti siya habang nakatingin sa akin.
"Oops."
"Hey! I'm talking to you!" Hinila ni Lory yung braso nung babae, dahilan para mabaling ang katawan nito kay Lory.
"Wanna know the reason? That girl you're talking to is a flirt!"
"What did you say?"
Muntikan niya nang sugurin yung babae pero hinila ko yung kamay niya. Hindi siya lumingon sa akin pero yung tingin niyang nakakasaksak ay nandoon pa rin sa babae.
"Hindi mo ba ako narinig? She's a flirt! Malandi siya!"
"Ang tigas ng mukha mo! Sa lahat ng tao dito ikaw nga yung mukhang malandi! 'Wag na 'wag mong matawag na malandi yung best friend ko!"
"Flirt." Ulit ng babae.
"Bitch, I told you to stop!" Hinila ni Lory yung kamay niyang hawak ko at kinuha yung baso ng juice sa lamesa namin at sinaboy sa babae.
Napahinto yung babae at pati na ako. Agad nang hinila ng babae na yun ang buhok ni Lory. Isang tulak lang sa kanya ni Lory ay agad siyang tumalsik. Sa inis niya dahil hindi siya makaganti ay buhok ko ang hinila niya.
"Hey! Don't touch her!" Sigaw ni Lory pero agad siyang hinawakan nung dalawang kasama ng babae kahapon.
Napapikit ako sa sakit habang tinatanggal ang mga kamay niya sa buhok ko. Sinusubukan kong sipain ang binti niya pero masyado siyang malikot! Napamura ako nang bigla niya akong sinampal at tinulak. Napasubsob ako sa sahig habang patuloy niyang hininila ang buhok ko.
"Aray! Puta, masakit!"
"STEPHANIE! What are you doing? GET OFF OF HER!"
Napaupo si Stephanie sa lapag nang hawiin siya ni Zymon. Agad niya akong tinayo at niyakap. Hindi ko namalayan na bukod sa tubig ay basa na ang mukha ko kakaiyak. Hinawakan niya ang ulo ko habang ang isang kamay niya ay nakalapat sa likod ko.
"Prince? She took you away from me!"
"I'm not yours in the first place! Stop bullying people who gets close to me. Wala ka nang karapatan! Matagal na, Stephanie. Stop this bullshit already!"
"I love you!" Frustrated nitong sigaw.
"YOU DON'T AND I DON'T!" Kumalabog ang dibdib ko sa sigaw niya. Humihikbi ako habang pahigpit nang pahigpit ang yakap niya sakin. Naramdaman kong hinalikan niya ang ulo ko at sumunod na naramdaman ko ay gina-guide niya na ako palabas. "Let's get you out of here."
Nawala ang mga tao at nang bitawan niya ako ay nakita ko ang mga puno at halaman. Inupo niya ako sa bench at hindi niya inalis ang braso niya sa balikat ko habang kinakalma ko ang sarili ko sa pag-iyak. Sinubukan niya ring suklayin ang gulu-gulo kong buhok gamit ang daliri niya.
"I'm sorry about her."
Inangat ko ang ulo ko at tumingin sa kanya. He smiled apologetically at me, poking my nose. He continued to comb my hair.
BINABASA MO ANG
You're Just My Toy
Novela Juvenil[COMPLETED] "Sometimes, your real savior is just there. You're just too blinded by your own version of your Prince Charming." A story where a princess thought she could trust everyone including her prince, but in reality, he would be one of the reas...