Seventeen
P R I N C E S S
Nakarinig ako ng sigaw mula sa kinauupuan ko rito sa garden. Kinabahan ako nang marinig ang pamilyar na boses. Agad akong tumakbo palapit sa ingay at dinala ako nito sa lumang building.
"Hindi ko na nga kayo pinapansin! Leave me alone!"
Hindi ako nagkamali. Si Ericka nga iyon. Walang tao dito kahit sino, estudyante man or faculty staff. I-re-renovate raw ito pero hindi pa nauumpisahan. Malapit lang ang garden rito at dahil sa lumang building na 'to ay walang gaanong tao sa garden dahil natatakot sila—haunted raw kasi.
Nakita ko si Stephanie na hawak-hawak ang buhok ni Ericka na ngayon ay hirap tumayo dahil sa hawak ni Stephanie. Nag-init ang ulo ko sa nakita. Nanginig ako sa galit nang makita ang namumulang mata ni Ericka.
"Just for fun, Ericka," sabi ni Stephanie.
Nilahad ni Stephanie ang mukha ni Ericka kay Precious. Bago pa masampal ni Precious si Ericka ay tinulak ko na ito. Nagulat silang lahat kaya't agad kong hinila palapit sa akin si Ericka pero napadaing ito nang makabawi sa gulat si Stephanie at hinila siya pabalik.
"Bitch!" nagngingitngit na sigaw ni Precious nang makita ang galos sa makinis niyang binti.
Ramdam ko ang inis at galit sa buong katawan ko na halos nanginginig na ako sa tindi ng nararamdaman. Tinitigan niya ako ng masama bago tumayo at tumakbo papunta sa akin. Nakaangat na ang kamay niya para hablutin ang buhok ko pero tinabig ko ito at hinawakan. Pinulupot ko ang braso niya at dinikit sa kanyang likod kaya't napasigaw siya sa sakit.
"Let Ericka go so I can let you go."
"I won't, Princess!" Stephanie shouted.
Diniinan ko pa ang braso ni Precious at naiyak na siya sa sakit. Lumingon ako kay Stephanie na nanlalaki na ang mata.
"Steph! Let that trash go—AHH!"
"Anong sabi mo? Talking about yourself?" I taunted, squeezing her arms.
Humagulgol siya at agad ko siyang tinulak na naging dahilan para sumubsob siya sa lupa. Agad niyang niyakap ang braso niya at tinitigan ako nang masama habang tumutulo ang luha niya. Umirap ako.
Lumingon ako kay Stephanie na hanggang ngayon ay hawak pa rin ang buhok ng umiiyak na si Ericka. Naglakad ako palapit at nakita ko ang pag-atras niya ng hakbang. Nang malapit na ako ay tumakbo ako at tinulak si Stephanie.
Nagulat si Stephanie sa ginawa kong pagtulak sa kanya. Sumubsob siya sa lupa. Nabitawan niya si Ericka pero tumayo ulit siya at nagtangkang hilahin ulit ang buhok nito pero hinila ko agad si Ericka kahit alam kong masasaktan ang braso niya.
Inirapan ko na lang ang nakatayong si Stephanie at inalalayang maglakad si Ericka palayo sa kanila.
"What a friend!" Tawa niya. "Ganyan ka ba talaga kapag may kaibigan? You trust and love so much. You are so stupid, Princess. Ang Tangang Prinsesa. One day hindi na ako magtataka kung bakit umiiyak ka na lang."
Lumingon ako sa kanya at nakita kong dinaluhan niya si Precious na iniinda pa rin ang braso.
"Same. Hindi na ko magtataka kung isang araw lamunin ka ng lupa sa sobrang kademonyohan mo!"
Hindi ko namalayan ang bilis niya at hinablot niya bigla ang buhok ko. Nabitawan ko si Ericka.
Shit. Ang sakit!
Hinablot ko rin ang buhok niya hanggang sa mapahiga kami sa lupa. Pumaibaba ako at hinawakan ang buhok niya dikit sa lupa. Pilit niyang tinatanggal ang kamay ko na nakahawak sa buhok niyang mahaba pero hindi niya magawa.
Sinampal ko sya sa kanang pisngi, "That's for saying I'm a flirt!"
Sinampal ko ulit sya sa kaliwa, "That's for saying I'm a bitch."
"This is for bullying me."
"For threatening me!"
"For making my life miserable!"
"THIS IS FOR INSULTING ME!"
"And this is for Ericka." I punched her right cheek.
Hinila na ako nila Precious at Ericka palayo dahil umiiyak na si Stephanie at nagdudugo na ang labi niya. Natunganga ako sa mukha niya at napatitig sa kamao kong may dugo.
"Tigilan mo na ko. Higit sa lahat, tigilan mo si Lory, tigilan mo si Zymon, tigilan mo si Ericka. TIGILAN MO NA KAMING LAHAT!"
Ang bilis ng paghinga ko. Nakatikom pa rin ang kamao ko habang siya nakahiga pa rin habang umiiyak.
"Kung sisisihin mo ako dahil pinapangit ko 'yang makinis mong mukha. . . 'wag ako, naiintindihan mo? Alam kong walang makakaalam na inaway kita dahil alam kong hindi mo rin ipagsasabi kasi natalo kita."
Hinila na ako ni Ericka paalis. Ayaw naming dalawa magpadala sa clinic kaya sa garden na lang kami napunta. Habang inaayos ni Ericka ang buhok niya ay napatingin ako sa kanang kamay ko na namumula na ngayon.
Bihira lang ako magalit nang sobra. But my anger can get the best of me kaya hindi ko mapigilan ang sarili ko kapag galit na galit na ako. I shouldn't have punched her. Maybe she deserved the slap but not the punch. Gosh, why am I so impulsive?
"S-Sorry, Princess. Nadamay ka pa sa away ko."
"Don't worry about it. You're my friend—that's enough reason."
BINABASA MO ANG
You're Just My Toy
Teen Fiction[COMPLETED] "Sometimes, your real savior is just there. You're just too blinded by your own version of your Prince Charming." A story where a princess thought she could trust everyone including her prince, but in reality, he would be one of the reas...